A/N: Oooppps :) dahil wala akong magawa kanina sa byahe, nagtype na lang ako ng update dito. Nawa'y magustuhan nyo po ang chapter na itey. Medyo nasstress na din ako dahil nilalanggam ako sa sweetness ni Cassy and Michelle, nakakaumay na. hahaha! Joke! Bitter lang ako kase kanina may nagPPDA sa harap ko. hahahaha!
=============================================================================
CASSY'S POV:
Kasalukuyan kong tinitingnan yung files ng bago naming client ng biglang may kumantok sa pinto.
"Pasok Gabby" sabi ko dito.
Naramdaman ko na bumukas yung pinto kaya hinintay kong magsalita si Gabby.
"Yes Gabby?" tanong ko habang nakatingin pa din sa files na hawak ko.
Nagtaka ko dahil hindi sya nagsasalita.
Pero bigla akong napangiti ng lumapit sya sakin at naamoy ko yung pabango nya. Hmmm, himala, kumatok ang bruha.
"At ano namang masamang hangin yung nagdala sayo dito?" nakangiting sabi ko dito. At dahil maarte ako, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
Kahit hindi ko sya nakikita ngayon, alam kong napasimangot sya.
"Hmp! Masama na bang dalawin ko yung girlfriend ko? Namiss kita eh."
Lalo naman akong natawa ng tumingin ako sa kanya. Ang cute-cute nya kasi. Nakasimangot habang nilalaro yung buhok nya.
"Sus hindi kita namiss." Nakangiti pa ring sabi ko dito. Halos 3 weeks din kasi akong naging busy sa mga clients ko kaya minsan hindi kami nakakapagkita ni Michelle. Naiintindihan naman daw nya dahil alam nyang mahal ko yung trabaho ko.
"Eh di hinde" malungkot na sabi nito.
Agad naman akong tumayo at inilapit yung mukha ko sa mukha nya.
"Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss kita kulet" sabay kiss ko sa kanya.
Bigla namang nagliwanag ang mukha nito.
"Promise?"
Tumango naman ako dito. Lalo naman syang napangiti.
"Alam mo ang cute mo Michelle. Paiba-iba yung expression ng mukha mo"
"Hindi ako cute, maganda ko"
"Syempre naman, kaya nga mahal kita eh"
Bigla na naman itong sumimangot. Grabe, ang cute-cute nya talaga.
"So kaya mo lang ako mahal kase maganda ako?"
"Nope! Mahal kita kase ikaw si Michelle Padilla" sabay pisil sa ilong nya.
"So bakit mo nga ako mahal? Diba dapat may dahilan yon?"
"Dahilan?"
"Oo dapat may dahilan ka kung bakit mo ko mahal. Hindi naman pwedeng mahal mo ko dahil wala lang diba?"
Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita.
"Michelle, mahal kita kase..mahal kita. Hindi ko alam kung bakit pero sayo ko masaya, ikaw yung unang taong pumapasok sa isip ko paggising ko sa umaga, at ikaw din ang huling taong naiisip ko bago ko matulog. Mahal kita dahil ikaw lang yung nakakagawang magpabilis at magpabagal ng tibok ng puso ko. So wala akong ibang alam na dahilan kung bakit mahal kita, kundi, MAHAL KITA. Gets?" nakangiti kong sabi dito.
Natawa ko sa reaction nya. Nakatingin lang sya sakin at hindi makapagsalita. Speechless ang bruha. Nagulat na lang ako ng bigla itong umiyak. Nag-aalala ko namang pinahid yung luha nya.
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...