A/N: Chanan! Eto na po yung update ko para sa paborito nyong story. Halos langgamin na naman ako dahil sa dalawang to! Lagi na lang! hahaha! Ang sweet sweet! Oh eh di sila na yung inlove, ako na yung bitter, hahaha!
Nga pala, dedicated pala to sa pinakamakulit kong kaibigan, o eto na kulet ha! Wag kang mag-alala, hindi ako napipilitan dito. At tulad ng sabi ko sayo, ikaw yung nasa isip ko nung sinusulat ko to. Lahat ng kakulitan mo! hahaha!
O sya sya, sana mag-enjoy na lang kayo. Mahal ko kayong lahat! CIAO!
======================================================================
MICHELLE'S POV:
"Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah" narinig kong sabi ni Cassy.
Napangiti naman ako ng maalala yung pinag-usapan namin ni nanay kanina.
-FLASHBACK-
Halos panawan ako ng ulirat dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Bakit kasi hindi sumama si Cassy eh. Dapat sinamahan nya ko dito. Nakakatakot pa man ding tumingin tong si nanay.
"Michelle right?" mataray na tanong nito.
"O-opo" kinakabahang sagot ko.
"O bat ka kinakabahan? Natatakot ka ba sakin?"
"Po?"
"Mukha ba kong nakakatakot Michelle?"
Shet naman, parang maiihi na talaga ko sa kaba.
"H-hindi po. Mukha nga po kayong mabait" sabi ko sa kanya.
Sukat don ay tumawa sya ng malakas.
"Alam mo, natutuwa ako sayo. Nasabi kasi sakin ng anak ko na hindi ka daw talaga kumakain ng hipon at alimango dahil allergic ka don, pero kagabi, kumain ka kahit alam mo na pwede mong ikapahamak yon. Bakit Michelle?"
"Yung totoo po? Nung una po, gusto ko po kasi talagang magustuhan nyo ko para kay Cassy. At alam ko po na makakabawas po sa ganda points ko kung hindi ko po titikman yung luto nyo. Pero nung natikman ko po sya, talagang nasarapan po ako kaya kahit alam kong bawal, naparami po yung kain ko. Yun na po yata yung pinakamasarap na luto na natikman ko."
"Wag mo na kong bolahin!"
"Hindi ko po kayo binobola. Promise. Peksman, masarap po talaga!" itinaas ko pa yung kanang kamay ko.
Ngumiti naman ito sakin.
"Eh yung pag-akyat dito sa bundok? Nasabi din nila sakin na ayaw na ayaw mo sa matataas na lugar"
"Ma'am, gagawin ko po lahat para kay Cassy. Kahit po nung una, takot na takot ako habang paakyat, itinuloy ko pa rin po kase alam ko naman po na nandyan si Cassy para alalayan ako eh"
"Na nagkabaliktad dahil sya bigla yung inalalayan mo."
Tumango naman ako.
"Tell me Michelle, gaano mo kamahal ang apo ko?"
"Tulad po ng sabi ko sa inyo kagabi, to the moon and back po."
Tinaasan naman nya ko ng kilay. Aish! Parang si Cassy lang.
"Joke lang po. Hindi na po kayo mabiro. Magseseryoso na po ako. Sobrang mahal ko po yung apo nyo. Yung totoo po nyan, unang kita ko pa lang po sa kanya, alam ko pong magiging espesyal sya sa buhay ko. At habang nakikilala ko po sya, lalo ko po syang minamahal."
Tumango-tango naman ito.
"Baka naman infantuation lang yan. Baka pagdating ng araw magsawa ka na lang sa apo ko at iwanan mo na lang sya bigla"
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
عاطفيةSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...