Chapter 8

66 1 0
                                    

     Sinenyasan ni Chad si Dianne na pumunta ng backstage.

     "Whoa! Nakakapagod ata ngayong gabi." Hinihingal na sinabi ni Dave.

     "Oo bro! Sinabi mo pa, alive na alive kasi yung mga nanunuod ngayon kaya ginanahan tuloy tayo," sagot ni Chad.

     Inayos na ni Chad ang kanyang gitara at naghanda na sya para umuwi. Habang nag-aayos naman si Dave kinausap nya muna si Dianne dahil mukhang naiinip na ito sa paghihintay.

     "O Dianne, nag-enjoy ka ba ngayon?" tanong ni Dave.

     "Of course!" Sobra akong nag-enjoy. Sa pakikipag-usap pa lang sa'yo sobrang enjoy na 'ko lalo na 'yung tumugtog ka pa, halos mahimatay na 'ko sa saya.

     "Wait lang ha?! Mag-aayos lang kami ng mga gamit namin. Para din maaga ka ng makauwi."

     "Ok lang. Nagpaalam naman ako kay mommy e."

     "Sige. Sandali na lang 'to."

     "Tara na Dianne, ginabi ka na. Hahatid na kita sa inyo," wika ni Chad.

     "Huh?! Eh... O sige." Gusto sana ni Dianne na makasabay nya si Dave. Pero malayo ang inuuwian nito sa bahay nila. Iba ang dadaanan nya.

     "Una na kami bro! Kitakits sa audition natin ha?! Agahan mo," sambit ni Dave. "Bye Dianne! Nice meeting you! Ingat ka ha?!"

     "Bye! Ingat ka din." Medyo malungkot na nagpaalam si Dianne kay Dave pero masaya na rin sya dahil nagbunga na ang kanyang plano na mapalapit sa kanya.

     Naglakad na papuntang parking lot sina Dianne at Chad ng may lumapit sa kanilang apat na babae. Kaunting lumayo si Dianne sa kanya dahil baka akalain pa nila ng boyfriend nya si Chad.

     "Hello! Chad right? Pwedeng magpapicture? tanong ng isang babae.

     "Sure!" sabi ni Chad."

     "Thanks Chad! Ang bait mo na, ang gwapo mo pa. Sa susunod na gig nyo ulit pupunta kami! Ang galing nyo kasi e," wika ng isa pa sa kanila.

     "Maraming salamat. Aasahan namin kayo. Sige, una na ko ha?! Ingat!" 

      Sumakay na si Chad at Dianne sa kotse. Nagbulungan naman ang mga babae kung sino ba yung kasama nya. Marahil daw ay girlfriend nya ito o kapatid.

     Sabi ko na nga ba mag-iisip yung mga babaeng 'yun kung sino ako. Bulong ni Dianne.

     "Sa wakas makakapagpahinga na rin ako sa bahay. Nakakapagod tumugtog," wika ni Chad.

     "Sumaya ka naman kasi mas marami na kayong fans ngayon kesa dati!"

     "Oo naman no?! Sino ba naman ang malulungkot! Haha."

     "Feeling mo naman artista ka na," pabirong sabi ni Dianne.

     "Hindi naman. Natutuwa lang talaga ako. Dati, mga puno lang ang kinakantahan ko. Ngayon, pati ibon na... Este tao!"

     "Joke ba 'yun? Am I supposed to laugh?"

     "Hindi 'yun joke! I'm serious! Hahaha."

     "Hahaha! Baliw ka talaga e no? Kanino ka ba nagmana?"

     "Sa lolo mo!"

     "Joke ba 'yun ulit? Sabihin mo kasi para tumawa naman ako. Nakakahiya naman kasi sa'yo. Haha!"

     "Ewan ko sa'yo. Tutal, malayo pa tayo, bakit di ka muna matulog ng tumahimik naman ang mundo ko."

     "No, I won't! I will make your world miserable. Buwahaha!"

     "Yeah right! Bahala ka na nga dyan sa likod ng kotse. Kausapin mo 'yung sarili mo."

     "Ayiiieee.. Napipikon na 'yan!"

     "Di po ako pikon no?! Nang-aasar lang din."

     "We?! As if namang matatalo mo ang reyna ng asaran."

     "Ah.. So you're saying.... You're a queen?"

     "Oo! Bakit?"

     "Wala lang... Yes you're a queen, an ugly duckQUEEN!"

     "Aba! Sumosobra ka na a?!"

     "Ooooppss.. Sya na ang napipikon!"

     Pinalo ni Dianne si Chad sa balikat.

     "Aw! Ayan ka na naman sa pananakit mo e. Sapakan na lang tayo o?!" reklamo ni  Chad.

    "Gumaganti lang ako! Wala na kasi akong maasar sa'yo e."

     "E akala ko ba reyna ka?"

     "E basta! Pakialam mo ba kung wala na kong pang-asar?"

     "May pakialam ako kasi tao ako."

     "Tao daw! Hindi naman mukang tao!" Hindi namalayan ni Dianne na lumagpas na pala sya sa daan papunta sa Village nila. "Shocks! Ibalik mo yung kotse!"

     "San?"

     "Dun sa pakaliwa. Lumagpas na 'ko e."

     "Ayan! Masyado kasing nag-enjoy sakin."

     "Kapal mo talaga! Dyan, iliko mo na. Tapos diretso ka lang."

     "Tapos?"

     "Tapos.... Dito na lang ako. Baka makita ka pa ni daddy. Mahirap pa naman paliwanagan 'yun kung sino na naman yung kasama kong lalaki."

     "Sige. Aantayin na lang kitang makapasok sa bahay nyo. Baka kasi may kumidnap sa'yo dyan."

     "Haha. Kung kaya nila ako."

     "Sige na, maglakad ka na. It's getting late."

     "Thanks sa paghatid. Ingat ka!"

     "Sure! No prob!"

     Pumasok na si Dianne sa kanilang bahay ngunit wala pa roon ang kanyang mga magulang. Naging busy na naman pala ang mga ito sa trabaho. Ang tanging tao lang sa kanila ay ang kanyang yaya.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon