A/N: Surpise!!! Kala nyo hindi ako mag-uupdate ngayon no?! Bigla kasing may pumasok sa isip ko eh. Sana lang magustuhan nyo. Bumalik na yung taong hinahanap nyo nung previous chapter.
O ayan ha, eto na yung utang ko sa inyo kahapon, I love you guys! Enjoy!
=============================================================
CASSY'S POV:
"Goodmorning Ate, happy birthday" nakangiting bati sakin ni Pam pagmulat ko ng mga mata ko. Ang aga-aga naman nya sa kwarto ko.
"Happy birthday Cassy" bigla naman akong napatingin sa nagsalita. Nanlaki yung mata ko nang makita si Rex na katabi ni Pam. Kanina pa ba silang dalawa dito? Pinapanood ba nila ko habang natutulog? Hindi ko na naman ba nailock yung pinto?
Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Saka nagpunta ng banyo para mag-ayos at magtoothbrush.
Paglabas ko, may hawak-hawak na silang cake at balloons. Yung totoo, batang musmos lang ba ako?
Agad ko naman silang tinaasan ng kilay.
"O ano yan?"
"Duh Ate, cake at lobo!" sagot naman ni Pam.
"Pam, nakikita ko, hindi ako bulag. Ang ibig kong sabihin, anong pakana yan?"
"Hay nako Ate, hindi ka pa rin nagbabago. Kahit birthday mo, ang taray-taray mo pa rin. Sana man lang nagpapasalamat ka sa effort namin ni Rex, hmp!"
"Ginawa nyo naman kase kong bata! At isa pa---"
"Hep hep hep. Wag ka ngang KJ dyan Ate, blow mo na lang yung candle bilis. Tapos magwish ka, malay mo matupad" nakangiting sabi ni Pam sabay kindat.
Ngumiti lang naman sakin si Rex habang inilalapit yung cake.
Bigla naman akong natawa nang kumanta pa sila ng 'happy birthday to you' na song. Seriously? Ano ko, bata?
"Game na Ate, wish ka na bilis!" excited na sabi ng kapatid ko. Ano bang problema nito at excited na excited na magwish ako. As if naman magkakatotoo.
Pumikit muna ako at nagwish bago hipan yung kandila. Tuwang-tuwa namang nagpapalakpak si Pam.
"Anong wish mo?" sabay nilang tanong ni Rex.
"Bat ko sasabihin sa inyo? Baka mas lalo pang hindi magkatotoo."
"Kung ano man yang winish mo na yan Ate, sure akong magkakatotoo yan" siguradong-siguradong sabi ni Pamela.
Magkakatotoo? Eh hindi ko nga alam kung nasaan sya. At kung natatandaan nya na birthday ko ngayon. Hay Michelle, nasaan ka na ba?
"So anong gusto mong regalo Ate?"
Nagkibit-balikat lang ako. Kung sasabihin ko bang si Michelle, maibibigay nila sakin?
"Kahit ano na lang" matamlay na sagot ko.
"Eh ano bang magpapasaya sayo?" tanong naman ni Rex.
Tumingin muna ako sa kanila at bumuntunghininga bago nagsalita.
"Alam nyo naman diba?"
"Ano nga?" tanong naman ni Pam.
"Hindi naman ano eh, sino" malungkot na sagot ko.
Nagkatinginan naman sila na parang naintindihan kung anong ibig kong sabihin.
"O eh di magbihis ka na Ate" nakangiting sabi ni Pam.
Kunot-noong tumingin naman ako sa kanya. Bat ako magbibihis? Eh gusto ko nga magkulong na lang dito sa bahay. Wala din naman kwenta tong araw na to kung hindi ko rin naman makakasama si Michelle. Sabi nga sa isang movie, dalawa lang naman yung dahilan kung bakit ka bad mood o bad trip ka pag birthday mo. Una, yung makasama mo yung taong pinakaayaw mo, at ang pangalawa, yung hindi mo makasama yung taong gustung-gusto mo.
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...