Chapter 19

12 0 0
                                    

     Nakita ni Dave si Dianne na nag-iisa sa balcony. Lumapit siya dito dahil mukang malungkot ito.

     "Whoa! Greatest experience i've ever had!" masayang pagbabahagi ni Dave kay Dianne. "Are you okay?"

     "Yes I am. I'm just thinking about something."

     "Mukhang sobrang lalim talaga ng iniisip mo ha? Pwede bang malaman? Problema ba yan?"

     "Wag kang mag-alala Dave, di 'to problema. Namimiss ko lang ata yung Pilipinas."

     "Share ka naman ng kahit ano o?! naiinip na din kasi ako. Nakakamiss nga naman yung bansa natin."

     "Haha! Sure! 'kaw pa, lakas mo sa'kin!"

     "Yan ang gusto ko sa'yo Dianne e. Bait mo talaga."

     "Ah.. Eh.. Pwedeng magshare sa'yo Dave? May aaminin lang ako."

     "Oo naman no? Kaibigan mo 'kong maituturing kaya kahit anong gusto mong sabihin, sabihin mo  na. 'di ako magagalit. Hehe."

     "Haaaay... salamat naman." medyo kinakabahan si Dianne. "Ahmmm...Alam mo kasi Dave... Ahmmmm... Matagal mo na kong fan. Kinaibigan ko lang si Chad para makalapit ako sa'yo. Hindi ko lang sinabi sa'yo kasi gusto kitang makilala pa ng mabuti. Para na rin mas maging close pa 'ko sa'yo. Lagi nga 'kong naunuod ng mga gig nyo e. Lahat ng kanta mo, kabisado ko. Hehe. Sorry talaga, hindi ko agad sinabi."

     "Sus! 'yun lang ba Dianne? Ayos lang 'yun no? Fan ka lang pala e. 'di mo naman ako mahal di ba kaya walang problema sa'kin 'yun. Hehe. Kasi kung nainlove ka na sa'kin e, lalayo na 'ko sa'yo." Biglang natahimik si Dianne. "Haha. Joke lang!" biro ni Dave.

     "Ay! Pasaway ka talaga. Akala ko naman totoo na. Oo. Fan mo lang talaga ako. Kaya nga'di na din ako umaasa na magustuhan mo din ako e. Alam ko naman na 'di kagaya ko yung tipo mong babae."

     Hindi alam nila Dave at Dianne na nakikinig sa usapan nila si Chad. Sabi ko na nga ba. Totoo talaga ang hinala ko. Si Dave talaga ang gusto ni Dianne, Ginamit nya lang ako. Sana sinabi nya na lang kaagad sakin para di na ko umasa pa. Umalis na din sya kaagad dahil nasaktan siya sa pag-amin ni Dianne kay Dave.

     "Wag ka ngang ganyan. Maganda ka naman Dianne a? Nakakainlove ka din. Pero alam ko siguro nga you really like me as an idol, pero meron na talagang laman 'yang puso mo."

     "Huh? Pa'no mo naman nasabi yan?"

   "Simple lang, hinulaan ko. Para kasing fan lang talaga kita, di ko naman nararamdaman na may pagtingin ka talaga sa'kin."

      "Parang totoo nga yung hinala mo Dave. Fan mo nga lang talaga siguro ako. Sa tingin ko kasi, may nagugustuhan na 'kong iba."

     "Ahm.. Let me guess.. Si Chad right?"

     "Huh? Yata? Siguro? Baka! Sya nga ata. Ang galing mo naman manghula. Haha."

     "Anak kasi ako ni Mang Kepweng. Ano daw? Hahaha.

     "Haha. Ahmm.. Pero may mahal na atang iba si Chad e. Sa tingin mo?"

     "Sus! Matagal na rin syang may lihim na pagtingin sa'yo Dianne. Hindi lang nya masabi dahil natatakot sya. Alam mo naman, di sanay manligaw. Babae kasi nanliligaw sa kanya di ba? At saka baka kasi may mahal ka na din daw na iba, masaktan lang sya."

     "Nakakahiya naman kasi sa kanya kung ako pa yung unang magconfess di ba? Babae kaya ako!"

     "Ewan ko ba dun sa lalaking yun! Napanghihinaan ng loob pagdating sa'yo. Hayaan mo at tuturuan ko sya. Tutulungan ko kayong dalawa. Fave loveteam ko kaya kayo! Hehe."

     Niyakap ni Dianne si Dave. "Naku Dave! Sobrang bait mo talaga! Wala kang katulad! Maraming salamat talaga. Di ko na din kasi alam 'yung gagawin ko. Naguguluhan na 'ko."

     "Walang anuman Dianne. Basta ikaw!"

     Bumalik si Chad at biglang napatingin sa balcony. Nakita niya na magkayakap ang dalawa. Nagselos siya kaya hindi na sya nagpakita sa mga ito. Siguro inamin na din ni Dave kay Dianne na may gusto sya sa kanya. Haaaay... Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Bakit kasi ikaw pa ang minahal ko Dianne. Hindi ka naman maganda, mabait, matalino. Ano bang meron ka? Siguro nga, kakaiba ka sa mga babae na nakilala ko kay nabaliw ako sa'yo ng husto. Alam ko, dadating din ang panahon na aayon sa atin ang tadhana. Handa akong maghhintay para sa'yo. Handa akong maghintay hanggang magustuhan mo din ako. Siguro, mag-iipon na muna ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ang tunay kong nararamdaman sa'yo.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon