Tumayo ako agad. At kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator.
Panaginip nga ba talaga iyon? Tanong ko sa aking sarile.
Aahhh.... Naubos ko ang isang tumbler ng tubig dahil sa uhaw ko. matagaltagal narin kasi ako hindi nakakainom ng tubig. At para sa akin bago ang lahat ng nararanasan ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit. Sino nga ba talaga ako? Si Magie O Clariz.
Tok!
Tok!
Tok!
Dinig ko'ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Sino yan?..
Si Manang Edna ito Clariz.
Agad ako lumapit sa pintuan at binuksan ito. Hindi alam kung bakit ko ba iyon nilock kanina. Pero feeling ko kasi mas save ako kapag naka lock ito. Pasok po kayo manang.
Naku, Hindi na iha. Itatanong ko lang naman kung sasabay kaba kumain kay Ma'am Jhane?.
Hmm.. okay lang po ba kung bukas nalang ako sumabay kumain kay mommy?..
Oo naman. Walang problema.
Salamat po manang.
Walang anuman. Kakatok na lang ako muli. Pag dala ko na ang pag kain mo.
Sige po manang. Sinara ko na ulit ang pintuan.
Hindi ko pa naiikot ang kwarto na ito. Umakyat ako sa itaas. May nakita ako'ng mga books. Mga libro nya siguro ito nung pumapasok pa sya sa school. May bintana rin dito na maliit. Sinubukan ko itong buksan. At nabuksan ko nga! Tanaw ko dito ang buong kabahayan. Lahat malalaki at magaganda ang disenyo. Pero ang ipinagtataka ko lang bakit may hagdan pababa. Kung dadaan ako dito maari ako makalabas ng bahay ng walang nakaka alam.
Ma'am Clariz. Nandito na po ang pag kain nyo.
Ay.. Oo nga pala pag dadalhan ako ni manang ng pag kain dito. Ngayon ko lang naalala kung kelan tinatawag na nya ako. Nilock ko na agad ang bintana at bumaba na ako.
Pasensya na po manang kung mejo natagalan ako sa pag bukas ng pinto. Nag cr pa po kasi ako. Pag sisinungaling ko.
Wala iyon sanay na ako. Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka.
Ammh.. Manang pwede po ba saluhan nyo nalang ako kumain.
Hah?.. Sigurado po ba kayo ma'am Clariz. Hindi bat' ayaw mo ng may kasabay at tumitingin sa iyo habang kumakain.
Aah... Eh... Kasi manang! Diba may amnesia ako. Hindi ko na alam kung ano yung ginagawa ko before at tsaka posible naman mag bago ang ugali ko. Nang dahil sa amnesia ko.
O' sya sige kukuha lang ako nga plato ko at kutsara. Pero wag mo sabihin kay ma'am jhane baka mapagalitan ako.
BINABASA MO ANG
Devil Kiss ( Editing )
Short StoryNang makita kita biglang nagbago ang lahat. Hindi ko akalain na magagawa kong mahalin ang tulad mo. Ang pag-ibig ko sayo ay kailangan ko pigilan ngunit paano kung ngayon ko lang ito naramdaman? Magagawa ko bang isuko sayo ang aking puso't kaluluwa?