"Argh!! " hindi pa rin ako makawala. Tatlumpong segundo na lang ang natitira ano ng gagawin ko? Mangiyak-ngiyak na ko
Concentrate Zaf. Isipin mo lang na makakawala ka diyan. Isipin mo ang mga kaibigan mo ang mga mahal mo. Makakawala ka diyan kapag yun ang iniisip mo.
Ayun na naman ang boses hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga malaman kung kanino nanggagaling ang boses na iyon.
Pero wala na akong choice. Ginawa ko ang sinasabi niya. Nagconcentrate ako pero walang nangyayari. Hanggang sa sumapit na ang oras. Unti-unti na silang nalalaglag sa tubig.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin sa mga oras na iyon pero ang nasa isip ko lang ay mailigtas sila ang dalawang lalaking na parehong mahalaga sa buhay ko.
Naramdaman ko na lang ang pagtaas ng enerhiya ko. Napansin kong nakangisi sa akin si Seiryuu. Pero hindi ko na iyong pinansin. Lumaki ng lumaki ang tubig na nakapalibot sa akin na animo'y sasabog. Sino ang may gawa nito? Ako ba? Pero.. pero parang ang lakas ng kapangyarihan na tinataglay ko ngayon. Dahil ba ito sa kagustuhan ko na mailigtas sila Aiden at Flint?
Unti-unting lumalaki ang pabilog na tubig na nakabalot sa akin. Hanggang sa naabot nito ang rurok at sumabog. Sa pagsabog na iyon ay nabalot ng liwanag ang buong paligid at unti-unti ako nitong kinakain.
~*~
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Nilibot ko ang buong silid at hindi nga ako nagkakamali nasa loob ako ngayon ng aking silid. Madilim na sa labas siguro ay gabi na. Ang haba pala ng naitulog ko. Saglit kong napagtanto ang mga nangyari. Napagtagumpayan ko kaya ang pagsubok? Tinignan ko ang aking katawan na baka may palatandaan o marka na napagatagumpayan ko ang pagsubok pero wala akong makita. Siguro nga ay nabigo ako. Napabuntong hininga na lamang ako.
Si Aiden! Si Flint! Kamusta na kaya sila?
Dali-dali akong tumayo sa aking hinihigaan kahit na medyo nahihilo pa ako. Kailangan kong mapuntahan si Aiden at si Flint. Pero bago pa man ako makalabas sa pinto ay nakita ko na si Flint na kaka-bukas lang ng pinto. Agad ko siyang niyakap at halata kong nagulat siya pero niyakap niya rin ako pabalik.
"May problema ba Zaf?" Nagtatakang tanong niya
"Wala akala ko kasi.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Ayokong isipin iyon.
"Kasi?"
"Wala..Wala..Flint una na ako ha? Pupuntahan ko muna si Aiden."
Hindi ko alam pero ng napadako ang tingin ko sa mga mata niya parang nakakita ako ng sakit.
"S-sige." Nauutal na sabi niya.
Niyakap ko na lang ulit siya. Pero saktong pagkayakap ko sa kanya saktong pagbukas ng pinto. Nakatalikod si Flint sa pinto at ako lang ang nakakakita kay Aiden ngayon. Nakakita ako ng galit sa mga mata niya parang anumang oras ay makakapatay siya.
*BOOGSH*
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang si Flint na nakahandusay sa sahig kaya agad ko siyang nilapitan.
"Ano bang problema mo Aiden?!"
"Anong problema ko?! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Pagkatapos kong pumunta dito parang matignan kung ayos ka na pero ano 'tong nadatnan ko. Magkayakap kayo?!"
Halata sa kanyang boses na galit na galit na siya. Nararamdaman ko ang pamamasa ng gilid ng mata ko pero pinipigilan ko lang ito.
"Aiden! Let me explain!" sigaw ko sa kanya. Naiinis na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasíaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going