Chapter 38

49 3 0
                                    

Nakaupo ako ngayon habang nakatingin sa invitation card na dumating saakin kaninang umaga. Napangiti ako ng mapait. Humugot ako ng lakas at tinignan iyon. Mascarade Engagement Party? I laughed sarcastically, thinking that maybe, maybe just he thought Kedianna as me.

Unti-unting nanggilid ang mga luha sa sulok ng mata ko. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko na nakayanan. Narinig ko ang marahang katok sa pimtuan ko, hindi ko iyon pinansin. Napahigpit ako sa pagkakahawak ng Invitation nila. Nanginginig ako ng buksan ko iyon habang tumutulo ang luha ko.

Tumayo ako at pinahiran ang luha ko na kahit anong gawing pag pahid ko ay tuluyan paring pumapatak galimg sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at bumuga. 

"You can do it, Amariah. You really can. You need to." Mapait na bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang picture sa frame na nasa desk. Napangiti ako.

"Bakit? Bakit tayo umabot sa ganito?" Tanong ko habang nakatingin parin sa picture frame.

Lahat nang pangyayari ay parang bago saakin, simula nong nagkita kami hanggang sa naging kami at umabot sa puntong hindi ko na masundan kung bakit naging ganito.

Ibinaling ko ang paningin ko sa Invitation na hawak ko. Marahan ko iyong binuksan, at naramdaman kong parang tinusok ng bultaheng karayom ang puso ko, sa pangalan na nakita ko.

You're invited to

Zenthon
      &
Kediana

Engagement Party!

Nanginginig ang mga kamay ko at tuhod ko. Humawak ako sa desk bilang suporta saakin dahil alam kong babagsak ako. Inabot at hinawakan ko ang picture frame. Habang hawak ang invitation card ay hinaplos ko ang mukha niya. Tuluyan ng sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko na nakayanan nabitawan ko ang picture frame at napaupo ako habang hawak parin ang Invitation Card nila. Napahigpit ang hawak ko dun. Itinaas ko ang aking tuhod at pinagtiklop ang aking mga kamay duon, tsaka ko inihiga ang ulo ko at dun na ako tuluyang napahagolhol.

Ako ang dapat na kasama niya, pangalan ko dapat ang nakalagay dun, Ako dapat ang ikakasal sa kaniya. How cruel the world is? Life is so unfair kasi no matter how I tried right everything will be messed up, everything will not be change, our love will not be fit, our situation will be choosing our own path without each other. As towArds this day and on, I will wake up with a heavy heart, accepting life given to me, that I am now alone without anyone to hold on.

Narinig ko ang sunod-sunod na katok at ang pag lagabog ng pag pwersang pag pasok ng kung sino. Nanatili ako sa posisyon ko. Habang humahagolhol ako.

Hindi ko kayang mag panggap na masaya ako para sa kanila. Hindi ko kayang sabihin na hindi ako nasasaktan sa  ginawa nila. Hindi ko kayang sabihin na okay la ang lahat at lalong hindi ko kayang pigilan ang sakit.

"Amariah"
"Kiela"
"Am"

Sunod-sunod na tawag nila sakin. Singhot at iyak lang ng nagawa ko. Hindi ko sila kayang harapin. Hindi ko sila kayang tignan. Ayokong makita nila ako, ayokong kaawan nila ako. Nasasaktan ako. Gusto kong mag-wala. Gusto kong matanggal ang sakit. Gusto kong makalimutan lahat ngunit paano nga ba? Paano nga ba matatanggal ang bigat at sakit agad-agad? Maari nga ba? Dahil alam ko sa sarili ko kahit ano mang gawin ko, kahit saan man ako pumunta, kahit takbuhaln ko man lahat, susundan at susundan pa din ako ng mga ala-alang gusto kong kalimutan because I may somehow used to everything but the pain and the memories will never be forgotten, alam ko naman eh, people didn't move on, we jus go through the process of getting used to that makes us brave enough to not getting hurt by it anymore, and that's how we started to feel the change within us and say we move on.

Naramdaman ko ang yapak papalapit saakin. Pinunasahan ko ang luha ko tsaka tiningala iyon. Napaiyak ako ng tuluyan, "Am " sambit niya tsaka ako niyakap. Sunod-sunod ang tulo ng luha ko galing saaking mga mata

Beats of Dusk (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon