Chapter 10

76 1 0
                                    

     "Bros, this is it! Sana matanggap tayo sa audition," wika ni Dave.

     "We can do this!" sabi naman Chad.

     "Pinili ko 'yung composition mo na LAMAN ng PUSO, para may impact. Alam ko, papasok tayo kapag 'yun ang kinanta natin una pa lang."

     "Thanks talaga bro sa pagtitiwala sa kakayahan ko."

     "Walang anuman 'yun Chad. We all believe in you."

     "Thanks! I promise, i'll do more songs for our band."

     "Nice! That's amazing!"

     Habang nag-uusap sila at naghahanda ng kanilang mga gagamiting instrumento, tinawag na sila ng host ng audition. Hindi maiaalis sa kanila ang kaba ngunit nakatugtog naman sila ng maayos dahil sa pagtitiwala sa kakayahan nila. Maraming babae ang sumigaw, tumili, napatayo at pumalakpak sa kanila kaya naman mas lalo silang ginanahan na tumugtog at ibigay ang lahat ng kanilang makakaya.

     Nagtagumpay ang Night Sky Band. Natanggap sila sa audition at lalaban na kasama ang 19 pang natanggap.

     "Pano ba 'yan bro, sa 50,000 na nag-audition, nakapasok pa rin tayo! Dapat na tayong magpaparty. Haha!" pagmamalaki ni Dave.

     "Yeah! We did it! Konti na lang, maaabot na natin ang tagumpay!" masayang sinabi ni Chad.

     "So, Let's drink for that! Ayain mo yung mga close friends mo. Kayo din Leo at Gino."

     "San tayo ngayon?" tanong ni Chad.

     "Syempre, san pa ba? E di sa Night Sky Bar! My treat!"

     "Sure! I'll text Dianne."

     "Nice! Let's go!"

     "Hey Nikki! Nagtext si Chad! Natanggap daw sila sa audition kaya nag-aaya sila ngayon lumabas," sambit ni Dianne.

     "Really?! Buti ka pa tinext nya! Bakit kaya di na sya nagtetext sa'kin?"

     "Tanungin mo na lang sya mamaya 'pag nagkita kayo."

     "Ahmmm.. Sige, sasama ako ngayon."

     "Tara na?"

     "Common!"

     Excited na pumunta sila Dianne at Nikki sa Bar. Pag dating nila doon, nakita agad sila ni Chad. Ipinasara pala ni Dave ang buong bar para lang magkaroon sila ng sarili nilang party.

     "Hello guys! This is Nikki, my friend, wika ni Dianne."

     "Wow, your friend's cute. Hi Nikki, i'm Gino!" Nakipagkamay sya dito.

     Inabot din ni Nikki ang kamay nya kay Gino. "Hi!" bati nya.

     "O Gino! Stop using your charm too her! She's my friend!" Babala ni Chad.

     "Sorry Nikki! May bantay kasi ako ngayon. Haha! Peace Chad!"

     Chad, friends lang talaga tayo? Di ba pwedeng maging more than friends? Naisip ni Nikki. Lumapit sya kay Chad at kinausap nya ito ng sarilinan. "Hi Chad. I missed you! Bakit di ka na nagtetext sa'kin?"

     "Sorry Nikki. Busy lang kasi talaga e. Pinaghandaan namin kasi ng sobra yung audition."

     "Siguro mas lalo na kayong magiging busy ngayon no?!"

     "Oo e. Kailangan naming umabot sa finals. Kung hindi, parang balewala lang lahat ng pinaghihirapan namin."

     "Baka naman pag sumikat na kayo, kalimutan nyo na kami."

     "Sus! I won't! Trust me. You're one of my Bestfriends."

     "Wow! Thanks!" Pero sana hindi lang hanggang bestfriends, pwede pa namang maging boyfriend.

     Nilapitan ni Dave si Dianne. "Hello! Kamusta na? Tagal din nating 'di nagkita."

     "Ahmmm. Mabuting mabuti." Lalo na ngayong kausap na kita.

     "E yung pag-aaral mo ng gitara kamusta? Pasensya na di na kita matuturuan, busy kasi kami e." Alam mo naman. Dapat kaming maghanda."

     "Ah. oo nga e. Pero ok lang. naiintindihan ko."

     Biglang lumapit si Chad sa kanilang dalawa.

     "Dave, nasan si Cassie. Yung Girlfriend mo?"

     "Ayun, nakipaghiwalay sa'kin e. Wala na daw akong time sa kanya. Hinayaan ko na, kasi totoo naman. Alam mo naman kung ga'no ako kadedicated sa Night Sky."

     "Huh?! kailan pa?"

     "Last month pa e. Ok lang 'yun, siguro di naman talaga kami para sa isa't isa."

      Yes! Finally! This is what i've been waiting for! Bulong ni Dianne sa kanyang sarili. Ay! Wait! Parang ang sama ko naman ata. Pero hindi ko talaga mapigil ang saya!

     Lumapit na si Dianne kay Nikki.

     "Hey Nikz! Guess what! Break na sila."

     "Oh? This is your chance! It's now or never. Go and talk to him na."

     "Ahm.. 'wag muna siguro ngayon, i'll try to get closer to him."

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon