Chapter 26

16 0 0
                                    

     Habang naghihintay si Dianne, may tatlong dalawang lasing na lalaki na lumapit sa kanya.

     "Hi Miss! Mukhang nag-iisa ka ha? Tara! Sumama ka na lang samin at tyak na sasaya ang gabi mo," sabi ng isang payat na lalaki na may kagwapuhan din naman at mayaman."

     "Ah. May kasama kasi ako e. hinihintay ko lang sya."

     "Naku! iwan mo na yun, samin ka na lang sumama. Mas masaya naman kaming kasama dun.

     "Sorry. Boyfriend ko kasi yung hinihintay ko e. Pwede na kayong umalis."

     Hinawakan ng isang lalaki si Dianne sa kamay. 

     "Bitawan mo ko!" Sigaw ni Dianne. Pinipilit niyang alisin ang kamay ng lalaki sa kanya.

     "Makikipagkaibigan lang naman kami miss. Ang arte mo naman."

     "Hoy! Pwede ba, pakibitawan yung girlfriend ko!" sigaw ni Chad.

    "Aba! Ikaw yung lalaking tumutugtog kanina dun a? Girlfriend mo pala to! Haha. Sorry bro, nakikipagkaibigan lang naman kami e."

     "Sana naman sa susunod wag kayong mambastos ng babae. Ang gwapo nyo pa naman. Siguro naman hindi nyo na kailangang mamilit pa ng babae para lang sumama sa inyo."

     "Sorry bro. Sige. Aalis na lang kami. Pasensya na din miss. Nakinom lang."

     Napayakap ng mahigpit si Dianne kay Chad. "Chad! Natakot ako sa kanila. Salamat dumating ka agad."

     "Sa susunod hintayin mo na lang kami sa backstage ha? Sorry din natagalan ako."

     "Ayos lang yun. Salamat talaga Chad. I love you!"

     "Naks naman! Buo na ang araw ko. Narinig ko na din ang I Love you mo sa wakas. Kung pwede lang yang bilin e gumastos na ko ng bilyon."

     "Ikaw talaga. Pinapatawa mo na naman ako."

     Hinawakan ni Chad ang pisngi ni Dianne. "Sa susunod mag-iingat ka na ha? Wag ka na magi-stay ng mag-isa sa walang tao. Gusto ko may kasama ka lagi kahit hindi man ako."

     "Opo itay! I mean mahal ko!"

     "Ayiiiiieee. Kinikilig naman ako! Sana lagi na lang tayong ganito. Wag ka ng magago Dianne ha?"

      "Depende! Haha."

     Nagkakatitigan ang dalawa. Unti-unting inilapit ni Chad ang kanyang labi sa labi ni Dianne. Pumikit si Dianne at hinayaan lang nito si Chad na halikan sya.

     "Mahal kita Dianne. Ayan lang lagi ang tandaan mo. Bawat oras, minuto, araw, ikaw lang ang laman ng puso ko. Hinding hindi ako magbabago kahit na sumikat pa kami sa buong mundo. Sana lagi mo yang isipin."

     "Mahal na mahal kita Chad. Hindi rin ako magbabago. Dumami man ang mga babaeng nakapaligid sayo."

     "Hindi ka magseselos?"

     "Hindi syempre. Basta lagi mo lang iparamdam sakin na ko yung mahal mo. At saka kasama yan sa trabaho nyo no? Kailangan kong magtiis. Haha"

     "Salamat sa pag-intindi Dianne." Hinalikan niya si Dianne sa pisngi. "I love you."

      "I love you too."

     "Halika na. Ihahatid na kita sa inyo."

    Masaya ang naging relasyon nila Dianne at Chad sa kabila ng hirap ng trabaho at pag-aaral nilang dalawa. Nakayanan nila at nalagpasan ang mga pagsubok na dumating kaya naman ay mas lalo pang tumibay ang kanilang pag-iibigan.

---> THE END <---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon