Chapter 37

18K 522 16
                                    

A/N: O, nagulat kayo no? Wala lang, hindi kasi ako makatulog kaya tnry kong isulat tong chapter na to. Sana po medyo gumaan na yung sakit na nararamdaman nyo dahil sa mga kadramahan ng previous chapters, hahaha!

Ah basta, sana magustuhan nyo to. Malapit na tong matapos, yehey! Makakatatlo na ko ^__^

Salamat po sa inyong lahat. Mahal na mahal ko kayong lahat.

====================================================================

MICHELLE'S POV:

"Michelle, tawag tayo ng Papa mo"

Walang ganang tumingin lang ako sa kanya.

"Ayoko, ikaw na lang"

"Pero kailangan ka daw sa loob"

"Ako? Kailangan nya sa loob? Bakit? Pag ba nagbigay ako ng opinion ko, susundin nya? Hindi naman diba? So pwede ba, wag nyo kong isali dyan sa kalokohan nyo!" inis na sabi ko sa kanya.

"Pero para sa kasal natin to"

"Kasal natin?" malamig na sabi ko sa kanya sabay pakawala ng mapait na tawa. "Kasal pala tawag dito, akala ko kase ipapasok nyo ko sa bilangguan eh"

Nakita kong biglang lumungkot yung mukha nya dahil sa narinig. Pero hinding-hindi ako maaawa sa kanya. Kasabwat sya ni Papa sa lahat ng to! So kahit kalian, hinding-hindi ko din sya mapapatawad.

"K-kumain ka na ba?" pag-iiba nya sa usapan.

"Nah, hindi ako kakain! Kung kayo rin lang yung makakasabay ko, mas mabuting mamatay na lang ako sa gutom"

Yun lang at tumalikod na ko sa kanya. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla nya kong hawakan sa braso.

"Michelle" mahinang tawag nya.

"Bitawan mo ko! Oo ikakasal ako sayo pero wala kang karapatang hawakan ako."

"H-hindi mo ba talaga ko kayang mahalin?"

"Hinding-hinde Joel! Wag kang umasa na pag nakasal na tayo, eh mapapalitan mo si Cassy sa puso ko."

"Ganun mo ba sya kamahal?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung ganon mo kamahal si Cassy na handa mong ipatali yung sarili mo sa isang taong hindi mo naman mahal para lang mailigtas sya sa Papa mo."

"Wala kang idea kung gaano ko kamahal si Cassy. At ginagawa ko lang lahat ng to dahil sa kanya. Dahil ayokong gawan sya ng masama ng tatay ni Kuya JP."

"Michelle, sya pa rin yung tatay mo."

"Tatay? Si Mr Padilla?" tumawa lang ako ng mahina.

Kelan ba naging anak yung turing nya sakin? Lalong-lalo na nung nalaman nyang ganito ako. Halos hindi nya ko kausapin non. Si Mama lang lagi yung kumakausap sakin. Parang wala akong tatay. Medyo napapaisip nga ako kung totoong anak nya ba ko o inampon nya lang ako kaya ganun na lang yung ugaling pinapakita nya sakin.

"Talaga bang wala ka ng galang Michelle?!" biglang may nagsalita sa likod ko.

"Oh, andyan po pala kayo, so ayaw nyo po ba ng Mr Padilla? Sir na lang po ba? Mas ok po ba yon?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko po, ano po bang yung gusto nyong itawag ko sa inyo sir?"

Galit na tumingin lang sya sakin. Sinalubong ko naman yung tingin nya. Hindi na ko natatakot sa kanya. Punung-puno na ko sa kanya. Kahit konting respeto ata, wala na kong nararamdaman para sa kanya. Simula nung araw na nalaman nya yung tungkol saming dalawa ni Cassy, wala syang ginawa kundi saktan ako, hindi lang pisikal, pati emosyonal. Pero dahil mahal ko si Cassy, tiniis ko lahat ng yon. Dibale nang ako yung masaktan, wag lang sya.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon