Sumisikip ang dibdib ni Isabella sa tanawin na nasa harap niya. Magkausap na naman si Gregory at Jennicah. Hindi niya tuloy mapigilan tanungin ang sarili. Hindi ba dapat siya 'yon? May sarili namang protector si Jennicah kaya bakit kailangan magkasama ang dalawa palagi.
Nagbabadya na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata pero bago pa makita ng ibang naroroon ang pighati niya, minabuti niyang lumabas na lang sa palasyo. Magsisimula na naman ang programa kaya malamang hindi na mapapansin ang pag-alis niya.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa hardin ng palasyo dahil sa pag-iyak.
"Ang dami ko naman kasing pwedeng magustuhan bakit ikaw pa Gregory?! Bakit ikaw pa?! Ang sakit, ang sakit sakit lang kung pwede lang turuan ang puso na iba na lang ang mahalin, sana hindi ako nasasaktan ng ganito."
"Isabella" Natigilan siya nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon.
Bakit ka pa sumunod? Hindi mo ba alam na gusto ko munang mapag-isa?
Tahimik niyang pinunasan ang luha. "Bakit ka nandito?" Tanong niya habang nakatalikod pa rin sa binata.
Napasinghap siya nang pihitin siya nito paharap. Gusto niyang umiwas ng tingin para hindi nito makita ang namumugto niyang mata pero huli na, nakita na iyon ni Gregory.
"Umiyak ka. Bakit ka umiyak, prinsesa?"
"N-nag-aalala ka ba s-sakin?"
"Oo naman..." Biglang lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ng binata. Para bang binigyan siya ng pag-asa. "...Siyempre protector mo ko. Baka maparusahan ako kapag di kita naalagaan."
Lahat ng nabuong pag-asa sa kaniya ay mabilisang gumuho. Isang bagay ang napatunayan niya. Walang pag-asa na magugustuhan siya ni Gregory dahil para rito isa siyang atas na kailangan nitong gawin.
"Iwan mo ko!" Binaklas niya ang hawak nito sa kaniya.
"P-pero Prinsesa."
"Iwan mo na ako sabi eh! Tutal naman ay wala kang pakialam sa akin edi umalis ka na lang! Alam mo ang manhid mo! ANG MANHID MANHID MO!" Ang mga luhang inakala niyang natuyo na ay muling nagbabagsakan. Masyadong masakit.
"Magsama kayo ni Jennicah! Tutal mas gusto mo siya diba! Mas maganda, sexy at mabait si Jennicah. Edi kayo na! Bagay na bagay nga kayo sa isa't-isa eh!"
She caught him off-guard. Natigilan ito sa sinabi niya na para bang pinipilit iproseso ang mga akusa niya.
Ginawa niya 'yong pagkakataon para makapagteleport palayo. Ayaw niyang makita ang binata. Umuwi siya sa kanilang Palasyo para kumuha lamang ng kaunting damit. Balak niyang tumira muna sa mundo ng mga tao. Gusto niya munang mapag-isa.
TATLONG ARAW na ang lumipas pero wala pa ring Isabella ang nagpapakita. Nag-aalala na si Zafira para sa kaibigan dahil ang huling beses na nakita niya ito ay noong pagtitipon. Ipinahanap na rin ito ng mga magulang sa buong Elemental World pero hanggang ngayon wala pa ring balita. Ano kaya ang nangyari sa pagitan nito at ni Gregory?
Nasa malalim siyang pag-iisip nang pukawin ng tagasilbi ang atensyon niya dahil ipinatatawag daw siya ng hari.
"Sige, susunod na ako."
Inayos niya lang ng kaunti ang sarili.
"Ama, bakit po?"
"Upo ka muna, anak." Nang maka-upo siya'y agad rin itong nagsalita. "Magsisimula ka na ulit mag-ensayo bukas kahit hindi pa nakikita ang Prinsesa. Kailangan mo ng matutunan kontrolin ang kapangyarihan mo sa lalong madaling panahon."
"Masusunod po ama."
"Sige na bumalik ka na sa iyong kwarto. Magpahinga ka dahil kakailanganin mo ang iyong lakas bukas."
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasySTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going