Chapter 22

10 0 0
                                    

          Dumating na ang Night Sky at si Dianne sa Pilipinas. Maraming fans ang nag-abang sa kanila sa airport. Pinagkaguluhan sina Chad, Dave, Leo at Gino. Dahil dito pinili na lang ni Dianne na lumayo muna sa kanila.

     Naku. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang dadatnan namin sa Pilipinas. Di bale, itetext ko na lang sila na mauuna na ko.

     "Chad pahingi naman ng number mo," sigaw ng isang fan.

     "Ako din. Pati yung sayo Dave!" Sigaw naman ng isa pa. Hanggang sa marami na ang nanghingi ng number nila.

     "Naku! Pasensya na kayo. Hindi kasi talaga pwedeng ipamigay yung number namin e. Papagalitan kami. Sorry. Siguro follow nyo na lang kami sa twitter para dun na lang tayo mag-usap," pagpapaliwanag ni Dave.

     "Sure Dave! Basta kayo! We love you!" sabi ng mga fans.

     "Sige po. Kailangan na namin umalis e. May kailangan pa kaming puntahan. Kitakits na lang tayo sa mga shows namin. Asahan namin kayo dun! We love you. Muwa!"  Nag-flying kiss si Dave sa mga fans nila at kinilig naman ang mga ito. Lalo tuloy lumakas ang sigawan. Sumakay na sila agad sa kotse ni Chad.

     Nagtaka si Dave, "O bro? Pano napunta dito yung kotse mo?"

     "Pinadala ko kay tito. Para di na tayo magtaxi. Mahirap na."

     "Nice Dave! Celebrity ka na nga talaga! Masyado ka ng mashowbiz e!" Pang-aasar ni Gino.

     "Dapat masanay na tayo bro. Napagod din naman ako sa byahe natin kaya gusto ko ng magpahinga."

     "Tama! Kaya gayahin natin si Dave. dapat maging mashowbiz na tayo. Haha," sabi ni Leo.

    "Ay! Nasan na si Dianne? Bakit nawala na yun? Nakita nyo ba?" pagtataka ni Chad.

    "Hala! Nakalimutan na natin ha? Masyado tayong naenganyo sa page-entertain ng fans," sagot ni Dave. Kinuha nya ang cellphone nya para itext si Dianne. "Ay! Eto. She texted me. Mauuna na daw sya kasi pagod na din sya. Nagtaxi na daw sya."

     "Nagtext din pala sya sa'kin. Sige. hayaan na muna natin syang magpahinga," sabi ni Chad.

     "So what's the real score now between you two?" tanong ni Dave.

     "Ha? Wala e. Di nya naman sinabi na mahal nya n 'ko. Basta nagtapat na ko sa kanya."

     "Ayiiieee. Si Mr. Torpe nagkaroon na rin ng lakas ng loob! Bro! Congrats! Lalaki ka na!" Niyakap ni Gino si Chad.

     "Grabe ka naman. baka kasi pag hindi pa ko umamin. Mas mahirapan lang ako lalo. Atlis ngayon alam nya na."

       "Pakiss nga bro! Labyu!" nagkunwaring hahalik si Gino.

     "Pwede ba? nagdadrive ako. wag ka ngang magulo. Baka mamaya, mabangga pa tayo."

    "Sige na bro! Pakiss lang! Isa. Please!"

     "Hoy Gino tumigil ka na! Baka nga mabangga tayo. Naku, pag nabasag yung mukha ko, baasagin ko din yang mukha mo," pagbibiro ni Leo.

     "Aw! Wag naman yung mukha ko please. eto na nga lang yung habol ng mga babae sakin e."

     "E Chad... Gusto mo ba tulungan ka namin na mapaamin si Dianne?" tanong ni Dave.

     "Talaga bro? Gagawin nyo yun para sa'kin?"

     "Oo naman no? Bukas. Pumunta tayo ng hospital," mungkahi ni Dave.

     "Ha? Hospital? Bakit? Magpapacheck up ka ba?"

     "Hindi bro! Ako bahala. Basta magdala ka ng mga pang make-up!"

     "Gagawin mo pa ata akong bading. Ayoko nyan bro. Wag na lang."

     "Wala ka bang tiwala sakin? Doktor yung tito ko. Mamaya sa bahay, sasabihin ko sa inyo yung naisip kong plano."

     "Hay naku! wag nyo na kaming idamay dalawa dyan ha? Baka maugbog pa kami ni Dianne sa kalokohan nyo," sabi ni Gino.

    "Hindi naman pwede un! Dapat all for one, one for all. Ililibre ko kayo pag nagtagumpay yung plano natin!"

     "Ay libre. Gusto ko yan! Tara na Gino. Nakikita mo ba 'to?" Ipinakita ni Leo ang kanyang muscle sa braso. "Papatikimin kita ng buto ko, este ng maskels ko pag di ka pumayag!"

     "Oo na, oo na! takot ko lang sa inyo! Sige. Sasama na ko.  May magagawa pa ba ko?"

     "Salamat mga bro. Maaasahan talaga kayo."

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon