Dahan-dahang iminulat ni Zafira ang bilugang mata. Sumalubong sa kaniya ang nakasisilaw na liwanag mula sa bintang nakagilid ang mga kurtina.
"Mahal na prinsesa." Napalingon siya sa taga-silbi na nasa gilid ng kama niya. Hindi niya man lang ito napansin. "Pinapunta po ako ng hari dito para gisingin kayo at sabihin na rin na hinihintay nila kayo sa baba para kumain."
Nginitian niya lang ito.
Pilit niyang inaalala ang nangyai kagabi. Binasbasan siya ng mga Dyosa ng apat na element pagkatapos ay nawalan na siya ng malay. She gasped.
Hindi kaya...
"Ah, Miriam tama ba?" Tanong niya sa naalalang pangalan ng taga-silbi. Tumango ito. "Maaari ka nang lumabas. Susunod ako, pakisabi sa aking ama."
"Masusunod po mahal na prinsesa." Yumuko ito bago lumabas.
Nang masigurong wala na ito nagconcentrate siya at nagpakawala ng hangin sa kaniyang kamay at nagawa niya nga.
Sinunod niya naman ang apoy, may lumabas din sa kaniyang kamay. Nakamamangha!
Sunod naman ay ang tubig, bumuo siya ng maliliit na bilog na parang sumasayaw sa hangin.
Sunod naman ay ang lupa. Mga maliliit na bato ang napalabas niya at nakisabay iyon sa tubig na animo'y nagsasayaw din.
Masaya niyang nilalaro ang mga elemento nang biglang may kumatok sa pinto. Kasabay no'n ang paglaho ng mga elemento. Siguro dahil nawala siya sa konsentrasyon.
"Mahal na prinsesa hindi pa po ba kayo bababa? Kakain na daw po." Tawag ng nasa labas.
"Sige, saglit lang."
Agad siyang naligo at inayos ang sarili. Habang nagpapatuyo ng buhok napansin niya ang papel sa lamesa sa gilid ng kama niya.
'Prinsesa, sana maging sikreto lang sa pagitan nating dalawa ang pagpunta ko sa palasyo.' --Master Haurvat
Huh? Bakit ayaw niyang ipasabi sa iba na dumalaw ito? Nagkibit balikat na lang siya. May magandang dahilan naman siguro si Master Haurvat.
Bumaba na siya papunta sa hapag kainan at nandoon nga silang lahat nakaupo na.
"Bakit ang tagal mo Zafira?" Bulong sa kaniya ni Isabella dahil sa tabi siya nito umupo.
"Huh? Ah, medyo tinamad lang ako maligo."
Isang "Ah" lang ang sinagot nito at nagpatuloy na sa pagkain.
Napabuntong hininga siya. Buti na lang hindi na ito nagtanong. Ang saya pala gamitin ng lahat ng elemento.
"Zafira, hindi kita masyadong nakita kahapon." Panimula ni Flint.
"Ha? Ah, naging busy kasi kami sa training ni Jennicah." Tumingin siya kay Jennicah. "Diba?"
"Oo nga." Gatong naman ni Jennicah.
Aiden scoffed. Napansin niya iyon.
Problema nito?
Naging tahimik na uli ang hapag. Walang nagsasalita. Nang matapos silang kumain ay dumiretso na siya sa training.
"Kamusta yung training mo kagabi?" Ani Jennicah.
"Ok naman." Ang naging tanging tugon niya.
"Sige nga let's try. Make your own weapon."
She concentrated and there she make a bow and arrow. Hindi kagaya kahapon na hirap na hirap siya sa paghulma pa lang ng armas.
"Wow! It is even stronger now!" Namamanghang sabi ni Jennicah.
Totoo ang sinasabi nito.
"Let's try?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasiaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going