Chapter 12

147 10 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na mabigat ang katawan alas dose na pala at hindi ko namalayang mahaba-haba pala ang tulog ko. Nandito silang lahat kagabe maliban kay Zenthon at dito narin sila natulog pati narin si Amesyl.

Naputol ang pag-iisip ko nang lumabas si Amesyl sa banyo na naka tapis lang ng tuwalya.

"Ame, ano ba? You should dress up before you go out!" Sita ko sa kaniya. Naiirita na. Paano kung may pumasok? I am not used to this kasi, masiyado akong conservative ng konti.

Tumawa siya, halakhak na tawa. "Hey, hey! Stop it! Pareho naman tayong babae, no! Tsaka hindi ko naman shino-show off ang boobs at vagina ko," Sabi niya pa.

Leche! Ang bulgar. Sarap tampalin ng bibig tinignan ko siya ng masama at napatakip ako ng tenga sa sinabi niya.

"Ang bastos ng bunganga mo!" Sita ko pa tsaka ko siya tinignan ng matalim

Tinawanan niya lang ako tsaka iwinasiwas ang kamay. "Jusme, As if naman di tayo nag naliligo together nong kids pa tayo, e. Mas severe nga yun naka naked lang walang saplot!" Sabi niya pa.

Tinignan ko lang siya ng matalim bago pumasok sa loob ng banyo. Kahit malamig ang tubig at nakaka relax sa sistema, naglalakbay parin ang isip ko sa nangyari kahapon. Masiyadong pamilyar ang katawan nong babae pero agad rin akong napailing. Imposibleng magkakilala sila at alam kong nasa Mexico siya. Napapikit ako ng mariin.

"Ano bang pakealam ko kung siya yun o hindi?" Inis na sabi ko sa sarili ko.

Natapos akong maligo at mag bihis. Wearing a highwaisted maong black short and tank top and a pair of slipper. Amesyl is not here so I guess she's already downstairs.

I took a deep breath and clinch my fist. Leche!

I dialled my dad's phone number to clarify and make my mind erase my thoughts

"Hello, Aya? How are you? What's with the sudden call? I am currently in an a meeting," He asked.

Rinig ko ang mga nag-uusap sa kabilang linya at dahil sa kahihiyan ay sinabi ko na ang gusto kong sabihin.

"Where are you po? Did you and tita already went home here in the Philippines? How about Ked?" I asked, napapikit ako kabado kahit hindi dapat.

"Ako lang yung umuwi. They are still in Hongkong dahil walang nag mamanage sa company dun. You know Ked and your tita are so hands on with our business. Tumaas nga ang rates ng sales and marami ring inverstors na nakuha si Ked." He said it, proudly. As if he's worshipping Ked and admiring Ked so much.

Tumango ako kahit hindi iyon makikita ni Daddy. "Ahh, yes! Good to know ang galing ni Ked po," Sabi ko pa.

Humalakhak si Daddy sa kabilang linya. "Ked is really a good asset for our business. I admire that child so much. I'll cut this off now. I'm in a meeting. I'll call you again or you can visit me in our house if you have time," Sabi niya.

Rinig kong pinupuri ni Daddy ang nagawa ni Ked

"Okay, Dad. I love--- you" hindi ko na naidugtong ang sasabihin ko nang pinatay ni Daddy ang tawag. Napabuntong-hininga nalang ako tsaka bumaba na.

Rinig ko ang ingay sa kusina habang pababa ako ang mala armalite na bunganga ni Amesyl.

"Iww, Ano ba yang ginagawa mong unggoy ka? It's not how you cook it,  eh umalis ka nga! You make gisa nga muna iyon ang dapat na first move mo before yung pork," Naiirita nang pahayag ni Ame.

Napatawa ako, tinignan ko si Iyan, V, Alex at Troy na parehong naka upo sa high chair at tahimik na nakatingin sa dalawang nag aaway.

"Ano ang uunahin ko? Igigisa bago ang pork? You mean, that ingredients muna? Syempre hindi, ikaw ang uunahin ko bago ang dalawang yan. Top priority," Nakangising ani ni Kevin.

Beats of Dusk (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon