Chapter 15

145 9 0
                                    


We spent our summer spending our time together. Akalain mo 'yon. I am already on my fourth year at graduating na. It's been already 2 months after we began officially dating. Our two monthsary were celebrated together with our friends. Hindi kami makapag solong dalawa dahil nag tatampo na sila masyado. Minsan kung wala siya ay si Amesyl ang kasama ko. For the last two months ay mas tumatag ang relasyon naming dalawa. Mas lalo ko siyang nakilala. 

I am doing my work sa paaralan namin dito sa bahay lang. Xin is also visiting me lalo na kapag may mga importanteng kailangan akong permahan. Kuya Glenndon is still the one who is managing it temporarily dahil hindi pa ako grumagraduate at hindi ko pa ito gamay ngunit ako ang pumeperma dito ngayon dahil kailangan iyon kahit na si Kuya Glenn ang namamahala nito. Wala namang problema dahil wala naman din akong ginagawa. All of them knew that I am the heir of the Reedley International School dahil talagang kilala nila ang pamilya ko.

"Pinakilala kana ba niya sa pamilya niya?" Tanong ni Amesyl.

Nandito kami ngayon sa may pool area at tumatambay kaming dalawa lang dahil may ginagawa sila Zenthon na masyado daw importante. 

I sip on my watermelon shake before I shook my head. "Hindi pa. But, he had plans. Ilang beses niya na akong tinatanong kong ready naba daw akong harapin ang pamilya niya." I said plainly.

Nagsalubong ang kilay ni Amesyl. "Ready kana ba?" Balik na tanong niya saakin. 

Napakagat ako sa labi ko at nag kibit-balikat. "Sa totoo lang ay natatakot ako," Pag-amin ko.

Seryoso akong tinignan ni Amesyl sabay ng magkasunod na pag tango. "Naiintindihan ko," Tipid na aniya. 

Hindi rin nag tagal ay umalis si Amesyl dahil sinundo na siya ng pinsan niya. Napabuntong-hininga nalang ako tsaka kinalikot ang cellphone ko. Wala pa ring text galing kay Zenthon.

Speaking of. 

My phone vibrated and his name were shown as a caller. 

"Baby," He said huskily. 

Napanguso ako sa boses niya. 

"Hey. How are you? How was my baby's day? I'm sorry ngayon lang ako nakatawag. I have a rough day due to multiple meetings," Aniya pa.

Pagod siyang humugot ng hininga kaya napangiti ako.

"I had a good day somehow. Amesyl went here and we talked. We even topic about his friend who is keeping a secret to his girlfried of being a gangster!" I blurted out. 

Natahimik saglit ang kabilang linya. Napanguso ako dahil alam kong tulog na siya siguro sa pagod.

"Are you asleep? Still there?" Sunod-sunod na tanong ko. 

"U-Uhuh? W-What did you say about his friend?" Aniya pa nauutal.

Salubong ang kilay ko habang naririnig ang kaniyang sagot. 

"That he must tell the truth to his girlfriend dahil kung mahal siya nito ay paniguradong tatanggapin siya nito pero kung kagaya ko ang babae ay hindi ko alam. Hindi ko masasabing matatanggap ko," Nakangusong sabi ko pa. 

Hindi ko maisip na mangyayari iyon saakin dahil kung sakali mang si Zenthon iyon ay mukhang hindi ko kayang isipin. 

Rinig ko ang paghikab niya sa kabilang linya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. My boyfriend is already sleepy. 

"Do you want to sleep now?" Tanong ko pa nang hindi siya sumagot. 

Natawa ako saglit dahil ang sumunod na narinig ko ay ang kanyang munting hilik. 

Beats of Dusk (Gangster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon