Chapter 2
“Good morning Mr. Lichaoco. Paumanhin kung medyo natagalan ako sa pagpunta dito. Marami lang kasi ako inaasikaso sa baba.” Doktor
“Dok. Kamusta na po ang anak ko at ang apo ko?” Mr. Lichaoco
“ Maayos na ang kalagayan ng mag-ina kaya lang iwasan nyo lang po na ma-stress ang pasyente dahil mahina ang kapit ng bata. After 2 days pwede na sya ma-discharge” Doktor
END OF FLASHBACK
“8 months narin pala ang lumipas na parang kalian lang. Sayang wala ako sa espesyal na okasyon ng aming pamilya. Hindi ko man lang na welcome ang pag-dating ni Baby Kristina sa aming pamilya. Miss na miss ko na si mama kung maari ko lang sana kayo makausap kahit saglit lang.
Mama..
Tawag ko muli sakanya pero hindi ko napansin na natabig ko na pala yung picture ko na naka display sa may study table at nalaglag ito.
“Kristina narinig nyo ba na may tumawag sa pangalan ko?” Mama
“Wala po ma.” Ate (Bigla naman nalaglag yung picture ni magie.)
“Ano yun?” Mama
“Picture po ni magie mama” Kuya Jayson
Kinuha ni mama ang picture ko at niyakap ng mahigpit.
“Magie anak, alam mo miss na miss na kita. Kung saan ka man naroroon ngayon sana Masaya ka. Wag mo kami isipin dahil kahit nangungulila pa kami sayo ang iniisip nalang namin nandito ka lang palagi at binabantayan mo kami. Anak nawala ka man sa amin may dumating na bagong angel sa ating pamiya. Si Baby Kristine, nanganak na ang ate mo. “ Mama
“Hindi ko na napigilan ang sarile ko at niyakap ko si mama kahit alam ko’ng hindi nila ako nakikita.” Magie
“Biglang lumakas ang hangin na galling sa bintana kaya mas lalo nila naramdaman ang presensya ko. Ganito pala ang epekto kapag nangungulila ka ng lubos sa mga taong mahal mo. Ang mga bagay na imposible mo magawa, kalikasan ang tumutulong sayo para maiparamdam sakanila na nariyan ka lang. “ Magie
“Magie anak, mahal na mahal ka ni papa at miss na miss na rin kita. Wala na ako’ng baby damulag na maglalambing sa akin. Wala ng magsusundo sa akin pag nasabit ako sa inuman, wala ng magtatanggal ng sapatos ko pagdating ko sa bahay galling trabaho. Bunso alam ko narito ka ngayon naririnig mo ba si papa anak?. Wag mo kami masyado isipin para matahimik na ang kalooban ng kaluluwa mo.” Papa
Kung may ibang tao na nakakakita sakanila iisipin na baliw na sila. Walang kausap pero pero nag-sasalita at umiiyak. Narinig ko ang lahat ng mga mensahe ni papa na nais nyang iparating sa akin. Hindi ko nanaman mapilgilan ang pag-iyak ko at sa bawat pag-iyak kasabay ng pag-pasok ng malalakas na hangin galling sa bintana ng aking silid. Papa’s girl kasi ako makita ko lang na wala pa si papa sa bahay ng mga alanganing oras na ay nag-aalala na ako. Biro pa nga ni mama parang ako pa daw ang asawa ni papa kasi hindi ako sanay na wala sya at siguro dahil wala ako’ng kuya kaya ganon nalang ang pagmamahal k okay papa.
Nagsimula na akong bumaba ng hagdan para mabawasan narin ang lungkot sa aking silid. Unti unti narin nawawala ang malalakas na hangin habang ako ay bumababa’. Ang mga kurtina na walang tigil sa pag-galaw kanina ay unti unti narin bumabalik sa dating ayos at naglakad na ako palabas n gaming bahay. Naisipan ko pumunta sa garden naming mas relaxing kasi dun at may upuan pa sa ilalim ng puno. Matutulog na muna ako nakaka antok kasi ang simoy ng hangin at para hindi ko na masyado maisip ang pamilya ko.
Bigla nalang ako naalingpungatan na parang may nakatingin sa akin.
“WAaahhhh multo” Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Devil Kiss ( Editing )
Short StoryNang makita kita biglang nagbago ang lahat. Hindi ko akalain na magagawa kong mahalin ang tulad mo. Ang pag-ibig ko sayo ay kailangan ko pigilan ngunit paano kung ngayon ko lang ito naramdaman? Magagawa ko bang isuko sayo ang aking puso't kaluluwa?