Chapter 10

24.6K 665 54
                                    

A/N: Eto na po ang pinakahihintay nyong update. sana po magustuhan nyo :)

======================================================================

CASSY'S POV:

Pagbaba ko ng taxi, agad akong naghanap ng bangkero para ihatid ako sa kabilang isla. Pero dahil gabi na, wala na kong makita na bangkang maghahatid sakin. Nanghihinang napaupo ako sa may dalampasigan. Papano na si Michelle? Kasalanan ko to eh.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng may bigla akong naaninagan sa may dagat. Agad ko itong nilapitan.

"Manong! Manong!" tawag ko dito.

Agad naman nya kong nilingon.

"Pwede nyo po ba akong ihatid dun sa isla?" tanong ko sa kanya.

"Gabi na ineng, saka medyo malakas yung alon ngayon."

"Sige na po manong, yung kaibigan ko po kasi nag-iisa don. Kawawa naman kasi sya, babae pa mandin sya manong. Papano na lang po kung biglang may masamang loob pala don o masamang hayop."

Tiningnan lang ako ni manong.

"Manong please po. Dodoblehin ko po yung bayad sa inyo"

"Kahit hindi mo na doblehin ineng. Mukang importanteng importante sayo yung taong nandun ngayon, kaya sige ihahatid kita. Pero kailangan kong umalis agad ha"

Napayakap naman ako kay Manong.

"Salamat po manong! Ang bait-bait nyo po. Bukas po, kayo na din po yung sumundo samin" masayang sabi ko dito.

"Maswerte yung taong nandon ineng, dahil halatang mahal na mahal mo sya" komento ni manong.

Bigla naman akong natigilan.

Mahal? Ako mahal ko si Michelle? No way! Etong si manong umiissue pa!

"Manong kaibigan ko lang po yung taong nandon. Babae po yun manong. At mali po sa mata ng tao at mata ng diyos ang magmahal ng kapwa babae. Kasalanan po yun"

"Kelan ba naging kasalanan ang magmahal ineng? Hindi naman natin natuturuan ang puso kung sino yung dapat nating mahalin diba?"

Ay taray ni manong! May WOW.

Pero tama naman sya, hindi naman talaga kasalanan magmahal eh. Nagiging kasalanan lang, kung maling tao yung mamahalin mo.

Tumango na lang ako dahil ayoko ng ituloy yung usapan namin. Baka kung saan pa makarating.

MICHELLE'S POV:

Bakit ba wala pa si Joel? Kanina pa ko dito ah. Natatakot na ko. Hindi ako sanay mag-isa. At ang dilim-dilim pa. Ano ba kasing ginagawa ko dito?

-FLASHBACK-

"H-hi" kahit hindi ako lumingon, kilalang-kilala ko kung sino yung nagsalita. Ano na naman bang ginagawa nya dito?

"May date kasi kami ni JP kaya ako nandito" sabi pa nya sakin na para bang nabasa kung ano yung nasa isip ko.

Tumango lang ako.

"Gusto mong sumama?"

Napataas naman ang kilay ko sa tanong nya. Noon ko lang sya nilingon.

"Seryoso k a ba dyan Sam? Date nyo ni kuya tapos isasama mo ko?" baliw ata talaga tong babaeng to eh. Ano ko third wheel? Aish!

"Baka lang kasi wala kang gagawin" sabi pa nito.

"May pupuntahan ako"

"Saan?"

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon