Chapter 36

18.5K 510 12
                                    

A/N: O ayan, hindi ko na muna to ginawang super drama, ayoko din kasing maiyak ngayong araw kase super saya ko ^__^ Wala din munang eksena na magkasama sila Michelle at Cassy dahil ayokong magkadramahan sila, hahaha! O sya sya, medyo inaantok na ko, tinapos ko lang tong update na to bago ko matulog.

Medyo sabaw din tong update ba to kase walang pumapasok sa isip ko. hahahaha!

Basta basahin nyo na lang, bawi ako sa susunod na chapter ^_^

========================================================================

CASSY'S POV:

"Ate, kain ka muna o" narinig kong sabi ni Pam pero hindi ko sya tiningnan. Ayoko din kumain. Wala akong gana.

"Please ate" pakiusap pa nya.

"Wala akong gana" walang kabuhay-buhay na sabi ko sa kanya.

"Ate naman, ilang araw ka nang ganyan, alalang-alala na kaming lahat sayo."

Napatingin naman ako sa kanya at sa hawak nyang pagkain. Sa totoo lang, nagugutom na naman talaga ko, kelan ba yung huling kain ko ng maayos? Oh, nung nakipaghiwalay sakin si nevermind. Mas lalo lang akong mawawalan ng gana.

"Sige na ate, kahit konti lang please" pakiusap pa ni Pam.

Tumango lang ako sa kanya kaya tuwang-tuwa nyang inilapag yung pagkain sa tabi ko.

"Alam mo ba, muntik nang lumuwas dito sila nanay nung isang araw, nagkaron lang ng bagyo kaya hindi sila nakabyahe pero pag ok na daw yung panahon, dadalawin nila tayo"

"Alam na ba nila?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Oo, nasabi ko na. Pero tulad ko, hindi rin sila galit kay Michelle. Alam din nila na may dahilan lang yung ex mo kaya sya napilitang magpakasal kay Joel. Alam naming lahat kung gaano ka nya kamahal ate"

Mapait akong ngumiti dito.

"Wow, buti pa kayo alam nyo kung gaano nya ko kamahal. Ako? Hindi ko na alam Pam. Manhid na yata yung puso ko"

"Ate...."

"Pam tama na, mas lalo lang akong nasasaktan pag naaalala ko sya. Gusto ko nang mawala yung sakit na nararamdaman ko"

"Pero ate, ayaw mo bang malaman yung totoong dahilan nya?"

"Totoong dahilan? Alam ko na Pam! Ginawa lang nya kong experiment. Papaibigin nya tapos sasaktan din sa huli" Naluluha na namang sabi ko dito.

Ayoko nang umiyak. Pagod na pagod na kong umiyak. Mula ng araw na yon, wala na kong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Tama na Cassy, tama na!

"Kahit kalian ate, hindi namin naisip na pinaglaruan ka lang ni Michelle. Kitang-kita namin kung gaano ka nya minahal. At nakita ko kung gaano sya nasaktan nung araw na tinalikuran ka nya"

"Pam pwede ba—"

"Ate mahal na mahal ka ni Michelle at alam ko din kung gaano mo sya kamahal"

"Lecheng pagmamahal yan Pam! Tingnan mo yung ginawa nya sakin? Akala ko sya na yung tamang tao para sakin. Sumugal ako kahit hindi ko alam kung may patutunguhan kaming dalawa. Minahal ko sya ng sobra-sobra, nang higit sa pagmamahal ko sa sarili ko, pero anong ginawa nya? Iniwan nya ko! Bumitaw sya, binitawan nya ko Pam!"

"I'm sorry Ate" malungkot na sabi nya.

"Yan din yung sinabi nya sakin. Yan yung paulit-ulit nyang sinabi sakin nung gabing yon. Puro sorry. Ano bang magagawa ng sorry na yan? Maiibsan ba nyan yung sakit na nararamdaman ko ngayon?"

"Bakit hindi mo sya kausapin? O kahit si Joel?"

"Para saan pa? Para mas lalo lang akong masaktan pag pinagtabuyan nya ko at harap-harapan nyang piliin si Joel? No Pam, hinding-hindi ko gagawin yon"

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon