Chapter 9

42 1 0
                                    

     "Girl! Kamusta kagabi?" tanong ni Nikki kay Dianne.

     "Ahmmm.. Sobrang saya! Kinausap ako ni Dave ng matagal. Sya yung nag-entertain sa 'kin."

     "Wow! Nakakainggit naman!" 

     "Haaaay... Sobra nga yung kilig ko e. Sayang talaga may girlfriend na sya!"

     "Ok lang 'yan, atleast, you're already friends. How about Chad?"

     "Well, may kotse na sya."

      "Huh?! How nice! So ikaw ang unang nakasakay sa kotse nya? Aw! Nakakainggit ka talaga! Si ate kasi e! Sana sumama na lang ako sa'yo."

      "Actually di naman talaga bago 'yung kotse nya. Pamana lang 'yun sa kanya ng parents nya. Kaya tyak, hindi lang ako ang nakasakay na dun."

     "Kahit na! Gusto ko ring sumakay sa kotse nya."

     "Sa next gig nila, sama ulit tayo."

     "Yay! I'm so excited!"

     "Prince!" sigaw ni Chad.

     "O? Bakit? Balita ko napapalapit ka na kay Dianne ha?! Magkasama daw kayo kagabi?" 

     "Ah.. 'yun ba? Hindi naman. Dapat kasi dalawa sila nun. Nagtext sa 'kin si Nikki na hindi daw sya makakasama."

     "Dapat pala sumama na lang ako. Wala naman akong ginawa kagabi."

     "Next time na lang tol, sama ka sa gig. Akala ko kasi ayaw mo e. 'di ba ayaw mo na rin naman kay Dianne?"

     "Ahm.. ay oo nga pala! Dapat ko na syang kalimutan. Hindi na lang pala ako sasama sa inyo. Haha!"

     "So may bago ka na ngayon?"

     "Wala pa naman. 'Focus muna siguro ako sa studies. Kelangan e."

     "Naks naman! But don't take it too seriously tol! Enjoy mo lang life mo."

     "Yeah, i surely will."

     Nagmamadali si Dianne na tumakbo sa comfort room dahil naiwan nya doon ang kanyang cellphone ng bumangga sya sa isang lalaki. Hindi na nya ito napansin sa sobrang pagmamadali nya. Yumuko agad ang lalaki at pinulot ang kanyang mga libro na bumagsak kaya naman hindi agad nakita ni Dianne ang mukha nito.

     "Anak ng pating! 'Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"

     Habang nakayuko ang lalaki sinabi nya, "Sorry miss ha?! Nagmamadali ka kasi e." Tumayo na sya at inayos ang kanyang damit.

     "Chad? Hay naku! Ikaw lang pala 'yan."

     "O?" Laking gulat ni Chad. "Ikaw pala! Sorry. Bakit ka ba kasi nagmamadali?"

     "Basta mamaya na 'ko magpapaliwanag. Aalis na muna ako."

     "Sige!"

     Tumakbo ulit si Dianne papuntang C.R.

     Haaay. Buti naman nandito pa yung iPhone ko, kundi di na 'ko bibilhan ulit ni mommy ng phone.

     Pagkalabas ni Dianne sa C.R, muntikan na syang matamaan ng basketball. Umiwas sya kaya nahulog ang kanyang cellphone.

     "Kung minamalas ka nga naman." Pinulot nya ito ngunit nauna na si Chad na kuhanin ito. Nagkalapit ang kanilang mga mukha at nagkatitigan sila. Agad na umiwas ng tingin si Dianne. "Uy! Ikaw na naman! Salamat ha?!"

     "You're very much welcome."

     "Teka! Sinusundan mo ba 'ko?"

     "Sinusundan? Nope! Nakita ko lang ang isang babae na muntikan ng matamaan ng bola at nahulugan ng phone. Hindi ko naman inakala na ikaw pala 'yun. Akala ko pa naman suswertihin na 'ko."

     "Suswertihin?" pagtataka ni Dianne. "Ahaaaa... Siguro kung hindi ako yung kanina, may balak ka pang makipagkilala sa babae no?!"

     "Of course yes! Malas ko nga lang e, ikaw pala yung babaeng 'yun!"

     "Yabang nito. Akala mo naman ginusto ko din na ikaw ang pumulot ng phone ko."

     "Oooops... Ikaw ang nagsabi nyan, hindi ako. Kunwari ka pa talaga!"

     "Loko! Sige, una na nga 'ko. May klase pa 'ko e."

     "Sige! Sa susunod, bawasan mo na 'yung pagkalampa mo ha?!"

     "Opo! Para sa'yo Sir!"

     Lumakad na ng mahinahon si Dianne papunta sa Computer Laboratory. Pag dating nya doon...

     "Ang malas ko ata ngayon! Muntik na kong mawalan ng cellphone at matamaan ng bola. Ang malupit pa nun, nabangga pa 'ko! Ang sakit tuloy ng ulo ko."

     "Huh?! Sssshhh...  'wag kang maingay, baka magalit si Sir Cruz!" saway ni Nikki.

     "Ay! Sorry! May teacher nga pala, kala ko kawayan lang." biro ni Dianne.

     Tumawa sila ng mahina ni Nikki.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon