Chapter 15

41 1 0
                                    

     "Oh Yeah! This is the day! Sunduin na natin si Dianne sa bahay nila," nasasabik na sinabi ni Dave.

     "Sure bro! I'm so excited to be with her in this trip," sambit ni Chad.

     "Yes! I know that. Kaya nga, tara na. Start the car."

     Umalis na mula sa gasoline station sina Chad, Dave, Leo at Gino gamit ang sasakyan ni Chad.

    Nang makarating sila doon, pinindot na ni Chad ang busina para kuhanin ang atensyon ni Dianne. Lumabas agad si Dianne ng bahay pagkarinig nito.

     "Hi guys!" bati ni Dianne.

     Binuksan ni Dave ang pintuan para makasakay na si Dianne sa loob ng kotse.

     "Thank you Dave," kinikilig nyang sinabi.

     Hala. Bakit ganu'n? Kinilig pa din ako kay Dave. Akala ko wala na kong feelings para sa kanya. Akala ko si Chad na yung mahal ko pero bakit kinilig pa din ako sa kanya? Crush lang kaya 'to.... O si Dave talaga ang tunay kong mahal. Ang gulo! Sana naman maging maganda ang kalalabasan ng trip na 'to.

     Magkatabi si Dave at Dianne sa backseat kasama si Gino habang si Chad naman ang nagda-drive at si Leo ang nakaupo sa passenger seat. Medyo malakas ang pinatutugtog na musika ni  Chad mula sa radyo ng kotse nya.

     "Dianne, yan nga pala yung isa sa mga composition ni Chad. Ligaw-Tingin title nyan. Ang ganda no?" tanong ni Dave.

     "Ah... Oo nga e! Para kanino naman kaya yan? Mukang inspired na inspired siya nung ginawa nya yan."

     Sa'yo! Bulong ni Chad. "Hay naku! Wag mo na nga akong bolahin Dave!"

     "Basta. Isang babaeng malapit sa puso nya," sagot ni  Dave kay Dianne.

     "Hahaha! Ang dami talagang alam ng lalaking yan!" pang-aasar ni Dianne.

     "Sus! Wala naman akong alam no? IKAW lang!" pagbibiro ni Chad.

     "Ang kulit mo talaga Chad. Magdrive ka na lang kaya dyan. Teka pano 'tong kotse mo, iiwan na lang natin sa airport?" tanong ni Dianne.

     "Yep! My uncle William's already there. Sya na magda-drive ng kotse ko pauuwi," sagot ni  Chad.

     Pumasok na sila sa airport. Makalipas lang ang isang oras ay sumakay na rin sila sa eroplano. Magkatabi sina Chad at Dianne sa upuan.

     Pinauna ni Chad si Dianne na makaupo. "You first beautiful lady."

    "Bola mo Chad! Kanina ka pa ha?!"

     "Ayaw mo ba ng beautiful? E di ugly na lang... Ugly Betty."

     "Whoa! Ang sarap mo talagang sapakin."

     "Sapak agad? Di ba pwedeng suntok muna?"

     "Pilosopo!"

     "Oh! Wag kang magalit! Nagiging mukha ka na namang mangkukulam!"

     "Kulamin kita gusto mo?"

     "Wag naman po Miss!" sigaw ni Chad.

     "Sssshhh... Tumahimik ka nga! Baka sabihin ng mga tao dito, kung ano pang ginagawa ko sayo. Pwede namang mahina lang yung boses di ba?"

     Bumulong si Chad. "Ok po Maam."

     Binatukan sya ni Dianne. "Isa pa, bugbog ka na sakin!"

     "Wag naman. Pwede bang mahalin mo na lang ako kaysa bugbugin?"

     "Ahmp! Itutuloy ko na talaga!"

     "Bahala ka dyan, magsusumbong ako sa piloto."

     "Ano ka bata? Sumbungero ka pala e. Hahaha!"

     "E di sasabihin ko na lang sa stewardess na palitan yung katabi ko."

     "Ay sorry, hindi yun pwede! Your flight will be miserable with me. Buwahahaha."

    "Aw! Huhuhu... Dave pls help me, Dianne will kill me!"

     "Sumbungero ka talaga no?! Pati si Dave dinadamay mo pa dito."

     "E bakit naman ayaw mong idamay si Dave? Siguro may gusto ka sa kanya no?" Kinabahan si Chad. Hala! Bakit ko nga ba naisip na sabihin yun? Nakakahiya kay Dianne. Baka aminin na nya na gusto nya talaga si Dave. Bakit ba kasi ang torpe ko?!

     "Huh?! Bakit mo naman nasabi yan?"

     "Wala lang. Hindi mo lang napapansin na nabisto na kita. Alam kong may gusto ka sa kanya. At kaya mo lang ako kinaibigan dahil gusto mong mapalapit sa kanya."

     "Hahaha! Ayos yung naisip mo ha?! Pwede ka ng magsulat ng telenovela."

     "Seryoso ako no?! Aminin mo na kasi yung totoo!"

     "Hinaan mo lang yung boses mo. Baka marinig nila Dave."

     "Ang layo kaya nila, hindi nila maririnig yan!"

     "Basta. Dati gusto ko talaga sya. Pero mahabang kwento. Kaya wag mo ng tanungin!"

     "Ang damot mo naman. Ikwento mo na."

     "Eh.......... Nakakatamad kasi. Matulog na lang tayo para paggising natin, Macau na!"

     "Kung ayaw mong sabihin, bahala ka na nga."

     "Sige, matutulog na lang ako."

     "Ok!"

     Maya-maya ay nakatulog na si Dianne.

     Grabe tulog agad sya. Ang bilis naman. Ang cute nya pa matulog. Sana sa kin ka na lang Dianne. Pero bago yon, sana magkalakas na ko ng loob na sabihin sayo ang lahat. Sana rin, sabihin mo na kaagad kung si Dave ba talaga ang gusto mo. Nasasaktan kasi ako kapag nagkakasama kayo at nag-uusap ng kayong dalawa lang. Hindi mo lang napapansin pero lagi akong sumisingit sa usapan nyo para hindi kayo makapagsolo. Hindi naman sa ayaw kong mahalin mo sya, pero sobrang nasasaktan lang talaga ako. Haaay... This is all new to me. Bakit ba kasi sayo pa ko nagkagusto! Ang hirap ng ganito. 

    Biglang napasandal si Dianne sa balikat ni Chad. Inayos nya sa balikat nya ang ulo nito upang di sya mahirapan. Wow! This is the moment! Haha. I won't ever forget this. Kahit lalaki pala, kinikilig din. Makalipas ng ilang sandali, nagising si Dianne. Nagulat sya at napaayos ng upo.

     "Ay! Sorry! Nakatulog na pala ko." Pinunasan nya ang kanyang bibig.

     "Haha! Tulo-laway!" pang-aasar ni Chad.

     "Wala naman o?! di naman basa yung kamay ko."

     "E kung magsuklay ka kaya ng buhok. Para kang nakaladkad ng kabayo e."

     "Ay! Sorry naman! Sige po, mag-aayos na."

     Tinitigan ni Chad si Dianne habang sinusuklay nito ang kanyang magandang buhok.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon