Chapter 7

62 1 0
                                    

     "Finally, we're here!" Sabi ni Chad.

     Huh?! Nandito na kami agad. Ambilis naman. Nabitin ako sa usapan namin. Naisip ni Dianne.

     "Sama ka sa backstage ha?! Tapos labas ka na lang kapag magpeperform na kami para makapanuod ka na."

     Yes!!! Makikita ko na ng malapitan si Dave. Hindi pa sinabi ni Dianne kay Chad na gusto nya si Dave. Baka kasi malaman nito ang plano nyang mapalapit dito.

     "Hi bro!" Bati ni Dave. Buti naman maaga ka ata. Haha."

     "May kotse na kasi ako kaya 'di na ko mahihirapang umakyat at bumaba sa LRT, jeep at tricycle ngayon."

     "Wow! That's good bro!"

     "Sya nga pala, may kasama ako.  Friend ko, si Dianne." Hinila sya ni Chad papasok sa pintuan.

     "Hello Dianne!" Masayang bati ni Dave.

     Nakipagkamay si Dave kay Dianne. Hindi nya alam ang gagawin nya pero madali nyang inabot ang kamay nya dito. Kinilig sya pero 'di nya pinahalata. Baka kasi asarin pa sya ni Chad sa harap nito.

     Hindi nya alam ang sasabihin nya kaya Hello lang ang tangi nyang nabanggit dito.

     "Mahiyain ata 'yung girlfriend mo bro!" Pang-aasar ni Dave.

     "Nope! 'di ko sya girlfriend no?! She's just a friend. Mabait 'yan at madaldal. Ewan ko lang ngayon kung bakit nagkaganyan sya. Na-starstruck ata sa kagwapuhan mo."

     "Hey! I heard you! Sabi ni Dianne. "Sorry. napagod lang siguro ako sa byahe kanina."

     "Wow! Parang ang layo ng byahe natin. E 1 hour lang naman 'yon!"

     "E di sa school na lang ako napagod! Basta, napagod ako."

     "So Dianne, you're his girlfriend?" Tanong ni Dave.

     "No! Of course not. Wala pa 'kong boyfriend." Kasi hinihintay kita!

     Nagpaalam na muna si Chad para ayusin 'yung gamit nya. Iniwan nya muna si Dianne kay Dave.

     "Ay! Sorry. Upo ka muna. Usap muna tayo. Tapos na rin naman akong mag-ayos ng mga gagamitin ko ngayon. Nga pala, sila pa 'yung iba naming mga kabanda. Si Leo sa drums, si Gino sa bass."

     Nginitian ni Dianne sina Leo at Gino na nakaupo malapit kay Chad at nag-aayos din ng kanilang sarili.

     "Wow! Ikaw naman sa vocals at si Chad sa gitara?"

     "Yep!"

     Sa sobrang kilig ni Dianne ay hindi na sya makapagsalita. Hinihintay nya na lang si Dave na magtanong.

     "So, ngayon ka pa lang makakapanuod ng tugtog namin?"

     Hindi. Dati na! And i'm so inlove with you. Ahmmm... Hindi masabi ni Dianne ang sinasabi ng puso nya. Baka kasi biglang lumayo si Dave sa kanya. "Hindi naman. Nakita ka na namin dati ng friend ko. Hindi pa si Chad 'yung gitarista nyo."

     "Whoa! That's good! Ano namang masasabi mo sa mga tinutugtog namin?"

     "Maganda. Masarap pakinggan lahat ng kinakanta n'yo. Hindi katulad ng iba. 'yung sa kanila parang puro ingay lang, sa inyo, may emosyon."

     "Ang galing mo naman magcomment. Siguro, you're into Music din no?!"

     "Ahm.. Oo. Music is my life."

     "Nice! Parehas pala kayo ni Chad e. E di tyak may mga alam ka din tugtugin."

     "Konti pa lang 'yung alam ko sa gitara. Wala kasing nagtuturo sa'kin."

     "Ayan si Chad, magaling yan a?!"

     "E busy kasi sya e. Nakakahiya naman!"

     "Gusto mo ako na lang? Agahan mo 'yung punta sa mga gigs namin para maturuan kita habang nag-aantay ako."

     "Wow! Ang bait mo naman. Sobra!"

     "Syempre naman. Basta mga kaibigan ng kabanda ko, kaibigan ko na rin." Ngumiti sya kay Dianne.

     Ooooooh My.... I think 'di ko na 'to kakayanin. He's so perfect! Mabait na, Masarap pang kausap. Gwapo na, magaling pa sa mga instrumento. I'm really inlove with him.

     "Guys! Tayo na!" Sigaw ni Leo.

     Nagpaalam na si Dave kay Dianne. "Enjoy the show!"

     Pumunta na sya sa harap ng stage kung saan nagkakagulo ang maraming babae.

    Shocks! Ang dami na talaga nilang fans. Napuno nila 'tong Bar. Baka sa susunod di na sila sa bar tumugtog a?! Nakakatuwa naman. Buti nakilala ko na si Dave bago pa man mangyari iang lahat ng 'yon.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon