Chapter 10: The Princess Return Part 2

20.3K 479 17
                                    

Tahimik silang naglalakad ng lalaki, siya na ang nagkusang magsimula ng topic dahil hindi siya sanay sa katahimikang pumapalibot sa kanila.

"Ano nga palang pangalan mo? Nakalimutan ko kasi." Usisa niya dito..

Tiningnan muna siya nito bago sumagot "Flint." Maikling tugon nito. Suplado? Parang hindi naman siya ganoon nung nakaraan ha.

"Nice to meet you!" Hindi ito nagsalita kaya minabuti na lang din niya na wag umimik. Baka gusto nito ng tahimik.

Teka paano na nga pala iyong enrollment niya? May kinausap lang sila kanina at hindi na naipaliwanag pa ang iba. Baka naman enrolled na siya agad? Kasi ihahatid ba siya sa dorm niya kung hindi.

Nakarating na lang sila sa dorm niya ng hindi niya namamalayan. Hinatid pa siya nito sa mismong kwarto niya. Bakit mukhang pamilyar ang mga nandito? Pakiramdam niya ay nakapunta na siya rito.

"I'll leave your things here, your fairy guardian will give you a briefing about the things in the academy."

"My fairy-what?" Ano bang sinasabi nito? Sakto naman na may lumilipad na parang paru-paro ang lumapit sa kanila. Nang titigan niya iyon ay hugis tao pala na may pakpak. A fairy? A real fairy?! Parang gusto na lang talaga niyang mahimatay.

"Hi! I'm – Zafira?!" Bulalas nito. Okay, here comes another one.

Umiling siya. "Ako pala si Thea, anong pangalan mo?"

"Uh Lucia ang pangalan ko."

"Lucia." Agaw pansin ni Flint dito. "You know what to do here. She's not Zafira, kamukha niya lang iyan. Be nice, I'll get going." Nagpaalam si Flint sa kanila dahil marami pa daw itong kailangan asikasuhin.

"Hello Lucia! Nice meeting you. Ang cute cute mo!"

"Naiintindihan mo pa rin ako?"

Huh? What does she mean?

"Lucia bakit may design na itong kwarto? Kayo ba nagdedesign ng bawat room?" Iyon ang una niyang napansin pagkadating nila ni Flint kanina. Sobrang effort naman ng school na ito para magdisenyo ng mga kwarto sa estudyante na gagamit.

"Oo, tinutulungan namin ung mga estudyante dito para ayusin ung mga kwarto nila pero may mas nauna sa'yo dito."

May nauna sa kaniya? Mukha pang bago ang mga disenyo. "Sino?"

"Si Zafira." Ilang beses niya pa kaya maririnig ang pangalang iyan.

"Ah! Yung girl na pinagkakamalan na ako."

Tumango siya.

"Ano bang nangyari sa kanya?"

"Wala, hindi namin pwedeng ipagsabi dahil kakaunti lang ang may alam."

Kailangan niyang masa makakalap pa ng impormasyon para sa misyon niya kaya dapat mapilit niya ito.

"Please Lucia! Please! Nacucurious lang ako e."

"Alam mo para kang si Za--." Napatigil ito. Para siyang sino? "Wala. Sige na, magbihis ka na muna bago tayo maggagala."

Para siyang si Zafira? Iyon ba ang sasabihin dapat nito?

Nagbihis naman siya noong nakahanda na school uniform. Saktong sakto sa kaniyang ang sukat noon. Umalis na sila nang makita ni Lucia na handa na siya.

Inilibot lang siya ni Lucia sa buong school. Panay ang turo nito kung saan saan. Sobrang dami at hindi niya alam kung matatandaan niya ba ang lahat.

She also thinks she can easily adopt in this school. Bukod sa mga kakaibang bagay na ituturo sa kaniya ay parang paaralan din naman ito sa normal na mundo. Namangha din siya noong ipakita ito sa kaniya ang locker niya na kumpleto sa gamit at pati na rin ang wand niya na naroroon.

Nang magutom ay nag-aya ito sa school cafeteria. Sumang-ayon siya dahil nagugutom na din siya at nakakapagod din ang ginawa nilang paglalakad.

Agad silang kumuha ng makakakain. Ngunit nahirapan sila sa paghahanap ng mauuupuan dahil puno ang cafeteria ng mga estudyante.

"Tara! Dun tayo Thea." Aya sa kaniya ni Lucia habang itinuturo ang lamesa kung saan naroroon si Flint. Mag isa lang ito, nakita niya na rin ito kanina pero ayaw niya lang doon umupo kaya hindi niya na sinabi kay Lucia.

"Nako Lucia hanap na lang tayo ng iba."

"Thea wala ng ibang uupuan punuan na."

She sighed mukha wala na talaga siyang choice. "Sige na nga."

"Pwedeng makiupo? Wala na kasing ibang upuan." Aniya ng makalapit dito.

Tumango lang ito at nagpatuloy kumain. May kasama din itong fairy. Sabi nga ni Lucia lahat daw ng estudyante ay may kasamang fairy.

Tahimik silang kumain, sobrang awkward sa buong lamesa pero wala naman siyang magawa at hindi siya makapagbukas ng pwedeng pag-usapan.

Kinabukasan ay dumating na agad si Marcus sobrang bilis ng proseso sa paaralan. Ipinakilala sa kaniya ni Lucia si Isabella Ambroise sobrang bait nito at agad niyang naging kaibigan. So far, masaya naman siya sa paaralan. Iyon ang hindi maganda. Nag-eenjoy siya sa saya na alam niyang panandalian lang naman.

ariathatsme

Please read Magus Academy. It's an amazing story with remarkable characters and mind-blowing plot. The link is in the comment section or you can visit my profile. 

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon