2nd Life Chapter 11

56 2 1
                                    

HAROLD'S POV

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag kamali nga ba ako na ipinag tapat ko sakanya ang totoo?. Dapat siguro sinabi ko munakay Yezu para hindi sa nabigla sa mga nalaman nya.

Lumabas na ako sa office. Para sundan si Clariz at Yesu. Ayoko na magka-sira sila ng dahil sa akin. Mahal na ama pasensya na po kung mas inuna ko ang aking nararamdaman.

"Yesu nasaan si Clariz?" Taqnong ko sakanya.

May.... May....

May ano Yesu???? Sumagot ka!!!! Huwag ka umiyak ako ang kinakabahan sayo! Nasaan sya??? Tanong ko ulit sakanya habang niyuyugyog ko ang balikat nya dahil parang wala sya sa sarile nya.

Hindi ko alam!!!!!

Paanong hindi mo alam? Kayo ang mag kasama kanina. At kausap mo lang sya diba?..

Habang nag aaway kami ni Clariz kanina. Lumabas ako sa gate dahil naiinis ako sa inyo. Malayo rin ang distansya naming dalawa kaya nung dumaan na kotseng pula naiisakay agad sya nito. Bago nawalan ng malay. Wala akong nagawa sa sobrang pagka-bigla ko sa nangyari. Hindi ako naka kilos sa kinatatayuan ko at natulala. Pero hindi ko ginusto yun.

Pumasok kana sa loob. Alam ko na kung sino ang kumuha sakanya.

Gab!!!!

Gab!!!

Sigaw ko habang patuloy ako nag lalakad papuntang main door.

"OH anong nangyari?.." Tanong ni Gab sa akin.

"Ihanda mo na ang mga assets mo at pupuntahan natin sa Ethan ngayon.!" Utos ko sakanya.

Ha? Bakit ano ba kasing nangyayari? Nasaan na ba si Clariz?

Hindi ko alam kung dinukot sya ni Ethan O pinadukot. Basta ang alam ko lang si Ethan ang may dahilan kung bakit sya nawala.

"Im sorry kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako lumabas ng gate hindi sana mawawala si Clariz." Tugon naman ni Yezu

Wala na tayong magagwa nangyari na ang nangyari. At huwag mo narin sisihin ang sarili mo. Dahil natitiyak ko na nag mamanman na talaga dito si Ethan simula ng hindi sya umuwi sakanila. Pero kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat maibalik ko lang si Clariz. MAGING BUHAY KO MAN ANG KAPALIT!

***********************************************************************

CLARIZ POV

Arrggggghhhh!!!!! Ang bigat ng katawan ko. Ang sakit ng ulo parang tumama kung saan. Kahit medyo malabo pa ang aking paningin dahil kakamulat ko palang. Parang may naaninag akong mga tao na nag-uusap. At may nalalasahandi akong dugo sa aking bibig. Pag tingin ko may umaagos na dugo mula sa aking ulo. Dahilan upang ako ay manghina. Wala naman akong maalala na nagka sakitan kami ni Yezu kanina. Ang tanging huli ko lang naalala ay yung parang may dumukot sa akin kanina. Panaginip nga lamang ba ito O totoo?. Tanong ko sa aking sarili.

"Nasaan ako? At bakit ako naka gapos" Tanong ko sa mga taong nassa harapan ko.

Naka upo ako mula sa isang bangko at naka gapos ang aking mga kamay sa likod. Yung uniform ko ang dumi dumi na at may mga bahid na ng dugo. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa akin.

"Gising kana pala binibini. Binibini nga ba? O isang laruan. Hahahah " Sagot ng isang matangkad na lalaki at maliki ang pangangatawan.

Devil Kiss ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon