Chapter 11

27.8K 633 34
                                    

A/N: Surprise surprise, eto na yung chapter 11. pasensya na sa mga nabitin kahapon. Promise, mabibitin ulit kayo dito. hahaha!

hmm, dahil napangiti ko daw sya bago matulog kagabi dahil sa update ko, papa-smile ko ulit sya ngayon :)

so idededicate ko tong chapter na to sayo :)

=============================================================================

CASSY'S POV:

Pagdating namin ni manong sa isla ay nakita ko agad si Michelle na nakaupo sa isang sulok at nakatungo. Agad akong tinulungan ni manong na makababa sa bangka.

"Manong, bukas po ng hapon may magpapahatid po ulit sa inyo dito, mga kasamahan ko po yon, pakilala na lang po kayo, nasabi ko na rin po sa kapatid ko" nakangiting sabi ko dito. Nagtext kase ko kay Pam kanina na tuloy yung dinner date ni Joel and Michelle sa island bukas. Igagala ko muna si Michelle para madistract para makapag-ayos sila.

"O sige ineng, mag-enjoy ka lang dyan. Ako ng bahala bukas. Puntahan mo na yung mahal mo at mukhang takot na takot na" tukso pa ni manong.

"Kaibigan ko lang po sya manong at hinding-hindi ko po sya mahahalin kahit kailan"

"Ako ba ang pinapaniwala mo ineng o yang sarili mo?"

Yun lang at umalis na si manong. Iiling-iling na naglakad na ko papunta kay Michelle. Ang weird talaga non.

Bakit ba ganun yung iniisip ni manong? Porke ba nagmakaawa ako sa kanya na ihatid nya ko dito? Aish, hindi nga ako magkakagusto sa katulad ni Michelle at isa pa, may Rex na ko.

Umupo ako sa tabi ni Michelle ng hindi nagsasalita. Naramdaman nya sigurong may tumabi sa kanya kaya nilingon nya ako. Napansin ko agad yung luha sa mga mata nya. Bigla na naman akong nakaramdam ng guilt. Kasalanan ko kung bakit sya umiyak. Medyo natawa lang ako sa reaksyon nya ng makita ako. Nanlaki bigla yung mga mata nya at pumikit-pikit. Parang hindi makapaniwala na nandito ako sa tabi nya. Ngumiti ako sa kanya.

"C-cassy" hindi makapaniwalang sabi nya.

Agad ko naman pinunasan yung mga luha nya at bumulong.

"Sorry, tahan na, nandito ako hindi kita iiwan" kahit ako, nagulat din na nasabi ko yon. Bigla na lang may humaplos sa puso ko ng makita ko syang umiiyak.

Nagulat ako ng bigla syang yumakap sakin. Kung yung dating Cassy to, siguro itinulak ko sya agad palayo sakin. Hindi ko alam pero wala akong lakas na gawin yon. Hindi ko alam kung bakit ganito yung epekto ni Michelle sakin.

Hinayaan ko na lang sya na yumakap sakin hanggang mahimasmasan sya.

"Cassy, bat ka nandito?" tanong nya sakin.

Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ko na lang hinayaan na si Gabby na lang yung pumunta dito? Bakit ko kinailangang iwan si Rex habang nagddinner kame? Bakit kailangan kong makiusap kay manong para ihatid ako dito? Dahil ba sa awa? Oo awa lang talaga siguro. Wala naman sigurong ibang ibig sabihin to.

"Cassy?" tawag nya ulit.

Tiningnan ko lang sya at ngumiti.

"Yung totoo?"

Tumango-tango naman ito. Namumula pa rin ang mga mata nito pero wala ng mga luha. Napatitig lang ako sa mukha nya habang nakatingin sya sakin at naghihintay ng sagot.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Hindi ko rin alam Michelle. Nung sinabi sakin ni Pam na hindi nga makakapunta si Joel, sinabi ko agad sa kanya na wag ka ng patuluyin dito, kaya lang huli na pala, naihatid ka na nila Gabby"

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon