Matamlay na kumakain si Zafira ng umagang iyon at mukhang napansin iyon ni Isabela dahil sa pagtatanong nito.
"Zafira, anong nangyari sa mata mo?"
Alam niyang nangangalumata siya. Kitang kita niya ang pangingitim ng ilalim ng mata niya noong mapaharap siya sa salamin kanina.
Paano'y hindi naman siya nakatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Aiden. Masyado siyang nabigla. Isa pa'y biglang nawala ang binata kaya hindi nabigyang linaw ang mga katanungan niya.
"Ahm... Medyo na-excite lang kaya di ako masyadong nakatulog." Pagpapalusot niya. Hindi niya pwedeng sabihin na si Aiden ang dahilan. Katabi pa man din niya ang binata. Nakakahiya talaga!
Hindi na siya kumibo pagkatapos nun. Excited her face. Si Aiden talaga ang dapat sisihin dito!
Pagkatapos ng tahimik na agahan nakita na lang ni Zafira ang sarili sa harap ng isang portal papunta sa mortal world habang nagpapaalam sa mga malalapit sa kaniya.
"Paalam anak. Mag-iingat ka sa mortal world. Palagi namang nasa tabi mo ang dragon mo at may mga kawal na nakapaligid sa'yo."
"Sige po. Paalam po aking ama."
"Good bye Zafira!" Si Isabela iyon na yinakap siya ng mahigpit.
"Ingat ka Zafira ah." Sabi naman ni Flint na dapat yayakapin din sa kaniya pero inunahan niya na ito sa pamamagitan ng pagyakap kay Jennicah.
Hindi niya alam kung bakit pero tumatak sa isip niya ang sinabi ni Aiden kagabi.
"Paalam Jennicah, mamimiss kita."
"Oo na." Tinulak siya ni Jennicah na parang nandidiri dahil sa biglaang pagyakap niya. "May payakap-yakap ka pa eh." Dugtong pa nito sa naiinis na boses. Hinayaan na lang niya si Jennicah. Hindi maganda ang naging simula nila kaya naiintindihan niya ang inaakto nito.
Tapos na ang kaniyang ama, si Isabela, Flint at Jennicah kung gayon...
"Mga hijo't hija hayaan muna natin silang mag-usap." Patungkol ng kaniyang ama sa kanila ni Aiden. Naunang umalis ang kaniyang ama na sinundan naman ng mga kaibigan niya. Gusto pa sanang magpaiwan ni Flint pero hinila na ito ni Jennicah palayo.
"Ah Aiden.., Ahm about dun sa--"
Aiden stopped her with his mouth. Her eyes widened in shock. He kissed her! On the lips! Ilang segundo ata silang ganoon bago kumalas ang binata.
"Totoo 'yon." Anito.
Di naman siya tanga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Totoong mahal kita. Hindi kita mamadaliin pero just give me a chance to show it to you."
Tumikhim siya. She felt awkward with his sudden action. Pero napag-isipan na rin niya kagabi kung sakaling tatanungin man siya ng ganito ni Aiden. Nakahanda na ang sagot niya.
"It's alright. Wala namang masama kung susubukan natin."
Hindi naman siguro 'to masama diba? Matagal na naman niyang gusto ang binata noong artista pa ito at magaan ang loob niya dito habang kasama niya ito.
"Really?! Thank you! You don't know how happy I am right now, Zafira."
Yinakap siya nito ng mahigpit na agad ding kumalas dahil hindi siya makahinga.
"Sorry. I didn't mean it."
"It's ok. Ahm, Aiden alis na ko. See you next time." Paalam niya
"Basta mag-iingat ka." Hinaplos nito ang pisngi niya.
Si Sapphire naman ay kinausap siya sandali.
"Mahal na prinsesa ako ay papasok sa loob ng iyong kwintas, hindi ako maaaring makita ng mga mortal. Lagi akong nandiyan upang gabayan ka."
"Sige lang Sapphire."
Biglang naging kulay asul ang dragon sa kaniyang kwintas tanda na nandoon sa loob si Sapphire.
Tinungo niya ang portal. Pagkalabas sa kabilang dako ay naroon na siya agad sa bahay nila. Ang mga kawal naman ay agad na kumalat sa paligid para magmatiyag.
"Ma? Pa?" Tawag niya sa harap ng kanilang bahay. Mayroon kasi silang maliit na bakuran at nakasara ang gate.
"Sino iyan?" Boses iyon ng babae mula sa loob.
"Ma? Ma!" Sigaw niya ng marinig ang pamilyar na boses ng ina.
"Anak?" Mula sa pinto ng kanilang bahay ay sumilip ang may katandaan niya ng ina ngunit parang may bago dito na hindi niya mapagtanto. "Anak ikaw nga!" Dali dali itong lumapit sa kaniya at binuksan ang gate na nasa pagitan nila.
Agad silang nagyakap, ramdam ang pangungulila sa bawat isa. Ngunit sa pagyakap na iyon ay naramdaman niya ang pagiging malamig ng katawan ng ina. Mainit naman ang panahon. Binaliwala niya na lamang iyon.
"Halika Zafira at pumasok ka ss loob. Kay tagal nating di nagkita marami pa tayong pagkukwentuhan."
"Sige po."
Pumasok sila sa loob ng bahay at wala pa rin itong pinagbago. Luma pa rin ang mga gamit at malapit ng masira. Kahit nakita niya na ang tunay na magulang ay hindi pa rin niya matulungan ang kinalakihang magulang. Naghahanda pa kasi siya ng tiyempo para masabi sa kaniyang ama.
"Saglit lang ha? Kukuha kita ng maiinom."
Saglit na umalis ang ina at pagbalik nito ay may dala ng maiinom.
"Ma? Asan po si papa?" Tanong niya ng hindi makita ang ama.
"Andun sa kwarto nagpapahinga. Inumin mo muna yan baka kasi nauuhaw ka na."
"Wag Zafira. Wag mong iinumin yan. Ikapapahamak mo iyan."
ariathatsme
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasySTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going