Chapter 23

26K 681 64
                                    

A/N: Janjararan!! Eto na po yung chapter 23. Sana lang magustuhan nyo. Mejo distracted kase ko habang sinusulat ko to eh. Ang cute cute kasi ni Daniel Padilla. hahaha! At in fairness ang ganda ni Kathryn Bernardo ha ^___^

Kinikilig lang ako kanina. hahahaha!

Napagalitan pa nga ako ng nanay ko dahil bigla akong sumigaw nung nakita ko si DJ. Ang ingay ko daw. hahaha!

O sya, sana magustuhan nyo to. I love you guys.

CIAO!

=============================================================================

CASSY'S POV:

"Goodmorning Cassy" napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa may pinto ng iffice ko.

Bigla naman akong naguilty dahil sa smile nya sakin. Ngumiti din ako ng pilit sa kanya.

"Hi Joel, kamusta?"

"Eto umaasa pa rin na mamahalin ni Michelle" malungkot itong ngumiti.

Lalo naman akong nasaktan para sa kanya. Papano pa kaya pag nalaman nya na yung matchmaker nila yung umaagaw sa pagmamahal ng babaeng mapapangasawa nya.

"Ahm. Sorry kung medyo natatagalan ha"

"Ok lang yon, wala ka namang kasalanan. Alam naman kasi namin ng parents nya na babae yung gusto ni Michelle e. Kami lang yung nagpipilit sa kanya na mahalin ako"

"I'm sorry"

"Nga pala pumunta ko dito kase ngayon nakaschedule yung sa movie diba?"

Tumango naman ako.

"Nasabihan ko na din pala si Michelle. Kaso di pa sya pumapayag. Ayaw na daw nya kase, wala naman daw nangyayari dito sa pagmamatchmake na to eh"

I'm sorry talaga Joel. Sorry.

"Ako na lang kakausap sa kanya. Tawagan na lang kita mamaya kung papayag sya."

Bigla naman itong napangiti.

"Salamat Cassy. Salamat talaga"

Pagkatapos ay nagpaalam na ito.

Malungkot na napaupo na lang ako. Ano ba naman kasi tong ginagawa mo Cassy. Ang trabaho mo, mapainlove si Michelle kay Joel. Hindi sayo.

Oo na, pero hindi ko naman ginusto to diba?

Pero hindi mo rin kayang pakawalan si Michelle.

"Ate? Nakita kong galing dito si Joel, anong nangyari? Nalaman na ba nya?" nag-aalalang tanong ni Pam.

As usual, hindi na naman sya kumatok.

"Wala pa syang alam. Cinoconfirm lang nya yung movie date nila ni Michelle"

"Oh! So itutuloy pa rin ba natin to? Ate pwede naman natin ibalik yung payment nila. "

"No Pam. Itutuloy natin to"

"Ate?"

"Nakasalalay dito yung reputasyon ko bilang matchmaker."

"Pero mahal mo sya"

"Mahal ko din yung trabaho ko"

"So mas pipiliin mo yung trabaho at reputasyon mo kesa sa sarili mong kaligayahan"

"Hindi ko alam Pam. Hindi ko alam."

"Kung mas importante sayo yung sasabihin ng iba at yang trabaho mo, pakawalan mo na si Michelle. May karapatan syang sumaya ate. At kung hindi mo kayang ibigay yon, hayaan mong ibigay ng iba sa kanya"

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon