Si Zafia Garcia ay isang labing-anim na taong gulang na tineydeyr. Katatapos niya lang ng high school at kolehiyo na siya sa susunod na taon kaya lang ay mahirap sila. Ang pamilya nila ang madalas na tinutukoy na isang kahig isang tuka kaya napagdesisyunan niyang na mamasukan muna, nagbabakasakaling maka-ipon siya at makapasok sa susunod na taon. Eto nga't kasalukuyan siyang naglilinis sa hardin ng mga Gomez, kung saan namamasukan siya bilang isang kasambahay. Ang nanay niya ay nagtatrabaho sa palengke at ang tatay naman ay construction worker. Halos nauubos ang kita ng mga magulang niya sa pang araw-araw na gastusin at ayaw niyang makisabay pa kaya naisip niyang magsikap para sa sarili, para na rin makatulong sa kaniyang mga magulang kapag nakapagtapos na siya.
Huminga siya ng malalim ng mailagay ang mga tuyong dahon sa basuran, iyon na ang huli sa mga nawalis niya. Pinunasan niya ang butil ng pawis na tumulo sa kaniyang noo at napatingala siya sa langit, mukhang uulan dahil makulimlim. Malakas din ang ihip ng hangin, mabuti na lang at tapos na siya. Napakurap-kurap siya ng makakita ng papel na hinahangin. Pabagsak iyon sa direksyon niya. Sa kabila ng malakas na hangin nakapagtatakang mabagal ang paglipad ng papel, para bang sinasadya na mapunta talaga iyon sa direksyon niya diretso sa nakalahad niyang palad.
"WIZARD ACADEMY" Naguguluhang basa niya sa malalaking letra na nakasulat sa papel.
Enrollment Form
Name:
Address:
Conact No.:
Parents Name
Father:
Mother:
_______________ ________________
Parent's Signature Student's Signature
Note: Please fill up this form for enrollment. You don't have to pay anything for the Enrollment and you don't have to pay any Tuition Fee. Wizard Academy is a tuition fee free school.
For more information contact 09*********. Look for Ms. Alora Fuentes.Fill up the enrollment paper first before you call.
Hindi niya maiwasang mamangha. Biyaya ba ito ng Diyos dahil naging mabuting anak ako? Libre na ang enrollment at wala pang tuition na kailangan bayaran. Maaaring dito na siya mag-enroll kahit mukhang weird matutuwa pa rin sila ang kaniyang mga magulang. Panigurado papayag sila. Tinago niya ang papel at inayos na ang mga ginamit niya. Excited na kong umuwi! Nang matapos ay kinuha niya ang kaniyang sahod na isang libo. Mayaman ang kaniyang pinagt-trabahuhan kaya naman kahit simple lang ginawa niya ay Malaki ang binigay ng mga ito.
"Ma! Pa! andito na po ako" Sigaw niya mula sa pinto ng bahay nila. Ganito siya bumungad sa kaniyang mga magulang.
"Anak andito kami!" Tugon ng kaniyang ina mula sa kusina.
Sumalubong sa kaniya ang kaniyang inang ngaluluto ng hapunan, ang kaniyang ama naman ay nanonood ng paborito nilang teleseryse sa telebisyon na bida si Aiden Francisco. Sa lahat ng artista ito ang pinakagusto niya, dahil sobrang gwapo niya at magaling pang umarte.
Maliit lang ang bahay nila kaya agad niyang nakita ang mga magulong. Agad naman siyang nagmano sa mga ito.
"Ma, Pa tingnan niyo po."
Iniabot niya sa mga magulang ang papel na napulot niya kanina, agad naman nila itong binasa.
"Ma pwede po akong mag-enroll dyan. Wala pong bayad. Makakapagtapos pa po ako."
"Oo nga anak. Pero saan ba ito?" Tanong ng kaniyang ama.
"Ngayon ko nga lang rin po narinig ang school na yan Pa. Pero malakas ang pakiramdam ko na maganda dyan."
"O sige anak. Papayag kami kung yan ang gusto mo." Ang kaniyang ina iyon. Alam niyang maiintindihan siya ng mga magulang dahil noon pa man sinasabi niya na sa mga ito na gusto niyang makatapos sa kolehiyo para maiahon ang mga ito sa hirap.
"Yehey! Thank you Ma! Pa!" Napatili siya sa tuwa at agad na niyakap ang mga magulang. "Baka pag nakatapos ako diyan tutulungan ko kayo ni Papa. Yayaman tayo, pangako. Baka mahanap ko din ang totoo kong mga magulang."
Ampon siya, iyon ang totoo. Hindi niya tunay na magulang ang mga magulang niya ngayon dahil nakita lamang siya ng mga ito sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay. Hindi magkaanak ang mag-asawang Garcia dahil baog ang kaniyang ama, kaya naman ng Makita siya ng mga ito hindi na sila nagdalawang isip na ampunin siya kahit hindi ganoon kayos ang estado nila sa buhay. Para sa mga ito biyaya siya ng Diyos. Kaya gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral para na rin mahanap ang tunay niyang mga magulang, gusto niyang makausap ang mga ito para itanong na rin kung bakit nagawa siyang iwan ng mga ito.
Nabanaag niya ang lungkot sa mata ng mga magulang dahil sa nabanggit . "Ma! Pa! Huwag po kayong malungkot. Kahit makita ko pa ang aking mga tunay na magulang. Dadalawin ko pa rin po kayo."
Kahit inabandona ako ng mga magulang ko alam kong may dahilan sila dahil hindi nila ko basta iniwan sa kalsada para mamalimos naghanap sila ng bahay na pag-iiwanan sakin.
Niyakap siya ng kaniyang ina, "O sige anak. Sabi mo e. Tawagan mo na."
"Ma, fill-upan daw po muna." Sabi niya na nauwi sa tawanan
Masaya niyang finill-upan ang papael pagkatapos ay tinawagan ang numerong nakasulat.
[Hello? Who's this?] Tanong ng isang babae sa kabilang linya.
"Hello Ma'am is this Ms. Alora Fuentes?"
[Yes, I am. How may I help you?]
"Mag-eenroll po ako sa Wizards Academy."
[Oh, I see. Did you fill-up the form?]
"Yes ma'am"
[Congratulations, you are now enrolled. Pack up your things. You'll be staying in our Academy until the end of the year. Someone will pick you up there tomorrow. Be ready.] Sa sobrang bilis ay halos hindi niya masundan ang sinabi nito.
"Ma'am--" Naputol ang sasabihin niya ng biglang namatay ang tawag. May itatanong pa sana siya pero pinatayan na siya ni Ms. Fuentes.
"Oh ano daw?" Usisa ng kaniyang ama ng mapansing waa na siyang kausap.
"Ayun mag-empake na daw po ako at dun na din daw po ako titira. Parang may dorm po siguro. May susundo daw sakin bukas."
Bakas ang kalungkutan sa mukha ng mga ito. Bukas na kasi agad, masyadong biglaan pero wala naman siyang magagawa. Malaking oportunidad na kasi ang nasa harap niya.
"Ma,Pa, huwag na lang po kaya ako tumuloy? Kasi po dun daw po ako titira hanggang matapos ang pasukan halos isang taon din po yun."
Umiling-iling ang kaniyang ina. "Nako anak. Ayos lang sa amin baka naman pwede ka naming tawagan o kaya bibisita kami sa school mo." Pilit ang ngiti nito sa labi.
"Oo nga anak, babalik ka din naman at tsaka dapat hindi tayo mawalan ng komunikasyon." Sang-ayon ng kaniyang ama.
"Sabi niyo po e." Nag-group hug sila na nauwi sa iyakan. Mamimiss ko sila ng sobra.
"O sige na. Mag-empake ka na. Ako na lang mag-luluto" Utos ng kaniyag ina.
"Sige po ma. Salamat"
Nilagay niya ang lahat ng gamit na maaari niyang dahil. Isang taon din kasi siya roon. Nakita niya ang locket niya na nakatago lamang sa kaniyang cabinet. Dragon ito na parang nakahugis puso, suot niya daw ito ng matagpuan siya ng kaniyang mga magulang. Napabuntong hininga siya. Makikita ko pa kaya ang mga tunay kong magulang?
Kumain lang sila ng hapunan at natulog na din pagkatapos. Pinagpahinga siya ng maaga ng mga magulang dahil maaga pa daw ang sundo niya bukas.
ariathatsme
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasySTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going