Chapter 25

8 0 0
                                    

     Nakatanggap ng text si Dianne.

     CHAD: Hi Dianne, magbihis ka na. Susunduin kita sa bahay nyo. May biglaang gig kami ngayon e. Papunta na 'ko.

     DIANNE: Ok sige. Ingat ka!

     Naku ano kayang isusuot ko? Kaya ayokong magboyfriend e. Nakoconcious ako lagi sa itsura  ko. Psssshh. Hinalungkat ni Dianne ang lahat ng lagayan nya ng damit. Ah! Eto. eto na lang yung isusuot ko. Nakita nya ang isang kulay itim na Tshirt na may kulay pink na tatak na 'Night Sky' at isang itim na pantalon. MagpapakaFan Girl ako ngayong gabi! Haha.

     Nagdoorbell si Chad sa gate nila Dianne. Pinagbuksan sya ng yaya nito at pinaupo sa may sala. Bumaba si Dianne ng hagdan.

     "Wow! You Look...."

     "Ordinary. Yeah right! I know!"

     "No! You're beautiful. Simple... but beautiful."

     "Sus! Girlfriend mo na ko. Hindi mo na ko kailangan pang bolahin pa."

     "Nagsasabi lang ako ng totoo."

     "Tara na! Baka malate ka pa."

     "Basta totoo yun."

     "Yaya! Aalis na po kami."

     Nagpaalam na din si Chad sa yaya ni Dianne. "Alis na po kami. Salamat po. Ihahatid ko na lang po si Dianne mamaya pagkatapos na pagkatapos ng gig namin."

     "Sige. Basta ibalik mo sya ng buo. Mag-ingat kayo."

     "Salamat po."

     Pinagbuksan ni Chad ng pintuan ng kotse si Dianne. "Sakay na po mahal na prinsesa."

     "Salamat alipin."

     "Aray! Ang sakit naman. Alipin lang? Hindi ba pwedeng 'Salamat mahal kong prinsipe'?"

     "Asa ka. Bilisan mo na dyan! Haha."

     "At ngayon, sigurado akong namiss nyo ang grupong ito. Kaya hindi namin pinalagpas ang pagkakataon na pabalikin sila dito ngayong gabi. Para sa Anniversary ng Night Sky Bar. Eto na, ang pinakahihintay ng lahat. Let's give it up to the Night Sky Band! Let us welcome Gino, Leo, Chad and Dave!"

     Nagtilian ang mga babae. Lalo na ang mga fans ng Night Sky. Si Dianne naman ay nakaupo lamang sa may bandang likuran ng mga nanunuod upang hindi sya gaanong mapansin. Teka nga! Magpapakafangirl nga pala ako ngayon para maenjoy ko naman ang panunuod ng gig nila Chad. Titili ako para sa idol kong si Dave! Yeah! Sayang naman tong tshirt ko kung itatago ko lang dito sa likod. Makapunta nga sa harap. Ngunit hindi na sya makasiksik dahil sa dami ng taong gustong pumunta sa harapan. Sabi ko nga e dito na lang ako sa bandang gitna.

    "Isang magandang gabi po sa ating lahat. Namiss po naming tumugtog dito sa Night Sky bar. Grabe. Dito kami nagsimula kaya hinding hindi namin makakalimutan ang lugar na ito. Naging malaking part na kayo ng career namin kaya naman bumalik kami upang magpasalamat kay tito Charles at tita May sa pagkuha sa amin dito nung nagsisimula pa lang kami at pati na din sa pagsuporta at pag-aalaga sa amin dito. Mahal po namin kayo," sabi ni Dave.

     "Maraming salamat din po sa pagsuporta ng mga fans samin lalong lalo na yung mga nanggaling pa sa malayong lugar para lang mapanuod kami, mahal din namin kayo!" pasasalamat ni Chad.

      "Thank you po mga mahal namin! Sana e gawin nyo na pong tambayan tong Night Sky Bar para sumaya tayong lahat. Alam namin na lahat ng bandang tumutugtog dito ay kasing husay namin! Di ba?" pagmamalaki ni Leo.

      "Tama! Kaya naman po bumili na kayo ng maraming pagkain dahil tyak gugutumin kayo sa pagtili, pagkanta, pagsayaw at pagsigaw sa mga tutugtugin namin! We love you po!" Sigaw ni Gino.

      Pagkatapos sumigaw ni Gino ay inumpisahan na ng banda ang kanilang pagtugtog. Tuwang tuwa ang mga tao. Pati si Dianne ay nag-eenjoy din sa pagsayaw. Nakita nya din sa may gilid si Nikki na napapatalon din kasama ang bagong boyfriend nito na si Zac na sikat naman sa campus nila. Kinawayan nya si Nikki at kinawayan din naman sya nito pabalik.

     Pagkatapos ng limang kanta... "Alam po namin na sorang enjoy na tayo ngayong gabi. Pero ikinalulungkot po namin na ito na ang huling kanta namin ngayon. Ang kantang ito ay ang bagong single namin na ngayon pa lang po ninyo maririnig. Kayo po ang kauna-unahang makakarinig nito." Nagsigawan ang lahat ng tao. "Ito po ay naisulat ng isa sa aming kagrupo dahil sa torpe sya." Nagsitawanan lahat. "I mean... Hanggang tingin na lang sya dati sa baaeng gusto nya. At ang baaeng iyon ang naging inspirasyon nya sa pagsulat. The song is about a guy na natatakot aminin ang kanyang tunay na nararamdaman. Sana po ay makarelate kayo at magustuhan nyo. This song is entitled 'Ligaw-Tingin' written by Chad. This for you Dianne."

     Ligaw-tingin hindi mo ba pansin

    aking lihim, sigaw ng damdamin

     Lagi na lang ang mag-aabang na sabihin mong

     Ako ang mahal mo

     "Wow girl nakakainggit naman yung Dianne no? Sino kaya yun?" sabi ng isang fan.

     "Oo nga e. Sana makatagpo din tayo ng katulad ni Chad no? Nakakainggit talaga." sai naman ng isa pa.

     Walang tigil sa hiyawan ang mga tao. Kinikilig sila sa laman ng mensahe ng kanta. Si Dianne naman ay napahinto na din sa kanyang pagtalon dahil sa mensahe ng kanta na matagal ng itinago ni Chad sa kanya. Nagulat sya dahil hindi nya akalaing babanggitin sa harap ng maraming tao ang pangalan nya. Hindi maitatago ang kilig sa mukha ni Dianne.

     Pagkatapos ng pagtugtog nila Dave, pumunta na si Dianne sa backstage upang pasalamatan sila at kausapin si Chad.

     "Dianne, so how's your night?" tanong ni Dave.

     "Sobrang nag-enjoy ako. Grabe, namiss ko yung ganito."

     "Good! Thanks sa pagpunta."

     "Walang anuman yun Dave. Kayo pa, ang lakas nyo  sakin e. Salamat din pala kanina. Alam mo na."

     "Sus! Don't mind it. Ganun ka lang talaga kamahal ni Chad, Dianne. Handa ka nyang ipgsigawan sa uong mundo."

     "Kaya nga mahal na mahal ko yun e. Kahit puro kalokohan ang alam, mabait naman."

     "Ayan na. Speaking of the..."

     "Hi Dianne ko." Biglang dumating si Chad sa kalagitnaan ng pag-uusap nila Dave at Dianne.

    "Sige maiwan ko muna kayo," paalam ni Dave.

    "O? Pawis ka na a? Magbihis ka na muna." Inabot nya ang tshirt ni Chad.

    "Thank you! Kaya mahal kita e. Kahit na lagi mo kong binubugbo e may care ka pa din sakin."

    "May care ka dyan. Ang baho mo na kasi no? Sige na, bihis na."

     "Ano ba yan? Kahit na tayo na, tinatago mo pa din yung nararamdaman mo. Magibihis na nga ako."

     "Sige. Hihintayin na lang kita sa kotse."

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon