Chapter 3

89 1 0
                                    

     "Tol, may tugtog kami ngayon. Gusto mo sumama?" tanong ni Chad.

     "Di na tol, madami pang assignments e. Sa susunod na lang."

     "Sige. Alis na 'ko. Goodluck na lang sa mga gagawin mo. Hehe."

     "Thanks tol!"

     Umalis na si Chad para pumunta sa gig nila ng kanyang bagong kabanda. Tatlong taon na rin syang tumutugtog ng gitara at sa sandaling panahon na iyon ay naging magaling kaagad sya. Marahil ito ay dahil namana nya ito sa kanyang mga magulang. Dating Vocalist ang kanyang Mommy at Gitarista naman ang kanyang Daddy. Nasa dugo na nila ang pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento.

     "Hi Dave! Late na ba ako?

     "Chad, you're here! Hindi pa naman. 10 minutes pa bago tayo sumalang. Prepared?"

     "Yeah! specially yung sa solo lead."

     "Kaya mo yan Bro. First time mo sa banda natin kaya nasa'yo mamaya ang mata ng lahat ng tao. Pero alam kong may talent ka kaya ikaw ang pinili ko sa audi."

     "Thanks! Lalo tuloy lumalakas ang loob ko!"

     ".....And now, alam kong sila ang inaabangan nang lahat ng kababaihan sa Bar na 'to! With their new Lead guitarist, let's hear it from the Night Sky Band!"

     Maraming babae ang tumili at pumalakpak ng malakas. Halos lahat ay napatingin kay Chad dahil sa kagwapuhan nito.

     "Ang gwapo ni Dave! Pero mas gwapo 'yung bago nilang guitarist! Ano kayang name nya?" Sabi ng isang babae sa kasama nya.

     "Goodevening guys! We're the Night Sky Band." Tinuro ni Dave si Chad." Here's our new member, Chad."

      Kumaway si Chad sa mga tao. Mas lalo pang lumakas ang sigawan at palakpak nila.

     Grabe! Ganito pala sa Bar. I'm gonna enjoy this! Naisip ni Chad.

     Pagkatapos ng pagtugtog nila ng kantang Hanging By a Moment  ng Lifehouse at Magbalik ng Callalily, dumating ang magkaibigang sina Dianne at Nikki.

     "Yay! I love that we're 18! Haha." Nagsinungaling na naman sila sa edad nila at nakisabay sa ibang mas nakakatanda para lang makapasok sa JeyTri Bar. Naghanap na sila ng bakanteng upuan para mapanuod si Dave. "Yes! Naabutan pa natin si Dave ko!" Kinikilig na sinabi ni Dianne.

     "Yes! Ako din!" sambit ni Nikki.

     "Huh?! Gusto mo na din si Dave?"

     "Nah!!! Ayun o? 'di ba si Chad 'yun? Tumutugtog na din pala sya dito."

     Gulat na gulat si Dianne. "Huh?! Pa'no nangyari 'yun?"

     "Ako ba ang may gusto kay Dave dito? Di ba ikaw! You're his fan right?"

     "Ah! Oo nga pala! Nagkasakit si Mark, yung dati nilang Lead guitarist kaya nagpa-aduition sila. Shocks! Sya ang nakuha? Porke gwapo lang?"

     "Ahaaa! E di inamin mo na rin na he's handsome."

     "Yeah! He is! Sort of... Pero sobrang pangit naman ng ugali. Pang monster! Beast!"

     "You're really crazy! Manuod na nga lang tayo! Buti naman at nagkaroon ng saysay ang pagsama ko sa'yo dito. Nandito din pala ang 'Love of My Life."

     Tumahimik na si Dianne at pinanood na lang si Dave. Matagal na kasi nya itong hindi napanuod dahil sa kabusy-han sa pag-aaral.

     "Haaaay.. Bakit may girlfriend ka na Dave?" Tanong ni Dianne sa kanyang sarili pero narinig ito ni Nikki.

     "Sorry ka girl, you're too young pa kasi. Dave is 19 yrs old now and you're only 16. It's impossible for him to like you."

     "Wow! Salamat sa suporta! Kaibigan talaga kita! Bait mo e."

     "Oh thank you! I'm flattered."

     "Well... Age doesn't matter naman no?!"

     "Yeah right! In fairy tales!"

     "Yes! I do believe in fairy tales. Haha! Kaya I know that time will come na mapapansin din ako ni Dave. Hindi ako susuko."

     "Kaya mo yan! Me too, I won't give up."

     Tuwang-tuwa sina Dianne at Nikki habang pinapanuod ang banda nila Chad at Dave. Ganu'n din naman ang lahat ng kababaihan na nasa Bar.

     Natapos na ang huling kanta ng banda. Sobrang saya ni  Dave. "Thank you for watching us! You made us happy tonight. See yah soon guys!"  

     Umuwi na rin agad sina Dianne at Nikki dahil hindi sila pwedeng abutin ng alas diyes ng gabi.

     "How I wish we can talk to them after their gig." Hiling ni Nikki.

     "Sana nga. Sana din makuha ko yung number ni Dave. Number nya lang, masaya na 'ko."

     "Haaaay..."

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon