Chapter 17

19 0 0
                                    

     "Akala ko naman, makakasama na natin si Dianne dito sa kwarto!" panghihinayang ni Gino.

     "Aba Gino, ayan ka na naman! Yung mga biro mo, di na nakakatuwa! Haha!" pangiting sambit ni Dave.

     "E kasi naman ang bait mo, talagang kumuha ka pa ng ibang kwarto para lang sa kanya. E pwede naman natin syang pahigain dito sa isang kama na 'to, tapos ihiwalay natin dun sa malayo para safe sya."

     "Kahit na no?! She's still a girl. Pangit tignan yun, kahit na ba nasa ibang bansa tayo."

     "Yeah right! E pano kung may masamang mangyari sa kanya sa kabilang kwarto?"

     "Hello! Connected kaya yung room na kinuha ko para sa kanya sa room natin! Ayun yung pinto o?!"

     "Ah... Sabi ko nga. Bakit ba masyado kang concern kay Dianne? May gusto ka na rin ba sa kanya Dave?"

     "Huh?! Wala naman! E syempre gusto sya ni Chad kaya dapat natin syang alagaan. Aanhin pa natin yung pagkakaibigan natin kung hindi naman tayo magtutulungan."

      "Sige na, sige na. Ikaw na talaga bro! Makapag-shower na nga muna para makatulog na ko."

     "Okay! Pagkatapos mo, ako naman."

     Samantala sa kabilang kwarto kung nasan si Dianne.

     Huhu! Nakakatakot naman mag-isa. Bakit kasi iniwan nila ko. Yung malaking kwarto pa talaga yung binigay nila sakin. Triple na 'to ng kwarto ko e. Buti na lang malalaki din yung ilaw dito. Makapanuod na nga lang ng DVD.

     Pinanuod ni Dianne ang paborito nyang palabas na ''Crazy Little Thing Called Love".

     Oooops! Sobrang nakakarelate naman ako kay Shone! Bakit ba kasi ang torpe ko? Ay! Bakit nga pala ako yung naging torpe? E di ba, dapat lalaki yung nanliligaw? Haha. E para palang akong si Nam, di agad sinabi yung true feelings nya. Baka naman magaya din kami ni Chad sa kanila. Umabot pa ng 9 years bago pa namin yun masabi sa isa't isa. Nasan na kaya kami sa mga panahong yun? Magkita pa kaya kami? Ano na kayang trabaho ko nun? E sya kaya? Hahaha. Masyado naman ata akong futuristic, e di ko pa nga alam yung mangyayari bukas.... Teka nga, muka na naman akong baliw. Kinikilig akong mag-isa dito. Kulang na lang e kausapin ko na yung sarili ko! Ibang movie na nga lang muna ang papanuorin ko.

     Biglang nakatanggap ng text si Dianne.

     CHAD: Hi Dianne. Ok ka lng ba jan?

     DIANNE: Ok lang naman. Mejo nata2kot. Kaya nga nanunuod na lang ako ng movie.

     CHAD: Talaga? Pwede bang makinuod jan? Para mawala na rin yung takot mo?

     DIANNE: Loko! Haha. Wag na nu?! Kaya ko na ang sarili ko.

     CHAD: Basta pag kelangan mo ng tulong, nandito lang kami sa kabila.

     DIANNE: Wala ka namang bilib sa'kin! Bakit ka pa ba nagtetext? Sayang naman yung load natin. Mahal pa naman yung load dito.

     CHAD: Ok lang yan! Si Dave naman yung may sagot sa iba pang gagastusin natin.

     DIANNE: O sige na! Kawawa naman si Dave. Baka maubusan na ng pera yun! Goodnight na! Matutulog na rin ako e.

     CHAD: Sige! Goodnight din! Love you! :)

     Makapag-I love you naman si Chad, kala mo kami na. Iiiiiihhhh!!! Kinikilig ako! Sana ganito na lang sya kasweet lagi! Kahit hindi na maging kami, papayag na ko! Pero pa'no nya nga kaya ako magugustuhan? E kung tutuusin parang hindi naman ako kaibigan para sa kanya. Isa lang akong fan ni Dave. Sa tingin ko, matagal na ring alam yun ni Chad. Hindi nya lang sinasabi kasi baka layuan ko sya. Hahaha.. Sobra naman akong mangarap! As if namang he cares for me! Siguro si Dave, mas may halaga pa ko sa kanya. Ewan ko nga ba?! Bakit ba hindi na lang ulit si Dave ang gustuhin ko, e mukhang mas may pakialam pa sya sakin. Haaaay. Ang gulo namang umibig! Kaya ayoko nito e. Di ko alam ang gagawin ko.... God please, I need your help. Sabihin nyo po sa kin kung anong dapat kong gawin. Sobrang nalilito na po kasi ako. Thank you God. Ipagkakatiwala ko na lang po sa inyo ang lahat. Goodnight! Matutulog na po ako.

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon