Maaga silang nagising ng sumunod na araw. Ang una niyang klase ay alas siete ng umaga, sa Spells. Bitbit ang wand at mga libro na iginaya siya ni Lucia papunta sa kaniyang classroom.
Marami-rami na ang tao ng dumating siya. Sa totoo lang ay nakasunod ang mga tingin nito sa kaniya. Nahihiyang naghanap na lang siya ng bakanteng upuan. Nandoon si Flint pero hindi siya tumabi dito, naiinis pa rin kasi siya sa lalaki. Maya maya ay dumating na ang kanilang professor na ayon kay Lucia ay tinatawag na master ng mga estudyante.
Tinawag siya nito sa unahan para magpakilala. Agad naman siyang tumayo at lumapit dito. "Hi! I'm Zafira Garcia, sixteen years old." Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang sasabihin.
"Wow! Pare maganda."
"Diba siya daw ung babae kahapon."
"Oo nga"
"So ugly!"
"Yeah right"
Kung ano-anong bulungan na naman ang narinig niya. Nahihiyang yumuko siya. Dapat ay masanay na talaga siya sa tsimis.
"Thank you Ms. Garcia, by the way I'm Mater Leviticus you can call me Master Levi." Pagpapakilala nito sa sarili. Pinaupo na siya nito pagkatapos. "Also we would like to welcome back, Princess Jennicah Bright." Tumayo naman si Jennicah na katabi ngayon ni Flint, kumaway kaway pa ito na parang beauty queen.
Prinsesa siya? Akala niya ba ay nawawala ang prinsesa ng mga wizards?
Habang nag-iingay ang mga kaklase niya dahil sa pagcheer kay Jennicah ay tinanong niya si Lucia. "Bakit prinsesa ang tawag sa kaniya? Sabi niyo nawawala ang prinsesa niyo?
"Oo nga nawawala ung prinsesa namin, ang prinsesang pinakamalakas sa lahat. Si Jennicah prinsesa lang siya ng isa sa mga kaharian na pinapamunuan ng nawawala naming prinsesa." Nakakunot lang anoo niya, wala siyang maintindihan sa kahit anong sinasabi nito. "Mahirap i-explain, mabuti pa itanong mo kay Flint." Napasimangot siya bigla.
Natapos ang hiyawan dahil sa pagpapatahimik ng kanilang guro. Nang tumahimik na ang lahat ay nagsimula na itong magturo.
Tinuruan muna sila kung paano ang tamang pawagayway ng wand. Ang sasabihin na spell ay 'Metacorpius'. Naging madali para sa kanila ang pag gamit ng spell napaangat nila ang mga libro. Ngunit ang sumunod ay mahirap na. Kailangan daw nilang paangatin si Master Levi. May dagdag na grado daw ang makagagawa noon. Di hamak na mas mabigat ang tao kaysa libro kaya tiyak na mahihirapan sila. Sinubukan ng bawat estudyante na paangatin si Master Levi, nagbibigay din ng tips ang huli kung paano ito magagawa ng ayos pero bigo sila.
Siya na ang sunod pero pinigilan siya ni Master Levi. Sinabi nito na hindi pa siya handa dahil kasisimula niya lang sa pag-aral, isa pa'y mortal siya.
"Hindi naman po siguro masama kung susubukan ko." Pangangatwiran niya. Sinalubong niya ang tingin nito. Alam niyang nakikita nito ang determinasyon sa kaniyang mga mata.
Napipilitang tumango ito. "Oh siya, subukan mo na."
Tuwang tuwa siya sa narinig! Gusto niya pa nga atang magtatatalon kung hindi lang siya magmumukhang ewan.
Pumwesto na siya. Hinawakan niya muna ung kwintas na naiwan sa kaniya ng tunay niyang magulang, lagi niya itong suot. Pakiramdam niya kasi ay pinoprotektahan siya nito sa kapahamakan. 'Ma.Pa. Tulungan niyo po ako. Iguide niyo po ako.'
Huminga siya ng malalim bago ikinumpas ang kaniyang wand. "Metacorpius!" Literal na napaawang ang labi ng bawat isa sa silid, kahit siya. Hindi makapaniwala sa nagawa. Napalutang niya si Master Levi! Hindi ganoong katas pero nagawa niya!
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasiaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going