A/N: dahil nanalo kagabi yung aces ko, nasa mood akong mag-update ngayon :) eto ha, mas mahaba na to :)
===========================================================================
CASSY'S POV:
"Pam, plan B" seryosong sabi ko sa kanya.
"Ngayon na ate?"
"Yep! Nasabihan ko na din si Joel."
"So ok lang sayo na iwanan natin silang dalawa sa island?"
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"Trabaho natin to Pam. So bat hindi magiging ok sakin?"
"Baka lang kase..."
"Hindi ako nagseselos." WTF? Bat ko sinabi yon?
Nagulat ako ng bigla itong tumawa.
"Anong nakakatawa Pamela?"
"Ikaw ate! Ang obvious mo kase! hindi naman kasi yun ang sasabihin ko. Sasabihin ko sana na baka hindi sanay si Michelle na matulog sa tent. Mayaman kasi sila diba?"
"Obvious mo mukha mo Pam! Sus kaya nya yon, si Carla nga nakaya nya eh"
"Sabagay. Pero nagseselos ka talaga ate?"
"Tigilan mo ko Pamela!"
"Asus, pakipot! Btw ate, ok na daw, naka-setup na lahat, ok na yung tent, yung pang bonfire nila, yung pagkain nila don. Nagtext na rin si Gabby, papunta na daw si Michelle don."
"Ok, bat hindi sila sabay ni Joel?"
"Sabi ni Joel kanina, may kailangan lang daw syang tapusin sa office nila tapos susunod na sya"
"Sabihin mo kay Gabby tawagan si Joel at sabihin na pakibilisan dahil kawawa naman si Michelle don kung matagal maghihintay"
"Eh di samahan mo ate"
"Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw na lang!"
"As if naman ako yung gusto nyang makasama. Eh ikaw nga yung CRUSH nya diba?"
Sukat don ay naramdaman kong namula na naman yung mukha ko.
"Oops, si Ms Homophobe nagblush dahil may crush sa kanya ang isang babae?"
"Pwede ba Pamela?! Hindi ako nagblush, mainit lang talaga!"
"Whatever ate!"
"Ilang beses ko ba kasi uulitin sayo na hinding-hindi ako magkakagusto at papatol sa babae! Mahirap bang intindihin yon Pam?"
"Hindi naman ate, ang mahirap lang intindihin eh kung bakit mo pinapaniwala yang sarili mo sa ganyan kahit iba naman yung nararamdaman ng puso mo" pagkatapos ay umalis na sya.
Nakatulala lang ako sa may salas ng biglang may nagtakip ng mata ko.
"Guess who?!" narinig kong sabi nito. Agad naman akong napangiti.
"Alam kong ikaw yan Rex" nakangiting sabi ko.
"Whoa! Papano mo nalamang ako yon?" nakangiting sabi nito.
Ok, pwede na kong matunaw ngayon. Hanggang ngayon ang gwapo-gwapo pa rin nya. Same old Rex na minahal ko noon.
"Malamang kilalang-kilala ko yang amoy mo!"
Shet lang! Eto na naman yung kakaibang tibok ng puso ko.
"So kamusta ka na?" tanong nito sakin.
"Eto ok lang naman. Medyo busy lang kase madaming kliyente"
BINABASA MO ANG
Fall for me Ms. Matchmaker
RomanceSiya si Cassandra 'Cassy' Reyes, ang pinakasikat na matchmaker sa Pilipinas. Binabayaran sya para magkatuluyan ang dalawang tao. Kahit kailan, never pa syang pumalpak sa pagmamatchmake. Close to perfection, ganyan sya i-describe ng mga nakakakilala...