Natapos ang kasiyahan ng hindi niya nakikita si Aiden. Mabuti na rin iyon dahil hindi niya kinakaya ang mga salitang binibitawan ng kanilang mga ama.
"Zafira, tulog ka na. Mahaba pa ang araw mo bukas." Saglit siyang sinamahan ni Isabella sa kaniyang kwarto.
Bukas daw ay kailangan niyang simulan ang kaniyang training para sa mas mahihirap na spells kaya naman mas maganda kung makakapagpahinga na siya.
"Isabella, gusto ko sanang pumunta sa mundo ng mga tao. Gusto kong bisitahin sila mama at papa."
Dahil sa potion na binigay ni Master Haurvat ay bumalik ang lahat ng alaala niya simula pagkabata. Doon niya lang din naalala ang kaniyang mga magulang na dalawang taon na niyang hindi nakakausap.
"Sa susunod na lang natin pag-usapan para magawan ng paraan. Sa ngayon kailangan mo muna makondisyon ang sarili mo para sa training mo bukas."
Tumango lang siya pagkatapos ay nginitian ito. Nagpaalam na ito para bumalik sa sariling silid.
Gustong magsisi ni Zafira na pumayag siya na magpatraining kay Jennicah. Kailangan niya daw muna kasing mapag-aralan ang apat na elemento na bumubuo sa Light Clan. Bilang prinsesa ng mga Bright si Jennicah ang inatasan na magturo sa kaniya.
"Jennicah saglit lang!" Natatarantang aniya habang nagtatago sa likod ng malaking bato. "Bakit ang laki niyan?! Kaunting spells lang ang alam ko!" Bumubuo kasi ito ng bola gawa sa hangin at palaki iyon ng palaki.
"Ano ka ba Zafira, maliit lang 'tong airball! Gawa ka lang ng shield na gawa sa hangin!"
"Hindi mo naman tinuro e!" Hindi na siya dapat magtaka. Malaki ang galit sa kaniya ni Jennicah.
Naturuan na siya sa academy kung paano gumawa ng shield pero mahina daw iyon. Mas lumalakas daw kapag may kasamang elemento. Ang problema ay hindi siya marunong.
"Isipin mo kasing magagawa mo! bahala ka! Eto na!"
Itnira nito ang air ball papunta sa direksyon niya, napatili siya ng masira ang batong pinagtataguan niya. Ganun na lamang ang gulat niya ng makitang may isa na naman na papunta sa direksyon niya at wala na siyang pwedeng pagtaguan pa kaya naipikit na lang niya ang mga mata habang hinihintay ang impact ng pagtama sa kaniya.
Ilang segundo ang lumipas pero walang nangyari. Iminulat niya ang isang mata. Anyare?
Tumatalon sa tuwa na lumapit siya kay Aiden. "Thank you, Aiden!" Dahil sa tuwa ay nayakap niya ito. Naramdaman niya ang paninigas ng binata.
"S-s-sorry." Naiilang na aniya. "T-thank you nga pala." Hindi niya pa ito nakakausap simula kagabi kaya medyo awkward pa para sa kaniya.
Humarap siya kay Jennicah para maitago ang namumulang mukha. "Hoy! May balak ka bang patayin ako?"
"Wala!"
"Eh bakit mo tinira iyon?"
"Alam ko kasing may magliligtas sa'yo!" Naiinis na turan ni Jennicah. "Diyan ka na nga!"
Hindi na siya nakaalma ng biglang mawala si Jennicah. Saan na pumunta 'yon? Tapos na ba ang training nila?
"Mahal na Prinsesa?"
"Ay gwapong kalabaw!"
Hawak niya ang kaliwang dibdib dahil sa gulat. May kasama pa pala siya.
"Alam kong gwapo ako mahal na prinsesa pero hindi ako kalabaw."
Pinigilan niya ang sariling mapangiwi. Ayos na sana, ang yabang lang.
"Bakit?"
"Tara? May pupuntahan tayo." Aya ni Aiden. Saan sila pupunta?
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasíaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going