Chapter 21

9 0 0
                                    

     "Pa'no ba 'yan Dianne iniwan ka na naman sa'kin nila Dave," pang-aasar ni Chad.

     "Ha?" pagtataka ni Dianne. "Anong iniwan? Nasan na ba sila?"

    "Nauna na. ANg tagal mo daw kasing kumilos e. Mga 30 minutes na ang nakalipas nung umalis sila. E may aayusin pa daw sila sa airport kaya nauna na."

     Ay! Mukang sinasadya na ata ni Dave na iwan kami ni Chad para makapag-usap. Ano ng gagawin ko? Haaaay! "Ah. Ganun ba? E di tara na. Umalis na tayo."

     "Teka. Maglalakad pa tayo e." Tinuro ni Chad ang isang malaking building sa malayo. "Dun, dun pa daw tayo sasakay."

     "Ang layo naman nun."

     "Ewan ko nga ba kung bakit dun pa. Pero ok lang 'yan. Ayaw mo nun. Mas makakasama mo ko ng matagal?"

     "Eeeewan  ko sa'yo Chad! Halika na nga. Maglakad na tayo."

     "Ha? Anong halikaaaaa..."

     "Sabi ko tara na! Kung ano-ano na naman 'yang nasa isip mo."

     "Sige. Maglakad na tayo. Ako na magibitbit nitong isang bag mo."

     "Salamat. May puso ka din naman pala."

     "Oo naman. Sa totoo lang, ikaw nga ang laman nito e." Eto na siguro 'yun. Dapat ko ng sabihin sa kanya.

      "Bola mo! Sapakin pa kita dyan e."

     Kahit kailan talaga 'tong si Dianne. Ang hirap bolahin. "Sana naman kahit minsan magpakabaae ka."

     "O? Bakit? Nagpapakababae naman ako ha? Ikaw nga dyan, mukhang babae. Haha."

     "Hoy! Hindi ako bading no? Halikan kita dyan!"

     "Bakit? May sinabi ba kong bading ka? Sabi ko lang, mukha kang babae."

     "Sus! If I know, nagagwapuhan ka naman talaga sa'kin, aminin mo na. Sige ka, baka mahuli pa ang lahat. Baka magkagirlfriend na 'ko."

     "Wala akong pakialam. Kahit sampu pa maging asawa mo."

     "Aba! Bakit mo ba ko laging ginaganyan? Nasasaktan na 'ko a?" Yumuko si Chad.

     Hinawakan naman ni Dianne ang likod nya. "Ay sorry! Napipikon ka na ba?" 

     "Ayiiiiieeee. Chancing!"

     "Kapal mo talaga! Malay ko ba. Kala ko kasi napikon ka na. Ayoko namang magalit ka sakin."

     "E bakit naman ayaw mong magalit ako sa'yo?" Kinindatan nya si Dianne.

     "Syempre naman, kaibigan kita. At saka ayoko ngang magkaroon ng kaaway. Ikaw naman. Akala mo siguro kasi may gusto ako sa'yo no? Ayiiiieee. Ikaw pala e."

     "E pano kung meron nga?"

     "E di tatalon ako sa ilog!"

     "Hindi nga? Gagawin mo talaga 'yun?"

     "Oo naman! Ano namang gagawin mo pag tumalon ako sa ilog?"

     "Tinatanung pa ba yan? E di hahayaan kitang malunod! Haha. Joke lang. Syempre sasagipin kita. Tapos ima-mouth to mouth."

     Hinampas ni Dianne sa ulo si Chad. "Aba! Loko ka talaga no? Baboy!"

     "Uy! Joke lang naman. Syempre naman pag nalunod ka, kelangan kong gawin yun! Wag ka lang magkukunwaring nalunod para makachancing sa'kin ha?"

     "Nakatikim ka na ba ng building? Hampas ko kaya yun sa'yo!"

     "Joke lang, joke lang. Di na po mauulit..." Sandaling nanahimik si Chad. Go Chad! Kaya mo yan! Aminin mo na sa kanya ang totoo. Hanggang hindi pa huli ang lahat. Inisip nya.

     "O? May dumaang anghel?" Tanong ni Dianne.

     "May inisip lang ako. Dianne... Paano kaya kung sasaihin sa'yo ni Dave na gusto ka nya? May pag-asa kaya sya?"

     "Oo naman ni? Sa gwapo nya ba namang yun! Choosy pa ba ko? Haha."

    "E kung ako naman ang magsabi sa'yo? May pag-asa kaya ako?"

     "Ikaw? Naku! Wala siguro. Ayoko sa babaero!"

     "Teka! Di naman ako babaero ha? Yung mga babae yung lumalapit sakin e."

     "Defensive sya! Haha. Hmmm.. Seriously, meron naman siguro kung magpppakabait ka."

     Huminto si Chad sa paglalakad at hinawakan niya ang kamay ni Dianne. "Dianne, may aaminin sana ko sayo."

     "Ano yun? Bakit kelangan mo pang hawakan yung kamay ko? Bitawan mo ko. Nakakahiya o?"

  "Sandali lang naman 'to. Please. Wag ka munang magsalita. Pakinggan mo lang ako. Kinakabahan kasi ako e." 

      "Ok! Sealed!"

     "Dianne, alam mo hindi ka naman talaga maganda....."

    "Teka nga muna? Bastusan ba to? Niloloko mo lang pala ko e. Tara na. Maglakad na lang tayo! Ang sama mo talaga kahit kailan!"

     "Sandali lang naman. Hindi mo pa nga ko pinapatapos o?"

     "Ang dami mo pa kasing paligoy-ligoy! Hinihintay na tayo nila Dave. Nakakahiya naman sa kanila."

     "O eto na! Bibilisan ko na... Kasi nung una pa lang talaga, nattract na 'ko sayo. Naalala mo yung nasa tricycle tayo? Kaya kitang nahuling tumitingin sakin kasi tinitignan di naman kita. Feeling ko kasi mayroong kakaiba sa'yo."

     "Kakaiba? Alam ko naman yun. Di naman talaga ko maganda."

    "Ssssshh.. Ang kulit mo talaga. Ako muna pwede?"

     "Ok! Ok. Baka kasi kung ano na namang sabihin mo e! Mainis na 'ko! Pero please, maglakad na tayo." Shocks! Eto na ata yun. Magtatapat na talaga si Chad. Hindi ko na ata mapigilan yung kilig ko.

     "Di 'ko din alam kung bakit hinahanap na kita simula nung araw na yun. Kaso hindi naman kita makita. Hindi ko kasi alam yung pangalan mo. Tapos ikaw pala yung matagal ng gusto ni Prince, e ayoko namang agawan sya kaya tinago ko na lang yung feelings ko sa'yo. At matagal ko na ding napapansin na may gusto ka kay Dave kaya lalo na kong hindi nagtapat sa'yo."

     "Ah. Yung kay Dave. Aaaminin ko na din Chad...."

     "Na mahal mo si Dave?"

     "Hindi, hindi. Dati siguro. Patay na patay ako sa kanya. Kasi  matagal ko na syang crush e. Pero iguro nagagalingan at nagagwapuhan lang ako sa kanya. Parang pwede ko na ngang tawagin ang sarili ko na fan nya."

     "Ganun ba? E ngayon? May mahal ka na ba?"

     "Hmmmm. Hindi ko pa din sigurado e. Naguguluhan pa 'ko. Pero siguro kung aaminin na din ng taong gusto ko na mahal nya 'ko, baka dun, masigurado ko na. Nakakatakot kasing magmahal. Ayokong masaktan."

     Huminto ulit ang dalawa sa paglalakad. 

    "Mahirap palang pigilin ang nararamdaman no? Ngayon ko nga lang naranasan yun... Sa'yo Dianne." Hinawakan ulit ni Chad ang kamay ni Dianne. " Dianne, gusto na kita nung una pa lang kitang makita at nung naging kaibigan kita, mas lalo akong nahulog sa'yo. Mahal na kita Dianne."

     Hindi alam ni Dianne ang kanyang gagawin. "Ah... Eh... hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo Chad."

     "Ok lang. Ayoko namang madaliin ka. Marunong naman akong maghintay. Ang mahalaga, nasabi ko na sa'yo yung nararamdaman ko. Masaya na 'ko kahit ganun lang. Pero sana naman, maging magkaibigan pa din tayo sa kabila ng lahat. Ayokong malayo ka sakin e."

     "Ah. Sure! Oo naman. Mahalaga ka naman sakin kaya hindi ko basta basta sisirain yung pagkakaibigan natin dahil lang dun. Sayang din naman no?" Chad maraming salamat. Ngayon alam ko ng parehas pala tayo ng nararamdaman. Mahal din kita pero baka hindi ko kayang ihandle ang sitwasyon natin. Sikat ka na. Alam ko na may makikilala ka pang mas magandang mga babae na sobrang lamang pa sakin. Pasensya na pero natatakot talaga akong mahilin ka.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon