Walng Chapter 40 kung walang maglalike ng fb page ko. Bahala kayo. Nasa external link siya. Yun lang :D
* * * * *
Zafira's POV
HINDI! Piping sigaw ko.
Hindi! Hindi na ako pwedeng magpauto sa kanya.
Hindi na ako pwedeng magpatalo sa kanya.
Nakasalalay na dito hindi lang ang buhay ko kundi pati ang buong Elemental World.
Kailangan kong lumaban.
Para sa Kaharian. Para kay ama. Para kila Belle, Jennicah at Flint. Higit sa lahat para kay Aiden.
Aria's POV
Iminulat ni Zafira ang kanyang mga mata na ngayon ay kulay asul na. Gulat na gulat ang mga wizards na nandoon. Pati na rin si Marcus. Dali-daling naghilom ang sugat sa may palad niya.
"Hindi ko hahayaan na gawin niyo 'to Marcus. Hindi ko hahayaan na gawin niyo pa ang mga bagay na 'to Marcus. Hindi!" Sabi ni Zaf kasabayng pagpapatalsik niya sa mga wizards at mga soul eaters na lalapit dapat sa kanya.
Walang hanggan na ang kapangyarihan niya ngayon. Hindi na siya mapipigilan. Napapagalaw niya ang mga bagay-bagay gamit lamang ang isip niya. Wala ni sinuman ang makalapit sa kanya.
Nagmadali siyang umalis papunta sa Elemental World ng wala ng lumalaban sa kanya. Kailangan niyang iligtas ang pamilya niya.
Hindi naman niya makita si Marcus. Siguro ay tumakas na ito. Napakaduwag na nilalang naisip niya.
Nang makarating siya sa Elemental World nagkakagulo ang mga tao. May nakita siya na papalapit mula sa itaas. Si Sapphire
"Sakay na mahal na prinsesa."
Agad na sumakay si Zafira sa likod ni Sapphire at nakarating sila sa kanilang Kaharian ng walang kahirap-hirap dahil pinapatalsik niya lang ang mga Dragon na sumasalubong sa kanila.
Magulo, maraming dugo, maraming patay kapwa mga Nights at kalahi niya.
Dali-dali siyang pumunta sa palasyo. Nakita niya si Aiden, Flint, Belle, at Jennicah na nakikipaglaban kasama ang ibang Wizards sa harapan ng palasyo.
"Zaf!" Sigaw ni Jennicah ng makita siya.
Agad na lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Ayos ka lang ba Zaf?' Alalang-alalang tanong ni Belle.
"Oo ayos lang ako."
"Ang mga mata mo Zaf kulay asul?" Nagtatakang tanong ni Jennicah.
Hindi iyon pinansin ni Zaf sa halip ay nagtanong na lang siya.
"Asan si Ama? si lolo? At ang ibang mga Hari at Reyna?"
"Ang iba ay nakikipaglaban sa mga Nights sa loob ng palasyo pero ang ama at lolo mo. Sinundan nila si Marcus." sabi ni Flint
"Si Marcus?" Nagtatakang tanong ni Zaf
"Oo ni Marcus. Pumunta siya dito kanina at nakipaglaban. Pero agad ding umalis. He's into something." sabat ni Aiden na nakapagpagulat kay Zaf. Pero hindi ito ang tamang oras para intindihin niya iyon.
Nasa panganib ang lolo niya kasama ang ama niya. Kailangan ng mailigtas ang mga ito.
"Kung gayon hindi na dapat tayo nag-aaksaya pa ng panahon. Samahan niyo ko sundan natin sila ama."
"Sige, pero tapusin muna natin'to." sabi ni Jennicah
Zafira's POV
Agad kong napatalsik ang mga Bampira na papalapit sa akin. Halatang nagulat sila Belle sa nakikita nila pero hindi ko sila masisi miski ako nagugulat din sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Basta pakiramdam ko napakalakas ko. Na parang walang makakapigil sa akin.
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasíaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going