Chapter 20

98 4 3
                                    


"Ano ba? Umusog ka ang sikip," Rinig kong sabi ni Kevin.

"Shut up! No one says na here ka umupo sa tabi ko. You have your own car, you can drive and go there in your own. Hindi mo na kailangang ipagsiksikan ang sarili mo dito," Ramdam ko ang seryosong tinig ni Amesyl ng sabihin niya iyon.

Batid kong wala siya sa mood dahil alas kuwatro palang ng madaling araw, kailangan kasi naming maaga makapunta doon para makita ang sunrise. Si James at V ay nasa likod, magkasmama kaming apat dito sa sasakyan ni Zenthon, sa isang sasakyan, sasakyan ni V ang gamit nila, Si V ang driver pero si James ang mag babayad sa gas. Si Troy at Iyan naman ay nasa sasakyan ni Alex, tanging si Kevin, Ako, Ame at Zenthon lang ang narito sa sasakyan nila Zenthon mabuti nalang talaga at for family ang bilang ng pwede makasakay sa car na ito. Mitsubishi ang tatak, Land Cruiser.

May mga dala din kaming ibang kagamitan at nakalagay iyon sa likod kung saan nakaupo si Amesyl at Kevin dahil ang mga gamit ni Zenthon at gamit ko sabayan pa ng gamit ng dalawa at lalo na ni Amesyl na akala mo naman ay isang buwan mag stay doon. E, isang araw lang naman ay nakalagay sa compartment.

Ramdam ko ang pag akbay saakin ni Zenthon kaya nakatingin ako sa kaniya.

"You can sleep, love. Gigisingin nalang kita kapag nandun na tayo," Bulong ni Zenthon sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit na hininga nang sabihin niya iyon na parang nag bibigay kiliti saaking sistema.

"Hmm... Hindi pa naman ako innantok. Ikaw maaga pa, matulog ka nalang kaya muna," Sabi ko pa sa kaniya, tinignan niya lang ako ng seryoso at maya-maya pa ay...

*tsup*

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi kasabay ng pag tampal ko sa braso ko at pag lingon sa likuran, halos mamula ako sa hiya mabuti nalang at tulog si Amesyl kung hindi ay tatalakan na naman ako non.

"Ano ba? Nakakahiya naman eh," Sabi ko pa tsaka umayos ng upo. Nag salubong ang kilay niya na nakatingin pa saakin.

"So, kinakahiya mo ako?" Tanong niya  pa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya tsaka siya nilingon .

"A-Ano ba yang sinasabi mo? Hindi ah!" Pambawi ko pa, tsaka ko hinawakan ang mukha niya at hinarap saakin, napaka perpekto ng panga niya, ang mga mata niyang malalalim na sa unang tingin ay masasabing walang emosyon ngunit kapag nalaman mo na ay masasabi mong maraming sinasabi iyon. Dahan-dahan ay nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya, ramdam ko ang pagka tigil niya saglit, aatras na sana ako ng ginalawa niya ang mga labi niya at mas idiniin ang halik naming dalawa.

Ilang segundo lang din ay lumayo siya saakin na malapad ang ngiti. Umusog ako at ngumuso, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko

"Ahem, wala akong nakita," Natatawang sabi ni Kevin kaya mas lalo akong namula. Shet!

"Anong nakita? Sino na naman ang nakita mo ha?" Rinig kong biglang sabat ni Amesyl, ngunit hindi ko nalang nilingon. Palihim kong tinignan si Zenthon na ngayon ay nakangiting nag mamaneho, binigyan niya ako ng segundong tingin kaya halos mapairap ako sa kaniya 

Mahigit apat na oras din ang ibinyahe naman from Pasig. Ramdam ko pa ang lamig saaking katawan, nang makarating kami saaming destinasyon. It's 5 am in the morning and it's almost sunset. 

"We're here!" Anunsyo ni Zenthon, nakita ko ang pag mulat nang mata ni Amesyl sabay tingin sa labas

"Omy, this is in need for a little capture. I'm gonna make my friends in Canada felt so inggit. They are dying to visit this spot," Maarteng sabi ni Amesyl, nakita ko ang pag ismid ni Kevin. Kaya napangiti ako. Nawala din ang ngiting iyon nang makita kong salubong ang kilay na nakatingin saakin si Zenthon

"Kevin, Get out!" Rinig kong utos niya, napakamot naman ng ulo si Kevin tsaka lumabas na, nalilito kong tinignan si Zenthon na ngayon ay nag-aayos na. Gusto ko siyang tanungin nang bigla din siyang lumabas. Sumunod naman din si Amesyl sa kanila na hanggang ngayon ay nalulula parin. 

May mga boy na  nakaabang sa labas para tumulong sa pag hahakot ng gamit. Inayos ko na ang sarili ko tsaka ako lumabas. Lumapit ako kay Zenthon na ngayon ay seryoso parin ang mukha at hindi manlang tumitingin saakin. 

Napanguso ako nang mauna siyang mag lakad dala ang gamit naming dalawa. Tumakbo ako para magpantay kami at hinawakan ko ang kamay niya. 

"Hey, are you mad? Did I do something?" I asked, "I'm sorry," I added. 

Hindi niya parin ako pinansin. Napanguso ako. "Hey," I called him. 

Bumuntong-hininga naman siya at tinignan ako. Nag lakad ako palapit sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nag tungo sa taas.

"Apat na tent lang ang meron tayo," sabi ni Troy. 

Natigil naman ako at tinignan si Amesyl na napatitig rin saakin.

"Ganito, Amesyl and Amariah will be the one sa isang tent. Kevin, V and Iyan sa isang tent, I'll be with Alex while James and Zenthon sa isang tent," dagdag na sabi ni Troy. 

Zenthon groaned that makes everyone of us looks at him.

"You have a problem with the arrangement?" James asked,  while raising his brows. 

Napalunok ako at hinawakan ko ang kamay ni Zenthon kaya napatingin siya sa akin.  Ngumiti ako at tumango sa kanya para sabihing ayos lang iyon. 

Beats of Dusk (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon