Chapter 9

202 9 0
                                    


"Anong meron? Saan tayo pupunta?" Sunod-sunod na tnong ko kay James.

Tahimik siyang nakatingin sa daan at seryosong nag mamaneho.

"Party," Tipid niyang sabi.

Napatingin ako sa kaniya habang nakatingin sa suot ko. Okay naman siguro 'to no? Pero baka formal! Nakakahiya naman!

"Bakit hindi mo sinabi? Tignan mo nga ang suot ko?" Asar na sabi ko sa kaniya.

"Who cares?" Iyon ang sabi niya.

Inirapan ko siya at sa labas nalang tumingin. What the heck? Ang sabi niya kasi wear something comfortable. Isa pa gabe na kaya wala kaming mapagbibilhan kung formal ang event.

Mabuti nalang at hindi ako nag suot ng pajama.Narinig ko pa ang mahinang pag tawa ni James.

"Bakit mo ba kasi ko sinama
-sama?" Sabi ko mahihimigan ang frustration sa boses ko.

I saw him bit his lips to stop himself from laughing. I almost hit him out of frustration. Leche!

Natahimik nalang ako hanggang sa marating namin ang isang lugar na masiyadong pribado ngunit alam ko kong ano.

"What the heck? Why did you bring me here? Seriously? Sa Bar?! Akala ko ba party? " Asar na sabi ko sa kaniya.

"This is where we party. Stop blabbering. You look like a kid," Iyon ang sabi niya bago suya bumaba at pinag buksan ako ng pintuan.

Napahinto ako saglit tsaka bumalik saakin ang sinabi ni Zenthon. They treat me like a kid kahit na hindi na ako bata. I am already 19 at kaya ko na ang sarili ko kahit wala sila.

"Amariah. Baba na. Buhatin paba kita?" Naiinip na sabi niya saakin.

I rolled my eyes at him tsaka ako bumaba.Pumasok na kami, hinarang pa kami ng isang bouncer mabuti nalang at may invitation na ipinakita si James. James held my wrist para hindi ako lumayo sa kaniya dahil sa dagat na tao ang bumungad saakin.

"Wag kang lalayo sakin,"Iyon ang rinig kong sabi niya.

Isang malakas na dagundong na tugtug ang narinig ko. Usok ng sigarilyo at mga lasing na tao ang nadadaanan namin. May mga nakikipag kamayan at nakikipag kumustahan pa kay James. Mga lalaking hindi ko kilala at ayoko naman ding makilala.

Sa isang masikip na hallway kami dumaan ni James kung saan konti lang ang tao. May malaking pintuan ang nadun at masasabi kong exclusive iyon.

"Damn, Man! Ang daming tao sa labas masiyadong lasing na yung iba " pambungad ni James kay Iyan.

Narinig ko ang pag bungisngis ni V.

"Tanga! Alanga namang nag ma mass gathering diba? Natural nasa bar kaya ganun," pambabara ni Kevin.

James just raise his middle finger at Kevin. Nabaling ang atensyon nila saakin nang biglang lumapit si Zenthon na saakin nakapukol ang tingin. Nag-iwas ako ng tingin, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko at ang pait na lumukob dito.

Narinig kong nag-uusap sila sa isang bagay na hindi ko naman maintindihan kaya kinalabit ko si James na seryosong nakikinig. Nasa isang high stand table kami. Nakatayo at magkaharap, walang upuan, tamang tayuan lang ganun, may alak din sa harap nila.

"Ano?" Mahinang usal ni James.

Umirap ako sa kaniya at nginuso ko ang chocolate fountain na kanina ko pa napapansin. Tinignan ako ng masama ni James bago dahan-dahang tumango. Ako na ang bumitaw sa pagkakahawak niya sa wrist ko.

Naramdaman ko ang tingin ng ibang tao saakin. Siguro dahil sa suot ko. I am wearing a terno Tyler Coords, multiway top and back gartered high waist shorts, beige color. And a Korean sleeper. Bahala sila ang importante ay matuntun ko ang Chocolate fountain!

Beats of Dusk (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon