Ang buhay nga naman talaga. Masyadong mapaglaro. Akalain mo iyon napunta pa ako dito sa katawan ni harold. Natatawang sabi ko sa sarile ko. Para tuloy akong baliw na kinakausap ang sarile ko. Naalala ko bigla ang mga nangyari simula ng magising ako.
Kuya!
Kuyahhhhh....
"Gising kana!" Sigaw ng bunso kong kpapatid.
"Kuya" Banggit nya pa muli habang naiiyak na. Hanggang tuluyan na tumulo ang luha nya dahil sa tuwa dahil nagising na ako. Na comatose daw ako simula ng namatay ang kuya ko na si Glenn. Hindi ko daw nakayanan kaya nahimatay ako. At makalipas ang anim na buwan bago ako nagising.
"Kuya masaya ako na gising kana. Hindi na ako mangungulila muli sa kapatid. Si kuya glenn iniwan na tayo. Pero ikaw alam ko nandyan kapa at hindi kami iiwan." Sabi pa nya. Naiiyak narin tuloy ako. Dahil sa tuwa na makakasama ko na sila ulit. Si Ceri ang bunso naming kapatid ni glenn. Baka malito kayo. Lilinawin ko lang. Ako parin si glenn na napunta sa katawan ni harold na kapatid ko pala. Kaya ngayon nagpapa salamat ako sa mahal na ama na binalik nya ako sa pamilya ko. Pero hindi ko alam na hindi nakayanan ng kapatid na si harold ang pagkawala ko. Naalala ko pa nung una kaming magkita.
"Bago ka?" Tanong ko kay harold.
"Oo pre!" Sagot nya naman.
Panu ka napunta dito? Tanong ko ulit.
Hindi ko alam eh. Basta nagising nalang ako ng nag-iisa at napadpad dito. Wala rin ako maalala sa nakaraan ko.
Ngayon ko lang napag-tanto na naligaw ang kaluluwa nya kaya napunta sya porgatoryo. At ngayon lang din bumalik ang lahat ng ala-ala ko. Hindi ko rin mababago ang tadhana na ibalik si harold sa katawan nya dahil ito ang kalooban ng mahal na ama. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang magpaka-tatag para sa kapatid ko na si ceri at ipaglaban ang taong mahal ko na si magie.
BINABASA MO ANG
Devil Kiss ( Editing )
Short StoryNang makita kita biglang nagbago ang lahat. Hindi ko akalain na magagawa kong mahalin ang tulad mo. Ang pag-ibig ko sayo ay kailangan ko pigilan ngunit paano kung ngayon ko lang ito naramdaman? Magagawa ko bang isuko sayo ang aking puso't kaluluwa?