Napahawak siya sa pisngi na hinalikan ni Aiden.
"Ayan tumahimik ka din sumama ka na lang kasi."
Mukhang tagumpay nga ang pagpapatahimik na ginawa nito. She was caught off guard! Pero tinanong niya lang naman ito kung saan sila pupunta. Masama na bang magtanong?
Malayo ang pinuntahan nila, patunay doon ang pagsakay nila sa dragon makarating lang dito. Tinulungan siyang bumababa ni Aiden pero ang mata niya ay nakatutok sa tanawin. Pamilyar kasi ito. Pumasok sa isip niya ang lugar na pinuntahan nila ni Master Hautvat.
"Eto ang lugar na 'yon." Bulong niya.
"Huh?"
Hindi niya pinansin ang nagguluhang si Aiden dahil sa binanggit niya. Mula sa batis, sa mabulaklak na paligid, mga dragon, at pati ang burol. Ito nga ang lugar na iyon!
"Nasaan tayo Aiden?"
"Isang lugar na malayo sa palasyo pero parte pa rin ito ng kaharian niyo. Kakaunti lang ang nakaaalam ng lugar na ito."
Kung alam lang nito na may sikretong daan mula sa palasyo patungo dito.
"Dito ako pumupunta pag nalulungkot ako."
Napalingon siya kay Aiden na nakatanaw sa malayo. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya dinala ng binata rito at kung bakit bigl itong nagkukwento.
"Is it true?"
"Totoong ano?"
"Is it true that you are going back to the mortal world?"
"Paano mo nalaman?" Hindi niya maiwasang itanong. Tanging sila Jennicah, Elizabeth at ang kaniyang ama ang nasabihan niya ng kaniyang balak.
Bumakas ang kalungkutan sa mga mata nito. "It is real, then." Pagak itong tumawa. "She asked permission to the king a while ago, noong wala ka pa sa hapag."
Kanina? Ibig sabihin bago pa sila mag-ensayo. Hindi pa alam ni Jennicah na kaya niya na talagang kontrolin ang hangin.
"A-anong sabi niya?" Nag-aalangan tanong niya
"Sinabi niya na malapit mo na makontrol ang hangin, pagkatapos ipinagpaalam ka niya. At first, the king didn't want to allow you but in the end... he agreed."
"Pumayag ang hari?!" Malakas na sigaw niya. He agreed? Sobrang imposible kasi nun.
Napahawak si Aiden sa magkabilang tainga kapagkuwa'y nakangiwing tumingin ito sa kaniya.
Oops! Napalakas ata ang sabi niya. Magkalapit pa naman sila ng binata. Alanganing ngumiti siya dito.
Muling rumehistro sa utak niya na pinahintulutan siya ng kaniyang ama na pumunta sa mortal word. Tumalon-talon siya sa tuwa habang paulit ulit na sinasabi ang "Makaka-uwi na ko samin!"
Ngunit sa kabila ng kasiyahang nadarama niya dahil muli niyang makikita ang kinalakihang magulang may isang mukhang pinagsakluban ng langin at lupa.
Tumigil siya sa pagtalon at sinuri ang seryosong mukha ni Aiden.
"Bakit? Hindi ka ba masaya na uuwi ako samin?"
"No"
"Ano?! Ang sama mo naman! Anong gusto mo makulong ako panghabang buhay dito sa wizard world?" She crossed both of her arms in front showing how annoyed she was. Ayaw ba nitong makita niya ang magulang? Lahat sila gustong ikulong siya dito sa wizard world.
Hindi siya nakakilos ng dambahin siya nito ng yakap. "A-aiden?"
"I'm happy that you'll see your family again but..." Aiden buried his face on the hollow of her neck. "B-but I---I'll m-miss you."
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasiSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going