Hindi alam ni Zafira kung gaano katagal siyang nakapikit pero napamulat siya ng marinig ang malakas na tawa ni Aiden. Binitawan na siya nito samantalang hawak hawak ng binata ang tiyan habang tumatawa pa rin ng malakas.
"Akala mo hahalikan kita 'no?" Tumawa ito na naman ito ng malakas "Hindi 'no!"
Sumama ang timpla niya dahil doon. Bumalik na naman ang inis niya sa lalaking hambog.
"Ano ba! Bakit ka ba tawa ng tawa?!"
"N-not..." He laughed. "...thing" Wala pa rin itong tigil sa pagtawa at haos hindi na makahinga. Sana nga makalimutan na nitong huminga.
"Ano ba?!" Naiinis na sabi niya. Balak na niyang bugbugin ang binata pag hindi pa rin ito tumigil.
"Ok, ok" Kinalma nito ang sarili bago nagsalita muli. "It's just that nakakatuwa ang itsura mo... It's..it's... priceless." Tumawa na naman ito.
Nagwalk-out siya sa harap ni Aiden. She's claiming it. Wala ng pag-asa ang binata.
Dahil sa patuloy na paglalakad napadpad na pala siya sa hardin ng palasyo.
"Ang ganda!"
Iyon ang unang katagang lumabas sa bibig niya, totoo naman. Ilang beses na siyang nakarating dito tumatambay pa nga sila madalas pero ngayon niya lang nasaksihan ito.
Nakakaaliw at nakakamangha ang tanawin sa harap niya. Ang daming mga fairies na nag-aalaga sa mga flowers. Siguro ito ung binanggit ni Lucia na Eventide Fairies.
Mayroon ding dragon at ngayon lang siya nakakita ng ganoon sa malapitan. Nakakatakot pero ang sabi naman ni Isabella ay mabait ang mga ito. Nakasakay pa nga siya sa isa noong kaarawan niya.
Nahuli ng mata niya ang isang dragon. Ang ganda ng kulay nito lalo na ang mga mata. Sinubukan niyang lumapit doon at balak niya sana itong hawakan ngunit bigla siyang nahilo.
Narinig niya pang may tumawag sa pangalan niya bago tuluyang mawalan ng malay.
"Kamusta na siya hijo?"
"Hindi pa po siya nagising e. Pero ok na naman po siya sabi ng manggagamot na pumunta rito."
"Na'ko ang kulit talaga ng batang yan kahit nung nasa academy pa siya."
Naalimpungatan si Zafira dahil sa dalawang boses na nag-uusap at mukhang siya pa ata ang pinag-uusapan.
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, sumalubong sa paningin niya ang nag-aalalang tingin ni Aiden. Ang huling naaalala niya ay ang paghawak niya sa dragon, bahagya siyang napatitig sa mata nito at nawalan na siya ng malay.
Sinubukan niyang umupo at tinulungan naman siya ni Aiden.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng binata. "Nabiktima ka kasi ng sleeping dragon kapag natitigin mo ang mga iyon sa mata parang mahyhypnotize ka at mawawalan ng malay."
Tumango siya. "Kaya pala. Salamat."
Ipinalibot niya ang tingin sa paligid. Nasa loob pala siya ng kaniyang silid. Dumako ang tingin niya sa kaniyang ama na nasa gilid.
"Mahal na hari? Ano pong ginagawa niyo dito?" Ang alam niya ay marami itong ginagawa kaya nakakapagtaka na makita niya ito.
Lumapit ito sa kaniya. "Hindi na ba ko pwedeng mag-alala sa sarili kong anak?"
"Pero sabi niyo po madami kayong gagawin."
"Hay, ewan ko sayong bata ka." Her father sighed. "Aiden ikaw na ang bahala diyan. Alagaan mong mabuti.
"Opo mahal na hari."
Lumabas na ito ng silid.
Hindi nya rin minsan maintindihan ang kaniyang ama kaya madalas ay pinapabayaan niya na lang.
Bumaling naman siya kay Aiden. "Oh, ano pang ginagawa mo dito?" Hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito sa kaniya kanina.
"Malamang binabantayan ka." Namimilosopong sagot ng binata.
Inirapan niya ito.
"Ewan ko sa'yo. Lumayas ka! Di kita bati! Shoo! Shoo!" Tinaboy niya pa ito gamit ang kamay.
"Okay." Lumabas din ito pagkatapos. Huh? Kala ko ba babantayan niya ko? Binibiro lang naman e!
Hindi niya talaga maintindihan ang mga lalaki! Dinaig pa siya!
Kumatok ang isang tagapagsilbi dala-dala ang kaniyang pagkain. Pinaiwan niya lang ang pagkain sa lamesa at pinatawag si Isabella. Kailangan niya kasing makausap ang kaibigan.
Ilang minuto lang ay sumalubong sa kaniya ang nakabusangot na mukha ni Isabella.
"Oh bakit?" Galit na sabi ng kaibigan.
"Ang sama ng timpla mo?"
"Yung protector ko kasi!"
"Huh? Anong protector?"
Protector? Para saan? Bakit siya ay walang ganoon?
"Wala ka nga palang protector dahil si Prince Aiden ang magiging protector mo." May pang-aasar sa tono nito ng banggitin ang pangalan ni Aiden.
"Huh? Di talaga kita maintindihan?"
"After kasi nung nangyari na nakapasok ang mga Night dito tayong tatlo na princesses ay may mga protector na. E yang Aiden mo gusto siya ang maging protector mo. Buti nga napapayag niya ang hari e."
Napailing na lang siya. Malakas ang kapit ni Aiden sa kaniyang ama kaya hindi na siya dapat magtaka. Kaya rin pala panay ang dikit nito sa kaniya ngayong araw.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"
Muntik na niyang makalimutan ang pakay niya kung bakit niya pinatawag si Isabella buti na lang at pinaalala ng dalaga.
"Pwede mo ba akong samahan pupuntahan ko lang sila mama at papa? Miss ko na sila e."
"Sino? Mga magulang mo sa mortal world?"
"Yup!"
Nagdadalawang isip pa itong tumingin sa kaniya.
"Please?" She used her puppy dog's eyes that always work like a charm.
"Sige na nga! Pero ikaw ang magpaalam sa mahal na hari."
"Oo naman akong bahala!" Excited siyang tumayo kahit medyo nahihilo pa siya ng kaunti.
Tinulungan siya ni Isabella na mag-ayos ng sarili dahil mukha na pala siyang ewan kung hindi pa pinuna ng kaibigan.
Kumatok siya sa opisina ng kaniyang ama bago pumasok, abala ito sa mga papeles.
"Mahal na hari." Pagtawag niya sa pansin nito.
Sabay silang yumuko ni Isabella bilang pag galang.
"Anong kailangan niyo?"
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Zafira at sinabi sa hari ang kaniyang pakay.
"Maari po ba kaming pumunta ni Isabella sa mortal world?"
"Hindi pwede." Mabilis na tugon ng kaniyang ama.
"Ama, namimiss ko na po ang pamilya ko doon."
"Hindi." Puno ng pinalidad ang boses nito. "Mahina ka pa, maaari kang sugurin ng mga Night doon. Magpahinga ka na at mag-eensayo ka pa bukas."
"Pero--"
"Magpahinga na kayo. Ayokong maulit ang nangyari noon. Mas makabubuti kung nandito ka sa loob ng plasyo dahil maraming nagbabantay."
Magalang siyang nagpaalam at hinila na si Isabella palabas. Gustong gusto na niyang makita ang dating pamilya niya. Gagawa siya ng paraan. Kailangan niyang magpalakas.
Ngunit hindi niya maiwasang magtampo sa ama. Pwede naman siyang pasamahan nito sa mga kawal o malalakas na wizards, pero ayaw lang talaga nito. Bakit?
Nagpaalam sila ni Isabella sa isa't isa. Humingi pa ito ng tawad dahil hindi siya natulungan.
ariathatsme
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasíaSTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going