Chapter 39

55 5 0
                                    


Tahimik ang kapaligiran, ang marahang pag sayaw ng mga puno at sanga kapag umiihip ang hangin, ang pag hampas ng alon na umaabot saaking paa ang tubig, ang tahimik na kapaligiran, at nang napakagandang tanawin

Linanghap ko ang simoy ng hangin at ngumiti. Naglakad-lakad ako hanggang sa matanaw ko ang shop kung saan kami nag pa henna ni Zenthon bumalik ang ala-ala ng makita ko iyon. Iwinaksi ko iyon at lumapit dun.

"Oh, Ija? Narito ka ulit? Asan iyong nobyo mo?" Tanong niya saakin ng nakangiti. Natahimik ako at ngumiti rin sa kaniya.

Gusto ko mang sabihing wala na kami dahil meron na siyang iba at ikakasal na siya pero ayoko namang mas humaba pa ang usapan namin nitong medyo katandaang may-ari ng shop

"Busy po eh. Sige po, alis na po ako. Hehehehe magandang umaga po" Sabi ko tsaka kumaway at nag lakad na palabas, hindi ko na siya hinintay na mag salita pa. Ayoko ng humaba ang usapan namin.

Nag lakad-lakad pa ako hanggang sa matanaw ko ang restaurant kung saan kami madalas kumain nong nanatili kami ritong dalawa. Pumasok ako roon at nag order ng makakain.

Ilang minuto pa ang hinintay ko ng isinerve iyon saakin. Ngumiti lang ako sa waiter bago umalis ito.

Nagsimula na akong kumain, limang kutsara palang ang naisusubo ko ng may umupo sa harapan ko. Napaangat ako ng ulo ng makita ko kung sino iyon

Nanlaki ang mga mata ko. "Kuya James?---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita

"Alam ko na" tatango-tangong sabi pa niya. Napaiwas ako ng tingin. Natahimik kami ng dumating ang order niya. Nagpasalamat lang siya sa waiter at umalis na

"Hindi ako nakapunta sa Engagement nila kagabe dahil nadelay ang flight ko pero narinig ko ang ginawa mo sa engagement party nila kagabe" Nakakunot-noong sabi niya tsaka sinisip ang kape niya.

Napaiwas ako ng tingin "Wala ako dun kagabe" Iyon ang nasabi ko

Ngumisi siya at tinaasan aki ng kilay "Wag mo akong lokohin, Kiela. Nandun si V. At masiyado ka naming kilala para itanggi mo iyong ginawa mo" Seryoso paring sabi niya

"Fine, I was there. Happy?" I said sarcastically. Umismid siya at seryoso niya akon tinignan, nag-iwas naman ko ng tingin

"Sorry" Iyon nalang ang naiusal niya, tinignan ko siya at ngumiti. Wala naman siyang kasalanan kaya wala siyang dapat ipaghingi ng paumanhin

"Teka nga, bakit ka nandito?" Sabi ko, pinaningkitan ko naman siya ng tingin. "Are you following me?" Nag-iwas siya ng idagdag ko iyon. Inirapan niya ako

"What? Ofcourse not. Beach iton, resort. Kakauwi ko lang galing Canada. Nandito ako para mag bakasyon" Dependa niya pa sa sarili niya, nakataas pa ang mga kamay niya

Napairap ako at ngumisi "Baka may resort kayo? Sa dinami dami ng resort niyo? Imposible namang dito sa resort niyo na siyang kalaban ng resort niyo ikaw pupunta" Sabi ko pa habang umiiling.

"Fine, fine! Si lolo kasi. Gusto niyang sundan kita at nandito rin ako para sunduin ka. Bukas na tayo aalis pagkatapos ng kasal nila dahil alam kong pupunta ka" Sabi niya tsaka nag-iwas ng tingin

We took pictures and eat in the restaurant of the hotel kung saan siya naka check in, magkaiba kami ng resort kaya tumambay muna ako kung nasaan siya. Sinamahan niya akong maligo, we also do snorkeling, at sa konting oras na iyon ay gumaan ang loob ko, nakalimutan ko kahit papaano ang sakit. Hanggang sa mag hapon na at may virtual meeting pa daw siya kaya sabi ko magkikita nalang kami mamayang dinner. 

"How are you?"

A ghost of a smile plastered on my lips hearing those questions, my hair flow on how the winds blows it. In front of a crystal sea, witnessing the descending sun that reflects on the perfect water.

Beats of Dusk (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon