Nasa parking lot na ang mga kaibigan niya nag hihintay kasama si Amesyl na naka busangot na naman ang mukha habang si Kevin ay may malaking ngisi ang mukhang nakatingin kay Amesyl.
Pinag buksan ako ng pintuan ni V na ngayon ay bumabakat ang malalim na dimple niyang nakangiti saakin.
"Thank you," Bungad ko kay V nang makalabas ako.
Nakangiti parin siyang tumango tsaka sinara ang pintuan narinig ko rin ang pag sara ng kabilang pintuan at pag tunog ng sasakyan ni Zenthon. Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Lumapit din saakin si Amesyl at tumabi saakin.
"Gosh! So mabuti that you are here! Masiyadong annoying ng isa dito, e." Naiiritang sabi ni Amesyl.
Narinig ko ang halakhak ni Kevin sa likod. "Naasar kana naman," Usal ko sa kanya.
Umirap lang siya sa ere.
"Let's go." Ani ni Zenthon habang hawak ang kamay ko.
Lahat ng tao ay nakatingin saamin habang naghihintay sa pila. Napanguso ako habang tinitignan ang kahabaan ng pila.
"Are we going to call, Xin?" Nagaalinlangang tanong ni Amesyl.
Umiling ako habang nakatingin sa mga nakapila. "No. We can't do that, dapat ay pareho tayo sa kanila." Sabi ko pa sabay tingin kay Zenthon na ngayon ay salubong ang kilay na nakatingin sa mga nakapila.
"Amariah!"
Napalingon ako sa kumaway saakin na nasa unahang pila at nakita ang singkit na mata ni Yulen na mas sumisingkit pa sa pagkakangiti saakin.
Kumaway ako pabalik gamit ang kanang kamay ko. "Yulen!" Nakangiting bati ko rin.
Ramdam ko ang mas mahigpit na hawak ni Zenthon sa kamay ko. Nilingon ko siya at pumirmi ang kanyang tingin ngayon kay Yulen.
Narinig ko ang reklamo ni Amesyl at V na nagugutom daw sila kaya tinignan ko si Zenthon.
"Hey." Tawag ko kay Zenthon.
Mariin ang tinging ipinukol niya saakin. "You should go to cafeterium muna baka hindi pa sila . I'm going to get our schedule here medyo malayo pa tayo kasi ang haba pa ng pila, e." Sabi ko pa.
"What? No! Kayo nalang ang pumunta ni Amesyl," Seryosong sabi niya saakin.
"V, Accompany them. Si Troy na ang kukuha ng schedule mo," Sabi ni Zen kay V.
Si Amesyl naman ay nag-iingay sa tabi ko dahil sa pakikipag bangayan kay Kevin.
"Amesyl. Stop it. Let's go para makakain ka. Let Kevin get your schedule nalang." Sabi ko kay Ame. "Ayos lang ba, Kevin?" Baling na tanong ko naman kay Kevin.
Tumango si Kevin na may malokong ngiting nakabaling kay Amesyl. Hinawakan ni Zenthon ang kamay ko at mas inilapit sa kanya kaya mas lalo akong nadiin sa kanya. He gave me a short kiss on the lips that made my eyes widened, lumingon-lingon ako at nakita ko ang ibang student na hindi naman nakatingin saamin, habang ang iba ay nag-iiwas ng tingin. Nag-init ang mukha ko tsaka ko tinignan si Zenthon.
"I love you. I'll see you later in the cafeterium, doon niyo na kami hintayin," Sabi niya saakin tsaka hinaplos ang pisngi ko. Tumango naman ako.
Hindi na kami nag tagal dahil hinatak na ako ni Amesyl paalis doon. Nasa likod lang namin si V na tahimik na nginingitian ang mga nadadaanan naming mga babae na namumula naman ang mukha o di kaya ay umiimpit sa tilian.
"You're grumpy again," I pointed out to Amesyl while we are walking.
Naasar siyang tumingin saakin. "Because that unggoy always annoy me. So very nakakaasar his face. I hate him!" Maarteng aniya.
BINABASA MO ANG
Beats of Dusk (Gangster Series #1)
General FictionAmariah Kiela Sue -Laurier has everything, wealth, power, beauty, but despite of those, people didn't know that she has a very tragic life, she was been kidnapped with her older cousin. She was traumatized and suffered both emotionally and mentally...