Chapter 4

70 1 0
                                    

     I have a great idea. Tutal magkakilala naman sina Dave at Chad, kakaibiganin ko si Chad para mapalapit na rin ako kay Dave. Binalak ni Dianne. "Tama! Ang talino mo talaga Dianne!"

     "Hey! Ano na naman 'yang naiisip mo?" Tanong ni Lily.

     "Ahm... Wala naman.. 'yung sagot lang sa assignment natin."

     "Grabe nga e! We're already 4th year highschool kaya andami ng assignments at projects. 'di na tuloy ako nakakasama sa inyo."

     "Weh? Busy ka lang kay boyfie e."

     "Hmmm.. 50-50 i think! Haha! Sorry talaga. Alam mo naman, 'pag nainlove."

     "It's ok! Naiintindihan namin." Ngumiti si Dianne kay Lily.

     Biglang dumating si Nikki. "Hi! Guess what? May number na 'ko ni Chad. I got it from Prince. Binanggit ko lang ang name mo Dianne, binigay nya agad sa'kin." Nagtatatalon sa tuwa si Nikki.

     "Girls, i have to go. Andyan na si John. Bye! Ingat kayo." Paalam ni Lily.

     Sabay na nagpaalam ang dalawa.

     Nainggit ng kaunti si Dianne kay Nikki.  "Buti ka pa may number na nya! Gusto ko ring makuha 'yung number ni Dave."

     "Kaya mo yan! Susuportahan kita."

    Nagtaka si Dianne.  "Huh?! Suporta lang ang makukuha galing ko sa'yo? Hindi tulong?"

     "E ang hirap naman kasing kuhanin ng number nya. May girlfriend na, sikat pa."

     "Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya?"

     "May ganun talaga? Maghintay ka na lang na magbreak sila."

     "Hmmm.. May naisip na nga pala akong paraan. Kailangang maging kaibigan ko si Chad para makilala ako ni Dave."

     "Huh?! Gagamitin mo si Chad?"

     "Oo. Dapat lang naman sa kanya 'yun no?! Sa bait nyang 'yun, tyak, hindi lang ako ang may galit sa kanya! Kulang pa nga 'yun e."

    "Parang you're being mean na ata Dianne Yrastorza Rodriguez."

    "Binuo talaga 'yung pangalan ko?! Haha. Anyways, di naman sa ganu'n. Eto na lang talaga 'yung naiisip kong paraan para mapalapit ako kay Dave."

     "Sabagay, pati ako mapapalapit na din kay Chad. Ahm.. Sige! Payag na 'ko." Pagsang-ayon ni Nikki.

     "So here's the plan."

     Inilatag ni Dianne ang plano nya kay Nikki. Makikipagbati sya kay Chad at aayain ito sa ilang mga lakad ng dalawa. Kapag malapit na ang loob ni Chad sa kanila, sasama sila sa mga gigs nito upang makausap nila si Dave. 

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon