A/N: Whooa! Natapos ko din. Kanina pa ko nasstress sa kakaisip dito sa update na to. Konting-konti na lang tapos ko na to.
Nga pala, dedicated tong chapter na to kay Taniabrie :) sana magustuhan mo to.
Malapit ko nang mamiss si Cassy at si Michelle, pero dont worry, may papalit na naman sa kanila. Malapit nyo nang makilala sila Julie at Danielle ^__^
======================================================================
CASSY'S POV:
Nagpalipat-lipat yung tingin ko kay Pam, kay Rex at kay JP. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Parang biglang sumakit yung ulo ko. Totoo ba lahat yun? Totoo bang dahil sakin kaya napilitang pumayag magpakasal si Michelle?
So all this time, ako lang yung pinoprotektahan nya? Bat hindi nya agad sinabi sakin? Michelle naman! Kung sinabi mo agad, wala sana tayong naging problema.
"Pam, hindi ako pwedeng idemanda ni Mr Padilla dahil sa kontrata dahil nakalagay naman dyan na may karapatan tayong tapusin yung pagmamatchmake natin pag napansin natin na walang pag-asang mahalin nung couple yung isa't-isa" seryosong sabi ko.
God Michelle! How can you be so stupid?! Hindi ka muna nagtanong sakin bago ka magdesisyon.
"I know Ate, kaya nga hiningi ko sayo yung files para ipacheck sa friend ko na lawyer eh"
"Kelan mo pa alam to Pam?" tanong ko dito.
"3 weeks ago na Ate"
Napatayo naman ako bigla at galit na inihampas yung kamay ko sa mesa.
"What?! 3 weeks ago? Tapos hindi mo man lang sinabi sakin? Nakikita mo kung papano ko umiyak at gawing miserable yung buhay ko, pero wala kang sinabi?!"
I can't believe this! So silang lahat alam nila yung nangyayari, tapos ako mukhang tangang nagmumukmok dito? Ni wala man lang silang binanggit sakin? Wala akong nagawa para mapigilan yung mahal ko sa katangahang gagawin nya?!
"Sorry Ate, kailangan ko pa kasi munang ipadouble check dun sa friend ko yung papeles eh. Ayoko namang sabihin agad sayo kase baka umasa ka, o kaya baka bigla kang may gawin na pwedeng makasira dun sa plano namin" paliwanag ni Pam.
"Cassy, alam namin na ganyan yung magiging reaction mo kaya hindi naman sinabi agad sayo. Ayaw namin na bigla kang sumugod sa bahay ng walang kalaban-laban" sabi naman ni JP.
"Ganun ba kasama yung Papa nyo?" nanghihinang tanong ko.
Halos isang buwan kong tiniis na hindi makita at makausap si Michelle. Nagalit pa ko dahil bigla syang bumitaw, yun pala, dahil lang sakin kaya nya ginawa yon.
"Basta ginusto ni Papa, dapat masusunod. Wala syang pakelam kahit sino pang masaktan nya. Ilang beses na namin syang kinausap para ipatigil yung kasal nila Michelle at Joel pero matigas sya. Wala na daw urungan yon"
Agad akong tumayo at nagmamadaling sumakay sa kotse ko. Bigla naman akong hinabol ng tatlo.
"San ka pupunta Ate?" tanong ni Pam.
"Hahanapin ko si Michelle. Kailangan ko syang makausap. Kailangan nyang malaman na niloloko lang sya ng Papa nya" galit na sabi ko.
Hindi ako papayag na makasal si Michelle kay Joel. Ngayon pa na alam ko na yung totoong dahilan. Magkamatayan na pero hindi ko ibibigay si Michelle sa kanila.
"Wala sya sa bahay" sabi ni JP.
Takang napatingin ako sa kanya.
"Nasan sya?"
"Nasa Batangas Ate. Yun yung sabi nya sakin nung huling araw na nagkita kami. Naalala mo nung nagpunta kang mag-isa sa park? Sinundan ka nya non"
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Pam. Kung sinundan nya kami non, ibig sabihin nakita nya kami ni Rex? God! Ubod pa mandin ng selosa yung babaeng yon! Baka akala nya pinagpalit ko na sya agad. Damn, kailangan ko na talaga syang makausap.
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomantizmSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...