Narating nila ni Master Haurvat ang Night Woods kung saan malapit sa lagusan ng Under World. Maraming mga masasamang creatures dito na handang pumatay anumang oras. Kanina pa nga sila nakaksagupa ng ganoon, mabuti na lang at mabilis nilang napupuksa.
Ang sabi ni Master haurvat nasa ilalim daw ng isang lawa si Zafira at nakatago, nasa gitna daw 'yon ng gubat. Malapit ng lumubog ang araw kaya kailangan na nilang magmadali. Mas nagiging aktibo kasi ang mga masasamang nilalang tuwing sasapit ang dilim.
"Master Haurvat nasan na po tayo?" Aniya dahil kanina pa sila nasa loob ng gubat, ni hindi nga niya naalala ang dinaanan nila dahil puro puno lang naman ang nakikita niya.
"Andito na tayo." Pahayag nito. Huh? Nagulat siya ng may lumitaw na lawa sa kanilang harapan, kanina lang ay wala iyon.
Akmang sisisid na siya ng pigilan siya ng matanda.
"Huwag kang magpadalos-dalos, maraming vodnici diyan." Babala ni Master Haurvat. Ang Vodnici ay mga water creatures na kumukuha ng kaluluwa ng mga wizards.
"Paano po natin makukuha ang prinsesa kung marami pong Vodnici diyan."
"Ikaw ang kukuha sa Prinsesa dahil isa kang Ambroise. Ako ang dedepensa sa inyo para di nila kayo masaktan."
Hindi lingid sa kaalaman ni Master Haurvat na nakakahinga sila sa ilalim ng tubig bilang kabilang siya sa pamilya na kumokontrol sa element ng tubig.
"Sige po, pero mag-ingat pa rin kayo at wag magpapahawak sa kanila."
Kapag kasi nahawakan ka ng isang vodnici mabilis na niyang makukuha ang kaluluwa mo.
"Huwag kang mag-aalala mahal na prinsesa, kaya ko sila."
Nginitian niya lang ito bago siya lumusong sa tubig na agad nitong sinundan. Gumamit ito ng isang spell para makahinga sa ilalim ng tubig. Nang lumalim na sila biglang naglitawana ng mga vodnici.
"Berdo Mordo Nata!" Magkapanabay nilang sabi ni Master Haurvat. Sa pamamagitan ng spell na ito nakakapaglabas sila ng energy beam mula sa kaniya-kaniyang wand.
Pinagpatuloy lang nila ang paglalangoy at patuloy na pinupuksa ang mga vodnici na sumasalubong sa kanila.
Nakarating sila sa pinakadulo ng lawa at namataan niya si Zafira na nakakulong sa isang bagay na mukha ding tubig ngunit may ibang hugis.
"Sige na iligtas mo na ang prinses ako ng bahala sa mga vodnici na 'to." Ani Master Haurvat. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad itong sinunod.
Tinira niya ng energy beam ang nagsisilbing kulungan ni Zafira pero hindi yon mabasag. Wala siyang nagawa kundi humingi ng tulong mula sa matanda.
"Master Haurvat! Ayaw mabasag."
"Sige lang, subukan mo lang!" Abala pa rin ito sa pakikipaglaban sa mga vodnici.
Napaisip tuloy siya kung ano ang dapat niyang gawin. Unang pumasok sa isip niya ang pagtawag sa water god na si Seiryuu. Pero paano? Hindi niya pa iyon nasusubukan. Ang sabi ng kaniyang amang hari kailangan niya lang daw bigkasin ang salitang kaijin at lalabas na ito. Hindi niya alam kug papaano pero walang masama kung susubukan niya.
Nagdasal siya bago ito tawagin. Dahan dahan at pauli-ulit niyang binigkas ang salitang "Kaijin"
Ilang saglit pa biglang lumiwanag at lumabas ang isang hugis igat na may kaliskis at mukha ng dragon.
"Ano ang maipaglilingkod ko mahal na Prinsesa?"
"Totoo ka ba?" Hindi makapaniwalang aniya. Akala niya kasi ay hindi lalabas si Sieryuu pero mukhang alam talaga nito na kailangan niya ng tulong nito.
"Totoo ako, prinsesa. Anong maipaglilingkod ko?" Tanong nito ulit.
"Sirain mo ang nakapalibot sa kanya."
May puting liwanag na bumalot sa kinaroroonan ni Zafira. Maya maya lang ay nakarinig siya ng pagkabasag. Kasabay ng pagkawala ng liwanag, nasilayan niyang hindi na nakakulong si Zafira ngunit wala itong malay kaya naman agad niyang dinaluhan ito.
Hinanap ng tingin niya si Seiryuu para sana magpasalamat kaso ay wala na ito
"Master Haurvat?!" Nagugulat na aniya ng makitang hinang- hina ang matanda.
Mukhang ito ang lungga ng mga vodnici dahil hindi sila nauubos at napakarami nila. Mautak si Megan.
"K-kaya ko pa. S-sige n-na. P-poprotektahan ko kayo." Nanghihinang anito.
"Master Haurvat. Hindi mo na kaya." Pagsalungat niya dito. "Fortress Nebulae!" Gumawa siya ng force field para protektahan sila at inalalayan niya si Master Haurvat.
Panandalian lang iyon kaya kailangan nilang magmadali.
Umahon sila sa tubig at sumalubong sa kanila ang madaming kalaban, iba't ibang creatures mula sa angkan ng mga Night. Pinipilit ng mga ito na sirain ang force field na ginawa niya.
"Halika na prinsesa, kailangan na nating makalabas sa night woods. Hindi ko magamit ang teleportation spell ko dito."
Ganon nga ang ginawa nila, patuloy lang ang patalsik niya ng energy beams at ganoon din si Master Haurvat kahit nanghihina na. Muntik pa ngang masira ang force field nila kanina buti na lang at nagawan ng paraan.
Nang makalabas ay agad na gumamit ng teleportation spell si Master Haurvat.
Hinang hina ang matanda pagdating nila kaya hinayaan niya na itong magpahinga muna. Siya ang umasikaso kay Zafira para gamutin ang mga sugat nito.
Alas nueve ng gisingin niya si Zafira dahil kailangan nilang makabalik sa palasyo bago maghating gabi. Gising na din si Master Haurvat.
"Zafira? Gising na kailangan na nating umalis."
"Hmm?? San tayo pupunta ma?" Nakapikit nitong tanong. Aba't pinagkamalan pa siyang nanay nito.
"Hoy! Hindi ako ang mama mo pupunta tayo sa alasyo."
Umungot lang ang dalaga. "Anong palasyo? Ma, naman inaantok pa ako" Nakapikit pa rin na sagot nito.
"Hoy! Zafira umayos ka nga!" Naiinis na turan niya.
Iminulat nito ang mata na agad nanlaki. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanila ni Master Haurvat.
"S-sino kayo?"
ariathatsme
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasíaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going