Chapter 23

7 0 0
                                    

     Nakatanggap si Dianne ng text.

     Dianne si Dave 'to. Pumunta ka ngayon sa ospital. May nangyari kasi kay Chad. Please. Ngayon na sana. Mag-ingat ka.

     Madaling nag-ayos si Dianne ng kanyang sarili. Dali-dali syang tumakbo pababa ng taxi at pinuntahan ang kwarto ni Chad.

     Lord sana naman po walang masamang mangyari kay Chad. Alam nyo naman po kung gaano ko sya kamahal. Ayoko po syang mawala sa buhay ko. Titiisin ko po ang lahat wag lang syang masaktan. Unti-unting binuksan ni Dianne ang pintuan at natagpuan na umiiyak sina Gino, Leo at Dave.

     "Dianne, si  Chad," umiiyak na sinabi ni Dave.

     "Bakit? Anong nangyari?" Hindi na mapigilan ni Dianne ang kanyang luha.

     "Kasi si Dave e. Nagkukulitan kami. Tapos ayun, nasuntok ko sya. Napalakas e.  Nadulas sya. Tumama yung ulo nya sa salamin. Sabi ng doktor may namuo daw na dugo sa utak nya. Di na daw sya magigising."

     Umiyak na  si Dianne ng sobra. "Chad! Bakit? Bakit ngayon pa? Gumising ka dyan! Wag mo kong iwan Chad! Please. Gumising ka!"

     "Sige Dianne, lalabas na muna kami," paalam ni Dave.

    Bumulong si Gino kay Dave, "Bro, isn't this a little too much?"

    "E bro, naalala ko lang kasi yung sa Meteor Garden. Yung ginawa ni Dao kay Sanchai. O di ba? Lakas makadrama."

     "Kaadingan mo na naman e no? Nanuod ka pala nun? Ewan ko sayo! Basta labas kami dito ni Leo ha?"

     Sinuntok ni Dave si Gino. "Sinong bading ha? Haha. Sige, sige. Ako ng bahala."

     Ibinababa ni Dianne ang nakatalukong na kumot kay Chad. "Chad. Please naman. wag mo n kong biruin ng ganito. Gumising ka na dyan. Natatakot na 'ko e. Wag mo naman akong iwan. Hindi ko pa nga nasasabi sayo na mahal na mahal kita. Matagal na din. Hindi ko lang masabi kasi natatakot ako. Pero ngayong handa na ko iiwan mo naman ako. Wag naman please. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Mahal na mahal kita Chad."

     "Pakiulit nga yung sinabi mo." Unti-unting dumilat si Chad.

     Sinuntok ni Dianne si Chad sa mukha. "Pusa ka naman talaga o?!" Hindi tumigil si Dianne sa pagsuntok kay Chad.

     "Tama na! Nasasaktan na ko. Akala ko ba ayaw mo kong masaktan?"

     "Dahil sa ginawa mong yan, gusto na kitang tuluyan! Hindi magandang biro yun ha? Natakot talaga ko. Akala ko mawawala ka na."

     Niyakap ni Chad si Dianne ng mahigpit. "Hinding-hindi ko magagawa yun sayo Dianne. Mahal na mahal kita. Hindi kita iiwan."

     "Hindi pa din tumigil sa pagiyak si Dianne. "Ang sama mo talaga. Wag na wag mo ng uulitin yun. Nag-alala ako ng sobra. Muntikan na kong atakihin sa puso."

     "Sorry talaga Dianne. Bugbugin mo lang ako hanggang gusto mo."

     "Talaga! Hindi kita titigilan."

     "Pero totoo ba talaga lahat  ng sinabi mo?"

     "Ewan ko! Baka dala lang yun ng emosyon ko! Ahmp! Galit ako sayo! Nakakainis ka!"

     "Sige na Dianne, sabihin mo naman kung mahal mo ko. Nasasaktan na ko e."

     "Akala ko ba marunong kang maghintay?"

     "Oo. Pero pagdagting sayo, hindi ko pala kaya."

     "Bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na e. Isipin mo muna yung mga ginawa mo ngayon!"

     "Sorry na please. Wag ka ng magalit. Gusto mo ba tumalon na lang ako sa building?"

     "E di gawin mo." Tinalikuran niya si Chad.

     "Aaaaahhh..." Sigaw ni Chad. "

     "Hay naku Chad! Di mo na 'ko maloloko sa mga paganyan-ganyan mo."

     "Dianne, Dianne. Masakit...."

     Lumapit si Dianne kay Chad. "Anong masakit sayo Chad?"

     "Yung tyan ko. Sobrang sakit." Nanginginig na si Chad sa sakit.

     "Dave! Dave! Tulungan nyo kami! Si Chad!" Sigaw ni Dianne.

     Binuksan ng tatlo ang pinto. "Bakit Dianne? Anong nangyari?" tanong ni Dave.

     "Tumawag kayo ng doktor." Nagmamadaling bumaba si Dave upang tumawag ng doktor.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon