Mag hahating gabi at tahimik na nagbabasa si Flint ng isa sa kaniyang mga libro ng biglang tumunod ang alarm mula sa Girls' Dormitory. Agad siyang naalerto at tumakbo papunta roon. Nagtataka siya dahil tumutunog lamang ang alarm kapag may nakapasok na taga-Night pero bakit sila pupunta roon? Anong kailangan nila?
Nang makarating siya ay wala namang kakaibang naroon, bukod sa nakabukas na bintana sa taas. Kung hindi siya nagkakamali ay kwarto iyon ni Zafira. Nagmadali siyang umakyat, nakapagtatakang hindi naka-lock ang pinto kaya agad siyang nakapasok. Sumalubong sa kaniya ang walang malay na si Zafira, nakahiga ito sa sahig. Wala doon si Lucia. Hindi na siya nag-isip pa at agad itong kinarga palabas. Madaming estudyante ang nakiusisa pero pinatabi niya lamang ang mga ito, tinatanong kung anong nangyari pero wala siyang sinagot kahit isa.
Nakasalubong niya pa si Master Cervanius. "Anong nangyari sa kanya?"
"Mamaya na lang po ako magpapaliwanag kailangan po muna natin siyang dalhin sa clinic."
Sumang-ayon naman si Master Cervanius, naiwang ang ibang master doon para asikasuhin ang gulo.
Nang makarating ay agad na dinaluhan ito ng nurse na naroon. Muli siyang tinanong ni Master Cervanius sa nangyari, sinabi niya lang dito kung ano ang nalalaman dahil si Zafira pa rin ang nakaaalam ng sagot.
Nang matapos ang nurse ay hindi niya mapigilang magtanong. "Ano pong nangyari?"
"Napasailalim siya ng dark sorcery pero ang ipinagtataka ko hindi ito masyadong malala dahil usually ang mga napapasailalim ng dark sorcery ay namamatay na bago pa sila magamot."
Totoo ang sinabi nito, lahat ng napasailalim ng dark sorcery ay agarang namamatay.
"Pero maayos naman po ba ang lagay niya?" Aniya. Tumango ang nurse. "Oo, pero baka ilang araw pa siya bago magising, kailangan ko pa siyang obserbahan."
Nagpasalamat siya rito. Gusto niya sanang magpaiwan pero inaya na siya ni Master Cervanius. Bukas na lang daw siya dumalaw doon. Pinabalik na ang mga estudyante sa kaniya-kaniyang dorm. Ang mga professors ay nagpulong, kailangan nga nila iyon dahil may nakapasok na Night sa paaralan at hindi maganda iyon para sa mga estudyante.
MALAKAS na pag-iyak ang sumalubong kay Zafira. Hindi niya alam kung saan iyon nagmumula pero iyon lang ang naririnig niya at masakit na sa tainga. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Agad niyang naaninag si Isabella, luhaan ang mata at basa ang pisngi. Ito ang naririnig niyang umiiyak kanina pa.
"OMG! Zafira!" Tumahan ito sa pag-iyak at hindi malaman kung ano ang unang gagawin. "Gising ka na! Tatawagin ko lang ang nurse."
Nanlalambot pa siya pero pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.
"Tubig." Mahinang bulong niya. "Tubig? Gusto mo ng tubig?" Tumango lang siya.
"Sige, wait lang tatawagin ko na rin ang nurse."
Tinulungan siya nitong umupo, pinainom sya ng tubig at maya maya lang dumating na ang nurse. Maayos na daw ang lagay niya at kung kaya niya na daw tumayo mamaya ay maari na siyang umalis.
"Isabella, ano bang nangyari?" Tanong niya, dahil wala siyang maalala sa nangyari noong mawalan siya ng malay.
"Napasailalim ka ng isang dark magic at anim na araw ka nang nakaratay diyan."
"Hala! Kaarawan ko na agad bukas!" Naibulalas niya, ang tagal niya palang nakatulog? Hindi niya alam!
"Isabella?" Tawag niya da pansin nito ng makitang tulala lang ito.
"B-birthday mo na bukas?" Tumango lang siya at pnagpatuloy ang pagkain ng saging. Kailangan niya daw kasi kumain ng mga prutas para makabawi ng lakas.
"Ka-birthday mo ang Prinsesa."
Siya naman ang natigilan. Ibig sabihin 'yung next week na sinabi ni Lucia ay bukas na rin.
"I-ibig sabihin ka-birthday ko ang Prinsesa niyo?" Hindi siya makapaniwala.
"Ulit-ulit? Oo nga pala, hinihintay ka nila magising para masuri na nila ang kwarto mo. Kailangan pa rin daw kasi ng consent mo."
"Ah, ganun ba? Sige tara punta na tayo kay Master Cervanius." Pakiramdam niya naman ay kaya niya na ang sarili niya kahit papaano.
"Sasamahan kita pero maligo ka muna!" Bulalas ni Isabella. "Ang baho mo na!"
Inamoy niya ang sarili. Oo nga. Anim na araw din siyang walang ligo. Inabutan siya nito ng damit.
"Salamat." Mabuti na lang at nagkaroon siya ng kaibigang katulad ni Isabella kahit na kakikilala pa lang nila sa isa't isa. May banyo sa loob ng infirmary kaya doon na siya naligo, pagkatapos ay dumiretso na sila sa office ni Master Cervanius.
Kagaya ng dati ay alam na nito agad na naroon siya, naiwan sila Isabella, Lucia at Olivia sa labas.
Pagpasok niya ay naroon din si Master Levi, mukhang may importanteng pinag-uusapan ang dalawa at nakaistorbo siya. "Master, Ahm.. pasensiya na po sa abala pe----" Napahinto siya ng agad siyang niyakap ni Master Levi.
Nakatayo lang siya doon hanggang sa bumitaw ito. "Pasensiya ka na, nag-alala lang kami sa'yo dahil sa nangyari."
Napapakamot na lang siya sa ulo. "A-ah g-ganun po ba." Bumaling siya kay Master Cervanius. "Master Cervanius pwede niyo na pong tingnan ung mga gamit ko."
"Sige,hija. Sigurado ka bang ayos ka na?"
"Opo, una na po ako sa inyo. Salamat po!" Nagbow siya sa dalawang Master bago lumabas.
Ang weird ni Master Levi.
Nag-aya si Isabella na kumain pagkalabas niya. Oo nga pala halos anim na araw din siyang walang malay at prutas lang ang kinain niya kanina. Masaya lang silang nagtatawanan at nagkukwentuhan papunta sa cafeteria. Pinagtitinginan nga sila ng mga estudyante pero hindi naman nila pinansing dalawa. Hanggang sa pagkain ay patuloy lang ang kwentuhan nilang dalawa.
"Bago ko pala makalimutan, sasama ka ba mamaya sa celebration?"
"Hmm?"
"Diyan sa may garden ng school icecelebrate ung birthday ng prinsesa."
Iyon pala ang ibig sabihin nito.
"Ah sige, anong oras ba?"
"Bago maghatinggabi dapat andun na."
"Sige sama ako!"
Maayos naman na ang pakiramdam niya. Isa pa'y kaarawan niya na rin bukas kaya mabuting makisabay na rin siya doon.
"Kinabukasan naman magt-tour tayo sa Elemental World."
"Elemental World?"
Iyon ata 'yong narinig niya kay Lucia noong araw na nawalan siya ng malay.
She rolled her eyes. "Mga mundo ng wizards."
"Ibig sabihin hindi pa 'to ung Elemental World?"
"Oo nasa school ka palang. Bukas, makikita mo kung gaano kalaki ang Elemental World. Kaya ko din sinabi sa'yo dahil hindi ka pwedeng magsolo doon. Kailangan may kasama ka, bilang kaibigan mo syempre nagmamagandang loob na ko." Napangiti siya at kinurot-kurot ito sa tagiliran. "Ikaw talaga, ang bait bait mo sakin."
Panay lang ang asar niya ay Isabella na nahihiya dahil sa ginagawa niya. Nasa ganoong tagpo sila ng may lumapit na lalaki sa kaniya. Ito rin 'yong lalaki noong nakaraan na inutusan ni master Cervanius.
"Ms. Zafira Garcia, Pinapatawag ka po ni Master Cervianus sa Office niya" Pero kagagaling niya lang doon kanina. "Sige"
Pagpasok niya sa office ni Master Cervanius ay sumalubong sa kaniya ang iilang guro. Andoon sa loob si Master Levi, isang babae at isang lalaki na hindi pamilyar sa kaniya.
Sinlabuong siya ng seryosong mukha ni Master Cervanius, hindi siya sanay na ganito ito sa kaniya. "Ms. Garcia, bakit mayroon ka nito?"
ariathatsme
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasíaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going