Chapter 32

24K 633 25
                                    

A/N: Eto na po yung utang ko sa story na to! Pasensya na at natagalan yung update ko, wala kasi talaga kong maisip tapos nawalan pa ng kuryente dito.

Sana ma-enjoy nyo kahit di ako masyadong sure kung keriboomboom tong chapter na to!

I love you guys! CIAO!

============================================================================

CASSY'S POV:

"Cassandra, gising na ba yung girlfriend mo?" tanong sakin ni mommy.

Nagluluto kami ng mga kakainin namin mamaya. Medyo mataas-taas din kasi yung aakyatin namin so siguradong pagdating namin sa kubo don, gutom at pagod yung mararamdaman namin agad.

"Hindi pa po, hindi ko na rin po muna ginising kanina kase alam kong napagod po yun sa byahe"

"Kung ako sayo gigisingin ko na sya kung ayaw mong mabad-shot sya kay nanay ate" sabi naman ni Pam.

"Shoot! Oo nga pala. Sige mom, gisingin ko lang si Mich ha"

Nagmamadali naman akong pumasok sa kwarto. Tulog na tulog pa rin yung baby ko. Ang cute lang ng itsura nya habang natutulog.

"Mich, gising na. Aalis na tayo maya ng onte" gising ko dito.

"Hmmmm" sabi lang nito sabay lagay ng unan sa mukha.

Natawa naman ako. Ang hirap palang gisingin ng babaeng to. Tinanggal ko yung unan at hinalikan sya ng mabilis sa lips.

Bigla naman syang napatayo. Nakatulala lang sya sakin. Nakahawak sa lips nya.

"Tama ka nga, effective ngang pampagising yon. Kaya pala nagising agad si snow shite at si sleeping beauty" nakangiting sabi ko sa kanya.

Napangiti din naman sya sakin. Naalala din nya siguro yung ginawa nya sakin nung papunta kami sa Batangas.

"Nga pala, baka gusto mong bilisan dahil mamaya ng onte, andito na sila nanay" sabi ko pa sa kanya.

Bigla namang nanlaki yung mata nya at mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok sa cr para maligo. Tatawa-tawa naman akong iniwan sya sa kwarto para tulungan ulit sila mommy and Pam sa kusina.

"Ginising mo na?" tanong ni Pam.

Tumango naman ako.

"Yeah, nagmamadali ngang pumasok sa banyo nung binanggit ko si nanay eh"

"Alam mo gusto ko sya Cassandra. Oo nung una hindi ko naintindihan kung bakit biglang nagkagusto ka sa babae, pero nung pinakilala mo samin si Michelle, naintindihan na kita. Nakita ko kung gaano ka nya kamahal" seryosong sabi ni mommy.

Napayakap naman ako sa kanya.

"Thanks mommy. I love you"

"Basta siguraduhin lang nya na hindi ka nya sasaktan ha"

"Nako mom, baka si ate pa manakit don. Alam mo naman yang ugali ni ate" natatawang sabi Pam.

Inirapan ko lang sya. Kahit kelan hindi ko sasaktan si Michelle no! Wag lang syang mambabae, bugbog sarado talaga sya sakin.

"Aalis na po ba?" sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita.

Ugh! Bakit ba ganito tong babaeng to? Kahit ang simple-simple lang ng suot nya, ang ganda-ganda pa rin. Lalo na ngayon, bagong paligo pa sya. Sino ba namang hindi maiinlove dito? Bakit ba naisip ni Pamela na sasaktan ko si Michelle? Papano ko makakayang saktan yung taong to?

"Ate?" narinig kong tawag sakin ni Pam.

Napatingin naman ako dito.

"Lika na daw" sabi pa nito.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon