2nd Life Chapter 3

243 3 0
                                    

Padabog nya ba namang isinara ang pinto! Anong problema ng babaeng iyon?. Ang dami ko pang hindi alam sa pag katao ni clariz. Kaya ang hirap makisama.. Humiga ako ulit sa aking kama at nag isip-isip.

Tok!

Tok!

Tok!

Clariz gising ka pa ba? Si mommy jhane mo ito.

Si mommy jhane pala. Binuksan ko na agad ang pinto ng kwarto ko. Mommy ikaw pala. Akala ko si nurse lyka ulit. Pumasok na si mommy at umupo sa gilid ng kama ko.

Clariz anak. Next week papasok kana ulit sa school. Pero hindi mo na kasabay yung mga classmate mo before. Dahil sila ay graduate na ng high school.

Aah.. Ganon po ba. Pano yun mommy kasabay ko na papasok yung mga 3rd year high school last year? Dahil 4th year na sila ngayon.

No honey. Dahil kinuha na kita Special Class kanina. At ako narin ang nag Fill-up ng Application Form mo kanina. Ang schedule mo next week 4pm to 7pm. 3hrs a day lang ang pasok mo sa loob ng anim na buwan.

Hindi po ba nakakailang pumasok mommy? Paano po kung hindi ako makasunod sa klase namin? Dahil ngayon lang ulit ako papasok sa paaralan.

Alam naman nila na may amnesia kapa anak. Kaya kahit makinig ka lang muna sa lecture ay okay lang. Basta ang importante ay may attendance ka. Narito narin pala ang gagamitin mong i.d at polo shirt na stripe green. Bumili narin ako ng jeans mo sa tribal. Diba iyan ang paborito mong brand.

Baka hindi ako maka pasok sa gate ng school mommy. Akalain nila na taga labas lng ako?

Don't worry anak! Makaka pasok ka parin dahil may naka sulat naman sa likod ng polo shirt mo na Special Class. Kaya madali lang ma'identify ng mga guard kung hindi ka estudyante.

Okay po. Thanks mom. Excited na po ako pumasok. 

Walang anuman anak. Matulog kana at bukas sumabay kana sa akin mag breakfast sa baba.

Opo. Good night mom.

Good night din. Sleep well.

Haixt... Inaantok pa talaga ako. Feeling ko kulang pa ang tulog ko. Ańong oras na ba??.. Sabay hanap ng wall clock sa kwarto ko. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Wala parin. Humiga ako ulit at tumingin sa kisame. Oh! Nandito lang pala ang hinahanap ko nasa uluhan ko lang. Bakit nga ba hindi ko naisip yun kanina. Pag tingin ko sa orasan 11:30 pm na pala. Tanghali na ako nagising sabi pa naman sakin ni mommy sabay kami mag breakfast ngayon. Kinuha ko na ang bathrobe ko at towel bago pumasok ng cr. After ko maligo namili na ako ng damit ko na isusuot. Karamihan dress. Magaganda lahat ng kulay pati ang desïgn korean style. Stripe na black ang napili kong damit. Simple lang sya pero bongga ang likod. Backless hihihi... Hindi ko alam kung pangbahay ba ito. O pang alis na damit ni clariz. Basta ang alam ko lang ito ang gusto ko'ng suotin. Naglagay ng ako ng kaunting face powder, perfume at pearl na earing at nag pony tail narin ako. Mabuti nalang at fitted ang dreśs na ito hindi ko na kailangan mag suot ng bra. Dahil sadyang may nakalagay ng bra dito sa dress. Simula balikat hanggang bewang ang pagka backless ng damit na ito. Pero okay lang mainit naman eh..

Devil Kiss ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon